Chapter Thirty Eight

200 11 44
                                    

Dinala ako ng mga paa ko sa venue na paggaganapan ng M-MAMA. Isang oras na lang ang natitira bago ito magsimula.

Nakita kong balisang nag-aabang sa may entrance si Miss Melissa, 'yung prof namin sa SMU na na-assign para mag manage at mag assist sa Redlight. Sa opening ceremony kasi magpeperform ang Redlight, kaya hindi pwedeng pumalpak. Ang binanggit lang kasi nila sa akin, nagkaaberya raw. Kahihiyan iyon sa may-ari ng SMU. Halos patakbo akong nilapitan ni Miss Melissa at niyakap.

"Thank God Chun dumating ka!" Halos nangingilid na ang luha niya. "Hindi ko alam kung anong gagawin ko, sobrang kinakabahan ako dahil ako ang in-charge sa Redlight at konting palpak lang ay ako ang mananagot."

"Bakit niyo po ba ako pinapunta dito? Ano po bang nangyari?"

"Mamaya na lang natin pag-usapan Chun, sumama ka na lang muna sa akin sa dressing room. Doon ko sasabihin ang lahat."

Kulang na lang ay kaladkarin niya ako papunta ng dressing room dahil sa pagmamadali. Naabutan namin si Jaylee roon na nakikipagtalo pa kanila Ian.

"I can do it! Hindi niyo na kailangang tumawag pa ng substitute, I can manage!"

"Jaylee!" Nagulat sila at sabay na napatingin sa pinto. "Hindi mo pwedeng iinsist ang gusto mo, M-MAMA 'to Jaylee kaya kahit sabihin mong kaya mo hindi tayo pwedeng magpakakumpyansa. Halos wala ka na ngang boses oh! Hindi lang ikaw ang mapapahiya, ako! Ako ang unang mananagot dito! Intindihin mo naman sana na para sa SMU ang performance na'to hindi para sa sarili mo lang."

Hindi nakasagot si Jaylee pero tiningnan niya lang ako ng masama. Si Lennon naman at si Henry ay ngumiti sa akin, si Ian naman ay nakatingin lang.

"Tapos ano? Siya ang ipapalit niyo?" Halatang halata na sa boses niya na namamaos at namamalat nga ang lalamunan niya. Parang hirap na nga siyang magsalita. Paano na lang kung kakanta pa siya?

"Oo." Matigas nitong sabi.

Tumawa siya ng nakakainsulto. "Miss Mel, hindi niyo ba naisip na baka mas lalong magkaaberya kung isasalang niyo siya nang hindi nakapagpractice?" Mataray niyang tanong.

"May kanta kaming napagpractisan noon bago pa mag back out si Chun. 'Yun na lang ang tugtugin natin. Wala na tayong oras." Si Ian ang sumagot.

"Oo nga! Kabisado mo pa naman 'yun Chun di ba?" Tanong sa akin ni Lennon.

Tumango lamang ako. "Alright!" Tuwang tuwang sabi ni Lennon. "We're saved."

"Kung hindi ka paos ngayon Jaylee hindi kita papalitan. Pero kailangan kong gawin 'to dahil ako ang in-charge sa inyo. Ako ang mananagot. Huling hiling ko na lang sa'yo ito, can you lend that dress to Chun?" Pakiusap ni Miss Mel sa kanya. Ang tinutukoy niya iyong suot na dress ni Jaylee.

"What?! No way! I bought this dress for me! Not for her! Kung ipapalit niyo siya sa akin, kayo ang maghanap ng isusuot niya!"

Alam kong naiiyak na siya sa galit. Ayoko mang gawin 'to pero nakiusap na si Miss Mel sa akin alang-alang sa SMU at sa Redlight. Isa pa, tingin ko ay bumabalik lang ang bagay na dapat talaga ay sa akin.

"Don't worry, may damit na pinadala dito kanina may kasama pa nga yatang sandals. Hindi ko alam kung kanino nanggaling nandiyan sa cabinet nakapatong." Sagot ni Henry. Kinuha naman niya ang medyo kalakihang paper bag na nakalagay doon at iniabot sa akin.

Kinuha ko naman ito sa kanya at napatingin kay Jaylee. "I-I'm sorry Jaylee."

Inirapan niya ako. "Tss! Sorry your face!"

"We don't have enough time. Ian, pwede niyo bang i-practice ang vocals habang inaayusan ko si Chun?"

Nagsimula na akong kabahan. Makikita nga pala ito sa tv. Paano kung makita ako ni mama? Hindi lang ang utos niya ang sinuway ko, nagsinungaling pa ako.

Dating a Fanboy (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon