Chapter Twenty Two

408 19 22
                                    

"Ang kapal talaga ng mukha ng Jaylee na yan! Pigilan niyo ko gf, susugurin ko na yan!"

"Relax lang Minki. Highblood ka naman masyado." Pag-aawat ni Hami sa kanya. Naikuwento ko kasi sa kanila yung encounter namin kahapon sa hallway. Alam ko ng magkakaganito sila, inis din kasi sila kay Jaylee lalo na si Minki. Lalo pa nung nalaman niya na dating ka-banda ni kuya si Jaylee at dating may gusto ito kay kuya. Malandi daw, sabi niya. Natatawa na nga lang din ako sa reaksyon niya, dinaig pa ako na kapatid. Dagdag pa nung maikwento ko na rin sa kanila ang nalaman ko tungkol sa kanya at kay Francis, mas lalo lang nainis ito. Eh kasi nga, shipper daw siya ng ChunCis kahit nung umpisa pa lang ay sinabi kong malabo na. Saka hindi ko na rin naman gusto yun ngayon, kaya wala na akong pake.

''Nakakaasar na kasi. Alam niyo kapag hinayaan niyo siyang ganyan ganyanin lang si Chun, masasanay yan. Tapos nakisali pa yung higad na Bridgette na yun? Bagay nga silang magsama pareho silang magaganda nga na parang butterfly, nagsimula naman sa pagiging caterpillar.'' Since siya ang mas matanda sa aming tatlo siya yung palaban, hindi nagpapaapi, mahilig makipagsapakan. Di, joke lang yung huli. ''Ano nga pala yung ikukuwento mo tungkol kay Jaychan ha, Hami?'' Nagtinginan kaming dalawa bago siya nagsalita. Ikinuwento niya yung nakita niya at ito namang si Minki, mas lalong nagalit. Nakikita kong nagpipigil ng luha si Hami kaya hinawakan ko siya sa balikat.

''Gf, ilabas mo kasi 'yan.'' Tuluyan na nga siyang napaluha.

''Shit lang gf. Ang sakit palang umasa. Noon pa man takot na akong dumating sa point na mararanasan ko 'to eh. Alam ko kasing dadaan tayo dito, lahat tayo. That's why I reserved myself, sabi ko pipiliin ko yung tama. Ito na sana eh, binigyan ko na ang sarili ko ng chance na subukan ang ganitong bagay pero nagkamali pa. May humarang pa.''

''Gf, hindi sa lahat ng pagkakataon aayon sa gusto nating mangyari ang panahon.''

''Tama si Chun gf, nagbukas ka ng pinto diba? Ibig sabihin lang nun willing ka ding i-take ang risk na pwedeng may tatanggi at magsara ng pinto mo o pwede ring may tatanggap at papasok.''

''Nakakadala tuloy.'' Bumuntong hinga siya.

''Hindi pa siguro ngayon ang time para sa ganyang bagay.''

''Siguro nga, pero muntik na ako dun gf. Konting konti na lang sana mahal ko na siya.''

''Atleast, muntikan pa lang hindi ka pa tuluyang nahulog sa kanya pag nagkataon baka hindi ka pa niya nasalo dahil nakatingin pala siya sa iba.'' Tama nga naman si Minki. Pasalamat na lang kami at hindi pa ganun ka nagtagal ang magandang pakikitungo niya kay Hami.

''Pipiliin niya talagang hawakan si Bridgette kesa ang saluhin ako gf no? Si Bridgette Sandoval yun eh, ako, si Sam Hami lang ako.''

''Wag ka ngang insecure gf. Wala akong gf na panget ang gaganda kaya natin.'' Natawa naman kaming pareho sa sinabi ni Minki. Kahit kelan talaga. ''Change topic nga tayo baka tumulo na uhog ni Hami eh.'' Hinampas naman siya nito ng mahina sa braso.

''Oo nga, so ano palang ginawa mo Chun? Di mo man lang ba sinagot ang malditang Jaylee na yun?''

''Sinagot ko naman siya eh, saka hahaba pa nga sana yung sagutan namin inawat lang siya nung isa nilang kaibigan.''

''Sino dun?'' Sabay nilang tanong.

''Gwen daw yung name sa pagkakarinig ko. I don't know, di ko siya kilala.''

''Gwen? Baka si Gwen Feleo? Yung kasama ni Bridgette sa SMU cheering squad. Kilala ko yun.'' Paliwanag ni Hami.

''Oh? So naging stalker ka na pala ni Bridgette ngayon? Sinasaktan mo lang ang sarili mo Hami.''

''I don't stalk her! Kilala lang talaga sila lalo na sa department namin! Bago ka magsalita tanungin mo kasi muna ako!'' Bago pa lumaki ang usapan, umawat na ako. Nakita kong napipikon na kasi si Hami. Ito kasing si Minki, walang preno ang bibig.

Dating a Fanboy (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon