Chapter Eleven

538 21 7
                                    

"So ano na? Pupunta ka ba?" Kanina pa ako nakatulala at nag-iisip nang pwedeng sabihin kay Nathan. Sa totoo lang gusto ko naman sumama eh wala namang problema doon dahil dinugtungan pa niya ang text niya kagabi,

I want to be your close friend from now on. Consider this as a friendship proposal, please?

Pinabasa ko sa kanila yung text niya at syempre tuwang tuwa naman sila. Sumama na daw ako para naman mas makilala namin ang isa't isa, as if naman na date yun.

"Friendship proposal lang naman daw yan diba? Go ka na gf." Hindi ko alam kung bakit parang nagdadalawang isip pa akong pumayag. Natatakot din siguro akong mamisinterpret nila mama at kuya ang pakikipagkaibigan sa akin ni Nathan. Baka isipin nila na nanliligaw siya sa akin, gaya nung una kung naisip kung hindi pa niya dinugtungan ang text niya. Bihira ka na lang kasi makakita ng lalaking nakikipagkaibigan sa babae unless kung may string attached, kung may hidden feelings siya dito. Ayoko namang mag assume, mahirap kaya umasa lalo pa't he made it clear na friendship lang ang gusto niya. Oo naman, nag assume ako syempre dahil crush ko yung tao eh. Pero buti na lang hangga't maaga pa malinaw na sa akin ang lahat. He just want to be friends with me.

"Well, tingin niyo wala namang masama doon diba?" Tanong ko sa dalawa.

"Wala naman. Pero mas maganda kung kasam kami, tingin mo Hami?"

"Oo tama si Minki. The more the merrier kaya, kung friendship lang naman ang gusto why not invite us too? Sabi niya gusto niya rin kaming maging friends diba?"

"Unless, kung ikaw lang ang gusto niya." Diniinan pa ni Minki ang pagkakasabi ng last two words saka ngumiti sa akin ng nakakaloko at dinugtungan ang sinabi. "Ang gusto niyang maging kaibigan." Tapos ay nagtawanan silang dalawa.

"Ano bang ibig niyong sabihin?" Naguguluhan na ako sa dalawang 'to kahit kelan ang hirap kausap.

"Wala, nevermind. Ano sasama ka?"

"We'll see. Next week pa naman yun eh."

"Okay." They shrugged. " Linggo ngayon bukas ay may pasok ulit. Last week na namin for this school year. Ang bilis ng araw, mag se-second year na kami at si kuya naman g-graduate na. Akala ko pa naman lulubayan na niya ako kaso wala eh doon pa din siya papasok sa SMU. Kaasar.

Napagdesisyunan ko ngang pumayag sa friendship proposal chuchu ni Nathan. And the date went well, friendly date to be exact. Pinanood namin yung bagong horror movie, tinanong niya kasi ako kung ano ang gusto kong panoorin. Well, knowing that he's a guy akala ko cool lang sa kanya ang panonood ng ganitong klaseng movie but it turned out that he's not a fan of horror movies. Pasimple siyang hindi tumitingin sa big screen lalo na't alam niyang nag co-concentrate ako sa panonood. Pero nahuli ko siya nang biglang mapatingin ako sa gawi niya, nakayuko lang siya tapos ay nagpapaka busy sa cellphone niya. Laughtrip ako noon pagtapos, hiyang hiya nga siya eh. Naging mas kumportable nga kami sa isa't isa, puro kami tawanan. Nag foodtrip din kami pagtapos ay naglaro sa Quantum. Mga bandang maggagabi na bago kami nagdecide na umuwi. Ang saya lang sa pakiramdam na kaibigan mo na ngayon ang taong gusto mo noon. Hindi naman awkward dahil hindi naman niya alam na crush ko siya eh. I keep it to myself at hindi naman niya nahahalata yun. Syempre pa hindi magpapahuli sa balita ang mga girlfriends kong tsismosa. Kinuwento ko ulit sa kanila kung anong ginawa namin. Minsan pang naulit yung paglabas-labas namin ni Nathan pero kasama namin sina Minki at Hami. Naging friends nga namin si Nathan. He's a nice guy from the very start until now. Hindi nagbago iyon.

Dumating ang araw ng graduation ni kuya at end of classes ng university. Hindi ko na talaga nakita pa ulit si Terrence look a like. Nacucurious pa din talaga ako sa kanya, everytime kasi na manonood ako ng performances ni Terrence may tendency na nakikita ko siya. Kaya di ko rin maiiwasang maalala siya. Hindi naman daw siya boyfriend ni Jaylee kaya okay na din sa akin yun. Syempre mag dedeny pa ba ako? Crush ko naman talaga siya eh, pag kayo ba nagka-crush gugustuhin niyong may girlfriend yung crush niyo? Hindi diba? Haha. Kaso napakailap niya sa akin, hindi ko siya nakikita. Gusto ko din makilala siya, atleast malaman man lang ang pangalan niya. Kaso hindi talaga kami pinagtatagpo eh, haay. Buti pa si Nathan, di ko pang nakilala, naging kaibigan ko pa. Friendzone nga lang pero, I'm fine with it. Ewan ko ba, mas type ko ngang friends lang kami.

Dating a Fanboy (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon