Chapter Two

908 28 24
                                    

Si Terrence. Andito siya sa loob ng jeep ngayon? Imposible!

Pero teka nga, kung siya 'yan edi dapat pinagkakaguluhan na siya ng mga fangirls na makakakita sa kanya dito. Utak mo Chun, lutang ka na naman eh. Nang titigan ko siyang mabuti, hindi pala siya si T'rence. Akala ko talaga siya eh, nakapikit habang naka cross arms pa. Ang cool niya. Pwera biro, kahawig talaga siya ng bias ko as in hawig na hawig, hala puwede pala yun? Mayroong kamukha si T'rence dito sa Pilipinas? Ayos yun ah!

Naramdaman niya yatang merong nakatitig sa kanya kaya nagmulat siya ng mata. Nawalan ng kulay ang mukha ko nang pagdilat niya saktong napatingin siya sa akin. Ano ba yan Chun! Nakakahiya ka, akalain pa nun pinagpapantasyahan mo siya. Aish! Napayuko nalang ako at nag-iwas ng tingin. Nakita ko namang pumikit ulit siya, nakatulog na naman yata. Pa'no niya kaya nagagawa yun? Natutulog habang nakaupo nang hindi man lang nakasandal ang ulo kung saan. Hindi ko kasi kaya yun, baka napasubsob na ako sa katabi ko pag ginawa ko yun. Special talent niya yata, siguro. Hahaha.

Iniiwas ko na ang tingin ko kasi baka mamaya mahuli na naman niya akong nakatingin sa kanya eh baka kung ano pa ang isipin.

Nasa kalagitnaan na kami ng byahe nang biglang napasubsob kaming lahat sa unahan. Bigla kasing tumigil ang jeep na sinasakyan namin. Agad naman akong umayos nang pagkakaupo, nasira poise ko don ah. Haha. Nakita kong nagising na si Terrence look a like pero unlike sa amin wala siyang reaksyon. Kung kaming lahat eh nagulat at yung iba ay nainis siya naman ay parang wala lang. Nakatingin lang siya sa kabilang kalsada, parang walang problema si Kuya Terrence look a like. Ang cool niya talaga. Haha. Hindi ako mabilis ma-attract sa isang lalaki pero parang iba siya. Siguro nga kasi kamukha niya ang bias ko kaya ganun. Ikaw kaya na fangirl makasama mo ang kamukha ng bias mo sa jeep anong magiging reaksyon mo? Baka kung yung mga pervfans pa yan edi ginahasa na siya. Dejoke haha. Pinipigil ko lang ang kilig ko kaya naisipan kong i-text ang mga GFs ko.

To: GF Minki, GF Hami

GFs! Omo! Give me some air please? I can't help it! Ang hirap magpigil ng kilig. Gosh!

From: GF Minki

Spill it! Wae wae wae? (Why)

To: GF Minki

Eh kasi! May kasabay ako ngayon sa jeep! Kamukhang kamukha siya ni Terrence, gf! I kennat!

From: GF Minki

Whuut? Omo! Picture-an mo gf dali! Hahaha.

To: GF Minki

Hindi pwede! Adik ka! Later ko na lang ikukwento lahat. Haha! Byeong!

Napatingin ako sa mga kasama kong pasahero, isa-isa na silang bumaba ng jeep. Na flat tire daw kaya lumipat na lang kami sa ibang jeep. So in total, medyo minalas ako ngayon.

Nag-abang na naman kami ng masasakyan, yung iba nauna nang makasakay. Yung ibang jeep kasi punuan medyo mahirap nang makasakay dahil rush hour. Pinara ko yung isang jeep na paparating tumigil naman 'to sa harap ko. Sumunod ako sa dalawang babaeng nasa unahan ko, habang si Bias look-a-like naiwan na nag-aabang. Saktong pag-akyat ko wala na palang bakanteng mauupuan. Feeling ko tuloy napahiya ako. Malay ko naman kasing dalawa na lang pala ang bakante doon, edi sana di na ako sumunod. Nakita kong nakatingin si Terrence look a like kaya mas lalong nag-init ang pisngi ko. Pwede bang maki-kalong na lang sa isa sa mga pasahero dito? Parang ayoko na tuloy bumaba eh, nakakawala ng poise. Seryoso, hindi ako yung tipong self conscious, wala akong pake sa tingin at sasabihin ng ibang tao sa itsura ko. I don't wake up everyday to please anybody. Pero sa sitwasyon ko ngayon, parang mas gugustuhin ko pang magpalamon sa lupa. Hindi ko naman first time ang bumaba ng jeep dahil hindi na kasya. But the fact that he is looking at me, err, at us, nahiya ako bigla. Baka kasi isipin nyang, ayan kasi nagmamadali pa! Parang takot mawalan ng masasakyan. Pwede naman kasing maghintay na lang doon pa sa puno na.

Dating a Fanboy (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon