Chapter 1: Their perspectives

8.6K 169 33
                                    

Lygienel's POV

"Ja, wir sind dabei, dorthin zu gehen," sabi ko dun sa caller habang hinahang-up. Sya kasi yung magd-drive sa amin papunta sa photoshoot namin. *Yes, we're about to go there.

"Hey! Machen es schnell, wir gehen spät zu sein," sigaw ni Ian galing sa kwarto nya. Since nagmodeling kami ni Ian at may sarili na kaming sweldo, umalis na kami sa bahay nila tito John at tita Jane at nagsolo.

"Oo oo, sandali! Tsaka pwede ka namang mag-tagalog, diba? Nasa bahay naman tayo eh," I complained. Oo, nasa isang bahay lang kami. Wala namang malisya 'yun sa amin eh. 4 years na din nga pala kaming magkasama sa isang bahay. *Hey! Make is fast, we're going to be late.

"Kasi eh!" pagloloko ni Ian, lumapit ako sa kanya at binatukan ko sya. "Problema mo ha? Baliw!" sabi nya, tumawa lang ako. Ganito kami araw-araw. Halos araw-araw kasi, may photoshoot kami. Pero, hindi naman namin napapabayaan yung pag-aaral namin. Home study nga lang.

Yung modeling agency din pala na naapply-an namin, pinay yung may-ari so ayun, close na close kami kay Ms. Bianca. Tsaka, yung photographer, pinoy naman. Nang makalabas kami ng apartment, sumakay na kami ni Ian sa isang white SUV na naghihintay sa amin.

"Guten Morgen, gnädige Frau," pagbati nung driver, sya yung kausap ko kanina sa cellphone. *Good morning, ma'am.

Nginitian ko yung driver at sinabing, "Mich Ma'am Rufen Sie nicht, rufen Sie mich einfach Lygie- Ich meine, Reign." Nadulas kong sabi. Pagkatapos kong sabihin yun, ngumiti sa akin yung driver. Yung ngiti nya, parang nagso-sorry. *Don't call me ma'am just call me Lygie- I mean, Reign.

Napatingin sa akin si Ian at ngumiti. "Hindi ka pa rin talaga nakakaget-over sa pangalan mong Lygienel, ha?" tanong nya sa akin. Napatingin naman ako sa kanya sabi ko, "Panandalian lang naman 'to, Ian. Etong Reign na pangalan na ginagamit ko, sa harap lang 'to ng mga camera. Ako pa rin naman si Lygienel, ginamit ko lang yung second name ko."

Ngumiti sa akin si Ian at hinawakan ang kamay ko. "Kung ganun, sa tingin ko.. handa ka na talagang umuwi ng Pilipinas mamaya after ng photoshoot," pagpapa-alala nya sa akin. I smiled at him and held his hand, too.

"Thank you, bestfriend," sabi ko sa kanya. Napaisip ako bigla, kilala kaya ako sa Pilipinas bilang isang sikat na model sa Germany? Sana hindi.

"Si Darren daw.. balita ko.. sikat na sikat na sa Pilipinas," sabi sa akin ni Ian. Tumingin ako sa kanya. "Oo nga eh, lumaki siguro ulo nun," I pointed out. Tumawa si Ian at umiling. "Too bad, hindi ganun ang pinsan ko," sabi nya. I rolled my eyes as I looked at the window.

"Apat na taon na ang nakakaraan, hindi ka pa rin nakakamove on," he said and sighed. "Alam mo kasi, walang dahilan para matuwa ako sa mga nagawa nyang panloloko at pagsisinungaling sa akin," sabi ko, nakatingin pa din sa bintana ng SUV.

"Alam ko yun," sabi na lang ni Ian. Tumingin ako sa kanya at ngumiti. "Buti naman. Tara na, nandito na tayo sa studio. Ich danke Ihnen sehr für das Fahren Sie uns hier," sabi ko dun sa driver. Bubuksan ko na sana yung pintuan ng SUV sa side ko ng nakalabas na pala si Ian at binuksan yung pintuan sa side ko. *Thank you very much for driving us here.

"Salamat, Ian. Ibang klase ka talaga," sabi ko habang tumatawa. Nginitian ako Ian at tumango lang. "Tara?" tanong nya. Tumango din ako at naglakad papasok ng studio kasama si Ian. "Hi Ms. Bianca!" sigaw ko, sabay yakap kay Ms. Bianca.

"Uy, kamusta? Last photoshoot nyo na 'to, babalik na kayo ng Pilipinas," sabi ni Ms. Bianca sa amin. Ngumiti ako ng malungkot. "Sorry Ms. Bianca, kailangan ko talagang bumalik eh," sabi ko.

Darren Espanto? My Boss. (Darren Espanto Fanfic) (DEMEF Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon