Lygienel's POV
"We wish you, a merry Christmas. We wish you, a merry Christmas. We wish you, a merry Christmas. And a happy new year! Mamamasko po!" may kumakanta sa may labas ng gate namin. Pasko na ngayon. It's been two months since the 'Darren's press conference'. Ang daming nangyari dun sa two months na yun, Grazz approached me and apologized. We're okay now.
Ganun din ang nangyari kay Ian. Lumapit sya sa akin, nag-explain sya at humingi ng tawad sa akin. Sa una, hindi ko tinanggap kasi.. nasaktan at nagulat talaga ako kasi nga.. kaibigan ko sya for about almost 5 years tapos gagawin nya sa akin yun. Pero in the end naman, ako mismo ang lumapit kay Ian at pinatawad sya. Nagsorry din ako kasi, naging insensitive ako sa kanya at sa sitwasyon namin.
Wala kaming balita kay Rinoa (hindi yung author) at kay Twittle magpahanggang ngayon. Kung tinatanong nyo kung bakit meron akong pakialam kay Twittle, wala na kayo dun. Paki nyo ba?!
Joke lang.
Si Twittle, alam ko sa sarili ko at sa sarili nya na.. mabait sya. Lahat ng tao, inborn ang pagiging mabait. Yung iba nga lang, kapag naiinpluwensyahan ng inggit, at selos, nagbabago ang pananaw nila sa buhay at nagbabago yung sistema ng pag-iisip nila. Kaya mula pagiging mabait, sumasama ang ugali nila.
Kagaya na lang ni angel Lucifer. Angel naman kasi talaga sya nung una. Sabihin nating, he's a mighty angel. Pero, gusto nya na mas mataas pa sya sa Diyos kahit hindi naman pupwede. Pinilit nya na mas tumaas kay God pero hindi nya magawa. Dahil sa sobrang inggit nya kay God, nakagawa sya ng masama.
Ganito tayo. Ganito ang reality. Hindi natin maiiwasang makapag-isip ng masama sa kapwa natin lalo na kung naiinggit tayo.
Aminin man natin o hindi, mangiinggitin ang mga tao. Kahit sino. Aaminin ko, ako din. Kasi, minsan, hinihiling ko na.. sana akin na lang si Darren.
Ganun ang nagawa ni Twittle. Nainggit lang sya. Sa sobrang inggit nya, nakapag-isip sya ng masama sa amin, tumindi yung galit nya hanggang sa, nakasira na sya.
Ganun naman kasi tayo mag-mahal. Todo todo. At kung makita nating may kasamang iba yung mahal natin.. natural lang na mainis, magalit at mainggit tayo dun sa kasama nila. Sabihin nating, sobra-sobra lang talaga ang pagmamahal ni Twittle kay Darren kaya nya nagawa at naisip ang mga bagay na iyon.
Sa kabila naman nang mga pinagdada-dada ko dito.. kahit hindi na magsorry si Twittle, I forgive her. Ang mahalaga naman kasi diba.. ang matuto tayo sa mga pagkakamali natin? Twittle made a mistake and I'm really hoping for her to learn from her mistake. Kasi ako, natuto ako.
Natutunan ko ang totoong kahalagahan ng friendship, kahalagahan ng trust, kahalagahan ng family at kung ano ba talaga ang naidudulot sa atin ng inggit.
Nagpapasalamat din ako kay Twittle kasi dahil dun sa nagawa nya, marami akong natutunan. Marami akong realizations. Despite of all of these happenings in the past few months, I still want to be Twittle's friend. Hindi ko sinasabi 'to kasi pasko. Sinasabi ko 'to kasi gusto ko syang maging kaibigan. Gusto ko syang baguhin. Gusto ko syang bigyan ng pag-asa na mabago pa ang ugali nya.
At alam nyo ba? Mag-M.U. na sina Grazz at Ian. Oh diba? *heart heart everywhere* *sorry sa mga Lyan shippers*
Ano nga bang balita sa aming dalawa ni Darren? Wala. It's still the same. Walang nagbago. Pero, we grew closer than ever since that press conference.
I forgive Darren. Gusto ko lang magsorry ulit si Darren sa akin para masabi kong pinapatawad ko na sya. Hindi ako alam pero.. pagdating sa kanya, nanghihina ako bigla, nawawalan ng courage at lakas. Hindi ko alam pero, nandito pa rin yung feelings ko sa kanya, walang nagbabago. Padagdag pa rin ng padagdag.
BINABASA MO ANG
Darren Espanto? My Boss. (Darren Espanto Fanfic) (DEMEF Book 2)
FanfictionLygienel Lim also known as Reign Drescher, a famous model from Germany and let's say.. Darren's ex-friend - goes back to the Philippines as she promised to go back once she finished high school. What if Lygienel came back to the Philippines only for...