Chapter 10: Darren the eavesdropper

3.9K 134 35
                                    

A/N: Dahil si wackybearxheart28 ang unang nakakuha ng sagot, sya ang nakakuha ng dedication. Thank you sa lahat ng nagcomment, guys! Love ya! :*

Lygienel's POV

"Gie Gie! Ahh! Namiss ka namin sobra!" sigaw nila Sofia at Michelle nang makapasok kami sa hotel room namin. "Namiss ko din naman kayo, noh," sabi ko habang umuupo sa sofa.

Sobrang ganda nitong Presidential Suite. Sobrang elegante ang dating. Mukhang hindi ata 'to para sa amin eh. May 54" na Samsung flatscreen TV. High definition pa. May mga liquefied bass speaker. Meron pang Disk Jockey decks pa.

Ang Presidential Suite namin, may balcony, kitchen, living room, dining area, bedroom na may 4 beds, may jacuzzi at higit sa lahat, meron pang walk-in-closet. Saktong-sakto na lang, marami akong dalang damit kasi dadalhin daw namin yun sa Germany at magphophotoshoot. Nakakaexcite. Pero, hindi ako naeexcite sa pag-alis ko dito sa Isabela.

Ang ganda ganda talaga dito. Mala-prinsesa ang feeling mo kapag nandito ka.

"Wait. Bakit wala si Rinoa? Nasan sya?" tanong ko sa kanila, nagtataka. Hindi ko alam kung bakit wala sya ngayon. Everytime kasi na nagbobonding bonding kami nina Sofia, Michelle, Juan Karlos at Hanate, kasama palagi si Rinoa. But this time, it's different.

"Hindi mo ba nabalitaan?" nagtatakang tanong nina Sofia at Michelle nang sabay. "Ha? Ang alin? Nabalitaan ang alin? May nangyari ba?" tanong ko nang sunod-sunod.

"Nagmigrate na sya," sabi ni Michelle, umuupo sa tabi ko. Tumingin ako kay Michelle at nagtanong pabalik, "Saan?" "Sa New Zealand," sagot naman ni Sofia, umuupo sa kanan ko. Umakbay ako sa kanilang dalawa.

"Hindi manlang ako nakapagpaalam sa kanya," naghihinayang na sagot ko. Sofia and Michelle chuckled at the same time. "Alam mo, parehas kayo nang sinabi nung paalis na sya," sabi pa ni Sofia sa akin. I just smiled. Biglang lumabas si Stacey sa CR. Bigla ko na lang naalalang nandito pala sya, kasama natin.

"Tama na ang mga drama, girls! It's all about having fun now. Teka lang Lygienel, ilang days kayo dito sa Isabela?" tanong ni Stacey habang umuupo sa tabi ni Michelle. "Sayang nga eh, 4 days lang kami dito," sabi ko sa kanila. Michelle laughed.

"Ano ka ba, ayos lang yun. Well actually, after ng trip natin dito, pupunta kami sa Manila dahil may OJT kami. Kahit pupunta kayo ng Germany for a few days, I'm sure magkikita-kita pa rin tayo dun," sabi ni Michelle. I smiled and nodded at her.

"Wow naman! May pa-OJT OJT na kayong nalalaman. Kami nga eh, wala. High school lang natapos namin," sabi ni Stacey, making us laugh. "Trabaho kasi kayo agad eh," sagot ni Sofia. I chuckled and smiled at them.

"How come magaling ka pa rin magtagalog? Eh samantalang 4 years kang tumira sa Germany," tanong ni Sofia. I smiled as I answered her, "Kilala mo ba si Ian? Yung kasama namin kanina? He reside with me since nakasabay ko sya sa plane to Germany. Si Tito John at si Tito Jane, pinatira kami dun for 5 months tapos nung naging model na din ako kagaya kay Ian, nagrent kami ng apartment para sa aming dalawa..

Then, tagalog talaga yung language namin sa bahay. Pagdating naman sa modeling agency na nagrecruit sa amin, Pinay din yung may-ari, pinoy naman yung photographer pati yung mga makeup artists. Kaya kapag nakikipag-usap kami sa kanila, tagalog din. Ang mga German lang siguro dun.. yung mga co-models namin," sagot ko. Tumayo ako galing sa kinakaupuan ko tsaka umupo sa tapat nila.

"Ibang klase ka talaga Lygienel, model na nga, endorser pa. Pati brand ng mga lapis, ineendorse mo. Ibang klase ka! Sikat ka na! Hahaha," natatawang sabi ni Michelle. I smiled at her. "Paano mo naman nalamang endorser ako ng Faber-Castell?" tanong ko habang medyo natatawa.

Darren Espanto? My Boss. (Darren Espanto Fanfic) (DEMEF Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon