Chapter 5: Tragic

3.8K 133 39
                                    

A/N: Hey! So I dedicate this chapter to reignxlove13. I love her comment really much. 

"3 possible things lng ang tingin kong nangyare kina Darren at Ian ayyy...

1.) Nagpatayan na tlaga sila at hindi maawat ni JK

2.) Nagf-fool around lang sila at prinank lang ung mga girls.

3.) Nagpaparty-party/ nagfa-fanboy/ nababaliw na sina Darren at Ian at hindi sila mapigilan ni JK"

I'll give her a followback, too! :)

~*~

Darren's POV

"Hay salamat.. stress free na," sabi ni Ian habang binagsak nya yung katawan nya sa kama. We all sighed in relief except from me.

I just simply rolled my eyes at Ian. "So sinasabi mong ang pagpunta namin dito sa Cebu na kasama ka ay stress para sa'yo?" masungit na pagkakatanong ko kay Ian. Tumayo ako at hinarap sya. Biglang umupo si Ian sa kama, tumingin sa akin at umiling.

"May sinabi ba akong stress ang pagpunta dito na kasama ka?" inulit na pagkakatanong ni Ian sa akin habang nakatingin sa akin na expressionless. "Wala! Pero parang yun yung pintu-punto mo sa akin!" sigaw ko. My blood is boiling. I seriously hate this guy!

"Uuwi na lang kami ng Manila ni Lygienel kung yun yung gusto mong ipoint sa akin! Kung gusto mo.. bumalik na lang kami ng Germany! Ano bang ikinapuputok ng butsi mo Espanto?! Bakit ba galit na galit ka sa akin?!" sigaw naman nya pabalik.

Buti na lang, malakas ang tugtugan sa hotel room nina Twittle sa tabing room namin.. hindi naririnig yung sigawan namin.

Natahimik ako. Bakit nga ba? Dahil ba yung kaninang magka-holding hands sila ni Ian at Lygienel? "Dahil ba yun kanina, Espanto? Yung magkaholding hands kaming lumabas sa van at pumasok dito sa loob ng hotel? Oh yun ba yung kagabi? Yung nagkukulitan kami habang kumakain? Alin ba dun?! Wag mong sabihing nagseselos ka!" sigaw naman ni Ian.

Para akong binato ng dalawampung toneladang bloke ng yelo sa ulo at dinaganan ng sampung elepante sa katawan. Ngayon ko lang narealize yun..

"Ako?! Magseselos?! At bakit naman? May girlfriend ako, diba?!" sigaw ko kay Ian. Tumayo si Ian sa mula sa pagkakaupo nya sa kama at dinibdiban ako. "Nagseselos ka kasi hinihiling mong sana ikaw na lang ako kasi napakaobvious naman na may gusto ka pa rin kay Lygienel!" sigaw nya.

Yung mukha ko, sobrang namumula na sa sobrang galit.

"Wala akong gusto kay Lygienel!" sigaw ko, pagdedeny. Tinulak ko si Ian nang sobrang lakas, nang napahiga sya ulit sa kama. Tumayo sya ulit. "Darren, pinsan kita. Sabay tayong lumaki. Sabay tayong pinaaral. Alam ko kung nagsisinungaling ka, nagiging denial, nagiging kabado. Alam ko ang lahat ng tungkol sa'yo," sabi nya. I looked down at the floor.

"Pinsan, may gusto ako kay Lygienel. May gusto ka kay Twittle. Patas lang tayo kaya please," sabi nya.. kalmado. I closed my eyes as I frustratedly messed my hair. Mas kumulo yung dugo ko dun sa sinabi nyang yun. Hindi ba obvious?! Hindi ba sya nakakahalata?!

I grabbed Ian by his collar and gripped hard on it. "Hindi ba halata?!" sigaw ko. Ian looked at me, confusion evident on his eyes. "Anong hindi halata?!" sigaw nya pabalik. "Wala akong gusto kay Twittle!" pag-amin ko. Pagtapos nung pagkasigaw ko, binitawan ko yung collar ni Ian.

"Explain, Darren. Ipaliwanag mo ang lahat," sabi ni Ian sa akin. I sighed and nodded.

"Contract based ang lahat ng yun, publicity stunts lang. Si Twittle may gusto sa akin pero ako wala. Alam nyang wala akong feelings sa kanya pero pinipilit nyang mag-on kami," sabi ko. I sighed again and sat down on the bed. Nakita kong si Juan Karlos, nandun lang sa pintuan ng CR, nakikinig sa conversation namin, yung mukha nya.. parang gulat na gulat. 

Darren Espanto? My Boss. (Darren Espanto Fanfic) (DEMEF Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon