Chapter 25: (Epilogue)

4.6K 127 67
                                    

A/N: Guys :( Please read the Author's Note at the end. 

.

Lygienel's POV

Today is my day. Today is the big day. Birthday ko ngayon. I am officially 18 years old. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari. Nagrequest ako kina Mommy at Daddy na wag nag-mag set up ng debut party ko. Ayaw ko kasi nung ganun. Tapos yung mga relatives mo na sasabihan kang.. "Lygienel! Ang laki laki mo na. Dalaga ka na. Parang dati lang, ang liit liit mo." Yung mga ganun pa. Tapos, ang awkward kasi, hindi mo alam yung sasabihin mo sa kanila.

"Lygienel! Magshoshopping tayo! Kailangan mo ng damit," sabi ni Twittle sa akin habang tinutulak ako papunta sa may kwarto ko. My eyebrows furrowed at her. "Ano ka ba Twittle? Ang daming nagpadala sa akin ng regalo kanina. Mostly, mga damit. Tapos sasabihin mo ngayon, kailangan ko ng damit?" tanong ko sa kanya habang nagkakamot ng ulo. Napakamot lang ako ng ulo sa sobrang pagtataka.

Pumamewang lang sa akin si Twittle tapos pinakita nya yung phone nya sa akin. "My mom texted me. Birthday daw ngayon ni Shiezelle, yung pinsan ko. Sabi pa ni mama, mag invite daw ako ng mga friends ko. Tapos, yung attire.. costume daw ng Disney Princes and Disney Princesses," sabi ni Twittle sa akin. I kept my blank face evident.

"Kailangan bang kasama ako?" tanong ko kay Twittle habang umuupo sa bed ko. Hindi ko alam pero, ang lungkot lungkot ng birthday ko. Yung tropa, busy sa mga family nila. Summer kasi eh. Tapos si Darren, may taping kasama sina Grazz, Juan Karlos, at si Stacey. Si Ian naman, nasa bahay nina Ate Joyce, yung pinsan nya. Si Brook naman, busy sa online classes nya.. nag-aaral ng tagalog eh.

Si Twittle lang ang naiwan na kasama ko. Sina Mama at Papa, kuya Rhed at Marlo kasi, pinuntahan si tita Nenette sa Salve Regina Hospital sa Marikina (Marikina ata or Pasig), kapapanganak kasi eh. Kaya, home alone ako. Sa mismong birthday ko pa.

Pero, they promised naman to be home at night, nagdidinner daw kami.

"Ilang taon na ba si Shiezelle?" tanong ko habang naglalagay ng earrings sa ear lobe ko. "She's seven today. Sige na, mag-shopping na tayo. And yung character mo, ikaw si Belle. Please?" pagmamakaawa ni Twittle. Again, I shrugged my head. Pero nagmakaawa at nangulit pa sa akin si Twittle kaya bumigay na ako at pumayag.

"Oo na. Okay na. Sige na, payag na ako. Tara na, aalis na," sabi ko habang kumukuha ng wallet at ng cellphone. I looked at myself at my mirror and sighed. "You're 18 now, Lygienel. You're officially a lady."

"Hay nako Twittle, pasalamat ka, kaliligo ko lang. Ba't ba kasi natin kailangang magmadali?" tanong ko habang hinahabol sa. Etong babaeng kasing 'to, ang bilis bilis maglakad. "The party starts at 6:30pm. It's already 3:30pm! We have to hurry. Tsaka, kailangan pa nating mag-ayos, diba? Babyahe pa tayo. Malayo-layo din ang Quezon City sa Resorts World Manila," sagot sa akin ni Twittle na may matter-of-fact tone.

"You know, parties aren't really my thing," sagot ko habang nakacross arms. Twittle went to me and dragged me by my arm. "Pero, pumayag ka na, diba? Okay na diba? You're going with me. You have to loosen up, girl! For Pete's sake, my dear, you're eighteen. Kahit naman sana birthday ng pinsan kong si Shiezelle, pagbigyan mo. Once a year na nga lang magbirthday yung bata oh!" sabi nya sa akin. I chuckled.

Sa bagay, oo nga naman. Once a year na lang yung magpabirthday party.

"Twittle, may costume ka na ba?" tanong ko sa kanya habang buhat buhat yung gown na kinuha namin dito sa Department Store. "Meron na eh. Ikaw na lang talaga ang wala," sabi nya sa akin. I chuckled and shrugged my head. "Ano yung sa'yo?" tanong ko pa. Twittle looked at me then smiled and answered, "Si Princess Merida ng Brave." I laughed. Ano kaya yung mukha ni Twittle kapag sobrang kulot yung buhok nya?

Darren Espanto? My Boss. (Darren Espanto Fanfic) (DEMEF Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon