MT 1

116K 3.5K 1.5K
                                    


#MT1

"Kumain ka na muna bago umalis, Lovice." Mama said.

"Hindi na, Ma. Maaga akong pupunta roon sa tuturuan ko para makapasok ako sa afternoon class mamaya."

Kumunot ang noo niya habang nagmamadali ang kilos na naglalagay ng mga pinggan sa lamesa, tumulong na ako roon. Naupo si Ate Tricca at Sam, iyong asawa ni Kuya. Napaismid ako sa hangin dahil sa gawain nila.

"Bakit hindi mo na lang puntahan sa hapon pagtapos ng klase mo?" tanong ni Mama.

"Marami akong gagawin mamayang gabi, lesson plan at iba pang lectures para sa elementary class. Ang sakit na nga ng ulo ko sa kakaisip." natatawa kong kuwento kay Mama.

She smiled and looked down my body. "Hindi halata na sumasakit ang ulo at problemado, nak, a? Taba mo pa rin, oh."

"Ma!" maktol ko. "Magdadiet na ako, next time."

"Ay sus, ilang beses mo nang sinabi iyan. Malakas ka pa rin namang kumain araw-araw." sabat ni Sam habang sinusubuan ng tinapay ang anak.

Suminghap ako at hindi iyon pinansin, hindi ko talaga gustong inaasar akong malakas kumain. Kay Mama ayos lang dahil nanay ko naman siya, pero hetong si Sam na mas mataba pa sa akin at malakas kumain dito kahit wala namang ambag ay hindi ko maatim. Naiinis ako.

Nagkatinginan kami ni Mama, alam niyang ayaw ko kay Sam at lalo pa pag nakikiepal sa amin.

"Tigilan mo, Sam. Mas mataba ka nga sa kanya, pinansin ka ba niyang malakas kumain dito?"

"Ha? Wala naman po akong sinabing masama, sinasabi ko lang iyong napapansin ko kasi kontra rin ang mga sinabi niyang kesyo magdadiet siya." si Sam.

Uminit ang mukha ko at napairap. "Kumakain man ako nang malakas, may ambag ako."

She looked insulted, she glared at me.

"May tulong naman si Tyron dito!"

I rolled my eyes, inayos ko na ang mga gamit sa bag ko at saka sinuklay ang buhok ng mga daliri.

"Si Kuya." sambit ko na lang, tumingin ako kay Mama. "Ma, alis na ako. Ingat sa biyahe mamaya."

Tinanguan ko na lang si Ate Tricca na tila natamaan din sa pasaring ko kanina, Sam was glaring at me. Hindi ko na pinansin, paniguradong mamaya ay sermon ako kay Kuya dahil magsusumbong na naman siya. Hindi ko lang talaga gusto si Sam dahil masyadong intrimitida sa bahay, akala mo ay sobrang laki ng tulong. Wala rin naman.

Our house isn't big enough for us, hindi sapat para sa aming pitong nakatira sa bahay. Nagkausap na si Mama at Ate, kasama si Kuya kagabi kaya naging maayos iyon at tinanggap ni mama ang nangyari kay Ate Tricca. Ganoon naman talaga ang mga magulang, sa una ay mahirap pa sa kanilang tanggapin pero kalaunan ding lalambot para sa mga anak nilang nakagawa ng mali at sila lang ang makakatanggap sa atin sa oras na wala tayong kahit sino.

Tatlo kaming magkakapatid, si Kuya Tyron, Ate Tricca at ako ang pinaka bunso. Kuya didn't get to finish his college because he needed to work already for the early family he had, mag-iisang taon na ang anak niya sa susunod na buwan. He's planning to continue the remaining years in college but it won't be easy now. Masyadong maraming gastos dahil mahirap ang may sariling pamilya, iyon lang ay magkakasama pa rin kami sa isang bubong dahil wala silang planong bumukod. Hindi pa sapat na makabili o makaupa ng sarili dahil hindi naman malaki ang nakukuha niyang pera sa trabaho bilang local call center agent, iyong asawa niya ay housewife.

Medyo nakakainis nga dahil hindi rin nakakatulong sa amin. Wala siyang ibang ginagawa sa bahay kundi ang mag-alaga lang ng anak, naiintindihan ko naman pero ano ba naman iyong paghuhugas ng pinggan o paglilinis man lang. Wala kaming kasambahay at si Mama pa ang gumagawa ng lahat bago pumasok sa trabaho niya, Mom's currently working under a family as personal nanny of a kid. Si Papa naman ay simpleng mekaniko sa isang shop sa Batangas, lingguhan lang ang uwi rito sa Laguna dahil nagtitipid sa pamasahe. Si Ate, hindi nagpatuloy sa pag-aaral dahil nakipagtanan kay Gerome noon.

Villareal #6: Mundane TwilightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon