Chapter Thirty Four

259 13 17
                                    

"I like you. You and your imperfection."

- Your Fanboy

Tinanggal ko agad ang pagkakadikit ng sticky note sa loob ng locker ko. Sino kaya ang naglagay nito?

"Hi Chun!" Napalingon ako kay Gwen na naglalagay ng gamit sa locker niya. "What's that?" Tiningnan niya ang hawak ko na papel.

"Ahh. Wala." Nginitian ko siya ng matipid.

Humarap siya sa akin at isinara ang locker niya. "Sabi ko sa'yo 'wag ka ng mailang sa akin eh. I distanced myself to them, Jaylee and Bridgette."

"Bakit?" Kunot-noo kong tanong sa kanya.

"Because I want to be close with you. We're not dumb to not know that they don't like you, right? So para maging close ako sa'yo, umiwas ako sa kanila."

Kapag talaga anak mayaman, englisera. Ganun ba 'yun? Kanina pa siya english ng english eh.

"Pero hindi mo naman kailangang iwasan sila, mga kaibigan mo sila 'di ba?"

"You're worth my attention."

Mas lalong napakunot ang noo ko. Anong ibig niyang sabihin? Ipagpapalit niya ang pagkakaibigan nila sa akin?

Hinawakan niya ang isa kong kamay gamit ang dalawang kamay niya. Ang lambot ng mga kamay niya, halatang walang ginagawa sa bahay. "I will prove to you my worth." Saka siya ngumiti sa akin.

-

Hindi na kami masyadong nagkikita ni Nathan. Kinuha kasi siyang representative para sa culinary arts competition kaya busy siya sa pag-eensayo ngayon. Ang galing kasi talaga ni Nate eh. Perfect na nga, talented, gwapo at mabait. Maswerte ang babaeng mamahalin niya.

Alam ko namang nagtapat siya sa akin noon pero sa tagal ng pagsasama namin bilang magkaibigan, tingin ko ay nagbago na ang pagtingin niya sa akin. Infatuated lang siguro siya noon. Mas nararamdaman ko kasi ang pagiging kaibigan niya kesa ang pagiging manliligaw niya o something na may gusto siya sa akin o ano bang tawag dun. Basta, alam kong kaibigan lang talaga ang pag care niya sa akin. Siguro akala niya lang sa umpisa higit pa roon ang nararamdaman niya, pero actions speak louder than words. Mas matutuwa naman ako kung talagang kaibigan na lang ang tingin niya sa akin. Mas maganda nga kasi iyong magkaibigan kayo, mas tumatagal ang relasyon niyo. Walang break up.

"Chun?" Napapitlag ako nang makita si Ian sa harap ko. Bigla kong naalala ang mga sinabi niya sa akin sa bahay noong nakaraang araw.



***Flashback***

"Hindi magandang biro 'yan Ian." Kunwari akong natawa sa sinabi niya. Hindi ako manhid pero hindi naman ako assuming.

"Hindi ako nagbibiro, Chun. I care for you and I want to take care of you. I want to protect you."

"Hindi ka bagay maging bodyguard ko, Ian. Saka hindi ko kailangan nang mag-aalaga sa akin."

"Sa ayaw mo at sa gusto, poprotektahan kita. Kahit hindi mo sabihin, gagawin ko. Kung hindi ka pa handang tanggapin ang pagmamahal ko sa'yo, okay lang. Maghihintay ako."

Mariin kong ipinikit ang mga mata ko at tiningnan siya nang dumilat ako.

"Look, kung ginagawa mo 'to para hindi ako umalis sa Redlight, please. 'Wag mo ng gawin. Nakapagdesisyon na ako Ian and I feel sorry for it. 'Wag kayong mag-alala ako ang bahalang maghanap ng kapalit ko. At susuportahan ko pa rin naman kayo."

Dating a Fanboy (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon