Chapter Six

668 28 22
                                    

Hindi ako maka move-on. Kinikilig ako kay Kuya HRM promise! Buti pa siya alam ang pangalan ko samantalang ako di ko man lang alam yung pangalan niya. Classmates nga kami pero di ko siya kilala. Am I that famous? Dejoke. Narinig niya lang siguro kela Minki at Hami ang pangalan ko kaya niya nalaman. Nice guy pa naman si Kuya HRM, magaling pa magluto. Ideal guy ko kasi talaga yung marunong magluto since hindi ako marunong. Naka move on na ako kay Terrence pati sa ka look a like niya tapos ngayon itong si kuya HRM na naman manggugulo sa utak ko? Magkaka-lovelife na ba ako? Haha. Chos! Bawal pa ako nun. Bawal pa akong magka boyfriend ang sabi nina mama pati ni kuya. O diba? Kahit abnormal yung kuya ko pinagbabawalan pa rin niya akong mag boyfriend. May kaunting concern pala siya sa akin. O baka gusto niya lang akong maging matandang dalaga?

Wala akong naisagot kay kuya HRM nung binati niya ako. Nakakahiya nga kasi, ang dating tuloy parang ang suplada ko dahil hindi ko man lang siya binati. Hindi naman siguro ako oblige mag greet back sa taong bumati sa akin pero ano ba! Si crush yun eh! Nakakainis kasi parang umurong bigla yung dila ko. Hayaan na nga, baka may next time pa.

Dahil monday ngayon kaklase ko yung dalawa at pati si kuya HRM. Hindi sila aware na crush ko yun, hindi naman kasi ako mapagkuwento. Mamaya may gawin pa silang ikahahalata nun oh edi nabisto pa ako. Todo support pa naman sila pagdating sa lovelife, mga B.I yan eh. Hahaha. Mas kinikilig pa sila kesa sa akin.

Wala pa din yung teacher namin kaya ito nakikipagkwentuhan muna ako sa kanila. Dumaan sa harap namin si kuya HRM, nagulat lang ako pero I managed to smile at him. Naka-smile kasi siya. Napansin naman yata ng dalawa kaya tiningnan nila ako ng masama. I mean yung "tell us what's going on look." Hindi talaga nakaligtas sa kanila. Grabe ha iba pala pag nagkaroon ka ng kaibigang tulad nila, wala kang pwedeng itago. Syempre pa hindi nila ako tinantanan kaya napakuwento ako ng wala sa plano. At ang mga loka, kinikilig pa! Ba't daw hindi ko sinabi agad edi sana nalaman nila anong pangalan nun. Pero pinigilan ko sila, ayoko namang sakin magmula ang first move por que crush ko siya ako na agad magpapakita ng motibo? No way! Dalagang pilipina ata to, na gustong maging koreana. Dejoke.

Naglalakad ako papuntang library dahil may kailangan akong i-research nakalimutan ko kasing gawin sa bahay kaya dito na lang.

"Miss teka!" Ha? Ako ba tinatawag non? Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad since hindi ko rin ugaling lumingon na lang basta basta sa kung sino.

"Uhm miss!" Deadma pa din ako, manigas ka dyan. Mga estudyante na naman yang walang mapag tripan eh.

"Miss Chun!" Napatigil ako sa paglalakad nang tawagin niya na ang pangalan ko. Di nga ako nagkakamali dahil ako nga ang tinatawag kanina. Nagulat na lang ako nang lingunin ko kung sino ang tumawag. Shocks! Si Kuya HRM pala. "Ahh." Napakamot siya ng ulo, parang nahihiya. Parang nanigas ako sa kinatatayuan ko, ang lapit kasi namin as in magkatapat lang kami eh. Ngayon ko lang siya nakita nang malapitan, potek ang gwapo pala talaga niya. Yung mata niya nangungusap, ang amo ng mukha nya syete naman! Kuya please wag mo akong titigan ng ganyan.

"B-bakit?" Great, just great! Sige Chun magpahalata ka pa, mautal ka pa hanggat gusto ng dila mo! Aish!

"Yung panyo mo, nalaglag kanina buti na lang nakita ko." Inabot niya sakin yung kulay pink kong panyo. Hay, buti naman akala ko kung ano na eh. Akala ko magtatapat siya sakin, chos! Hindi ako feelingera ah, slight lang. Haha. Pang-ilang panyo ko na tong nalalaglag eh, buti na lang andyan si kuya HRM kung hindi hindi na talaga ako magdadala ng panyo.

"Ahh salamat." Kinuha ko naman yun agad saka umuwas ng tingin. Di ko yata kasi kakayaning makipagtitigan sa kanya baka bumigay ako at mahalata pa niyang gusto ko siya.

"Papunta ka bang library?"

"Ahh oo eh, may ireresearch lang."

"Good, yung sa Logic and Ethics din ba? Sabay na tayo." Bago pa man ako makasagot dinala na ako ng mga paa ko, may kusa ata eh kaya magkasabay na naming tinungo ang library. Nakakatuwa siya kasi talagang natural yung pagka friendly ni Nathan. O diba nalaman ko na din ang pangalan niya, casual lang naman kami sa isa't isa. Nagpakilala lang siya sakin na parang natural na magkaklase, ganon lang kami. Hindi naman ganon ka feeling close. Paglabas namin ng library saktong nakasalubong namin sina Hami at Minki. Ayun puro tudyo ang inabot ko sa dalawa. Dumadamoves na daw ako ng hindi nagpapaalam sa kanila. O diba mga sira. May pa-damoves damoves pa silang nalalaman eh.

Dating a Fanboy (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon