Chapter Three

914 29 6
                                    

"Hindi naman yata legit GF eh, 'wag kang malungkot baka rumor pa lang to." Dinadamayan pa din ako ng dalawa, para kasing nanghina ako sa nabasa ko. Sabihin man ng iba lalo na ng mga non-kpop na mga kakilala ko na OA ang reaction ko,  wala akong pake. Hindi kasi sila ang nasa kalagayan ko, hindi sila ang naging fangirl over three years. Hindi sila ang nagmahal sa isang tao sa loob ng tatlong taon na hindi man lang alam na nag-eexist ka sa mundo. Mas mabuti pa nga yung nirereklamo nila palagi eh, hindi sila crush ng  crush nila. Eh ako nga hindi alam ng taong mahal ko na nabubuhay pala ako sa mundong to. Na may isang Chun na nagmamahal sa kanya kahit alam kong hindi niya ito kayang suklian.

Nakita ko namang siniko ni Hami si Minki, tapos ay binulungan.

"GF, legit yan."

"Ano ka ba? Wag ka na ngang maingay." Bulong naman ni Minki sa kanya. Nagulat sila nang tingnan at ngitian ko sila. Isang pilit na ngiti na kahit sila, alam na peke lang ang mga ngiting 'yun.

"Wag kayong mag-alala magiging okay lang ako." I sighed. "Sana.." Nag bell na kaya bumalik kami sa classroom. Naghiwa-hiwalay na kami ng lakad dahil di kami magkaklase sa ibang subjects. Magkakaiba din kami ng course, si Minki Mascom habang si Hami naman Engineering. Ayaw pa nga sana nila akong iwanan eh, pinilit ko lang silang ayos lang ako at kaya ko ang sarili ko.

Natapos ang lahat ng subjects na wala akong ginawa kundi ang matulala. Gusto ko nga sanang mag ditch na lang eh feeling ko kasi ang  sama sama ng pakiramdam ko. Kaso ayoko namang dumihan ang attendance ko. Nauna na akong lumabas ng campus binilisan ko na lang ang paglalakad dahil uwing-uwi na ako. Ang bigat na talaga ng pakiramdam ko. Kanina pa kasi gustong kumawala ng mga luha sa mata ko. Pinipigilan ko na nga lang na wag maiyak habang nasa klase. Hindi naman na magtataka yung dalawa kung bakit di na ako sumabay  sa kanila eh. Alam na nila yun. Pati si kuya, di naman kami sanay na sabay umuwi. Allergic yun sa akin lalo na dito sa university, well mas lalo naman ako. Kasabay niya lagi ang mga barkada niya sa pag-uwi at ako naman yung mga girlfriends ko.

Pagkauwing-pagkauwi ko dumiretso agad ako  sa kwarto. Di  ko na nga pinansin si mama kahit alam kong may sinabi siya, hindi ko rin naman narinig. Niyayaya lang siguro ako nun na mag merienda. Maya-maya ay aalis ulit yun para pumunta sa mini-resto. Hindi pa kasi iyon mabantayan ni ate Charee dahil kapapanganak lang nito. Pag pwede na siyang magtrabaho siya na ang tutulong kay mama sa pagpapatakbo nun. Sayang naman kasi ang pinag-aralan niya kaya sa sarili na lang naming negosyo niya ipundar ang mga natutunan niya may kita pa siya. Tiningnan ko din ang phone ko, ang daming message pati missed calls galing kela Minki at Hami. Di ko na muna tiningnan dahil blangko ang utak ko ngayon. Alam mo yung pakiramdam na nawalan ka ng pinaka importanteng bagay at ang problema di mo alam kung saan mo ito sisimulang hanapin. Napadako ang tingin ko sa laptop na nakapatong sa may study table. Nag hesitate pa akong buksan, pero dahil matigas ang ulo ko at gustong gusto ko ang nasasaktan ako binuksan ko iyon. Nag log in ako  sa facebook at twitter, binuksan ko rin yung official site ng grupo nila Terrence. And yes I was hurt, I am badly hurt. Tiningnan ko pa isa-isa ang mga photos na nagkalat sa news feed ko, ang saya nilang tingnan grabe lang. Sa sobrang saya napapaiyak na ako. Ano pa nga ba ang ipinagtataka ko? Gwapo si Terrence, sikat, ramdam ko ring mabait siya, napaka fragile niya pero manly at the same time. Lahat ng gugustuhin ko sa isang lalaki halos nasa kanya na. Masisisi ko ba si Crysta? Kung ako rin naman ang nasa posisyon niya ngayon baka ako pa ang nanligaw kay Terrence. Lol as in lol. Nakuha ko pang magbiro sa lagay na 'to ha?

Ang dami ko ring nabasang status galing sa mga fangirls ni Terrence. At katulad ko, nalungkot din sila. May nag post pa nga ng mga namumugtong mata nila eh. May iba naman nag unfan na. Ako? Simple lang ang pinost ko..

"I'm just a fangirl and I will always remain as a fan."

Kahit nalaman kong may dini-date na si Terrence di ko pa rin makuhang mag unfan at magalit sa kanya. Napakasama ko na kung pipigilan ko  siya sa ikaliligaya niya. At kahit naman pigilan ko wala akong magagawa hindi naman niya ako kilala at balewala lang ako sa kanya. Sino nga ba naman ako? Fan lang ako diba? Kaya nga akong tinawag na fan para suportahan siya at hindi para pigilan sa gusto niya. Wala akong karapatan eh, hindi ko siya pwedeng pagbawalan. Ano pa bang ina-assume ko? Na ako ang i-date niya ganon? Asa! Naisip ko tuloy kung anong pakiramdam ngayon ni Crysta, hawak niya ang kamay ng taong isa sa pinakamahalaga sa akin. Yung taong pinagsisigawan kong mahal ko sa loob ng tatlong taon. At sa oras na ito siya na ang mahal ng taong yun. Siya ang mahal ni Terrence at hindi ako.

Dating a Fanboy (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon