MT 28

68.4K 2.6K 494
                                    

#MT28

I decided to go out with Ate Tricca that afternoon for a walk, wala kasi akong magawa kaya sinamahan ko na lang siyang mamili sa Hypermarket. Gerome's family was continuously filling her ATM, pampalubag loob dahil sa anak nilang puro pambababae ang ginagawa ngayon. Pinagtatakpan pa nila ang gagong 'yon sa mga gawain, ayaw na niya kay Ate Tricca dahil nabuntis. Pagtapos itanan, ganito ang ending.

Madalas talaga sa mga lalaki, gago. Hindi na mawawala sa kanila iyan, bawat lalaki ay may kanya-kanyang kagaguhang taglay. Iyon bang paniniwalain kang kayo na habang buhay pero gusto ka lang makuha at itatapon pagtapos pagsawaan.

I'm so stressed!

I'm still lucky that even my boyfriend is an asshole, he reached me out. Iyon ang hindi ko inasahan kailanman, we just met in one night stand for heaven's sake! Pero pinanindigan niya pa rin ang pagkuha sa akin sa murang edad.

"Ate, ano pang kulang sa listahan mo? Ako na ang hahanap."

"Doon muna ako sa mga fresh milk titingin, Twillain. Wala akong listahan, hindi ko ugali 'yan."

"Ah, hindi ka pala nagmana kay Mama." Tawa ko.

She shrugged. Her baby bump is already showing up, parang maliit na pakwan pa lang naman iyon sa pang-limang na buwan ngayon. Ang cute tingnan, medyo nagkalaman si Ate sa pagbubuntis pero makurba pa rin ang katawan. Mas mukha pa nga akong may anak kaysa sa kanya.

Nalingunan ko ang infant section sa bandang dulo, pasimple kong iniwanan si Ate sa paglalakad para tumungo roon dala ang cart namin. Mayroong humihila sa akin para pumunta sa infant section, natutuwa akong makita iyong mga maliliit na damit ng baby at magagaan sa matang kulay nila.

Habang tumitingin sa mga damit ay unti-unti akong kinakain ng konsensya ulit, huminga ako ng malalim at hinawakan ang isang damit na pambata. Napangiti ako, bibili na lang ako ng ganito para kay Ate Tricca kahit wala pa man ang baby niya.

I took a picture of it and sent to Horace.

Ako: Wake up, my hoe. I'm so bored, I went out with Ate Tricca for her monthly grocery.

Tinabi ko ulit ang cellphone, muli akong pumili ng damit doon. Her baby is a she, I hope Ate Tricca won't give her Dad's name. Puwede namang sa amin na lang niya itulad ng apelyido iyon, Gerome doesn't deserve her daughter. He's a fucking jerk.

Nilagay ko ang tatlong one piece suit sa cart at nilakad pa ang kahabaan ng section hanggang sa mapunta ako sa kids row, I smiled and took a picture of a shirt with "Daddy's girl" printed on it. I sent it to Horace again.

Ako: This shirt is for ages 2-5 years old! Isn't it cute?

I bit my bottom lip and sighed, tinabi ko ang cellphone ulit at binalikan ng tingin kung saan iniwanan si Ate. I could still see her choosing fresh milks, ngumisi lang ako at tinulak na ang cart para gumala pa. Naisipan kong puntahan ang cereals na nakita sa stall, ang daming ganito ni Horace sa unit niya. Bibili pa ba ako? Well, iba naman siguro kung mula sa akin. Doon na lang ako didiretso sa unit niya pagkahatid kay Ate Tricca.

We need to talk and fix our things. Masyado akong naging padalos-dalos sa desisyon ko, e. It was obvious, it hurt him. Kahit para sa iba, nakakatuwa na iniiyakan ng lalaki? Sa akin, hindi. Narealize ko lang noong marinig siyang humihikbi na ayaw ko pala siyang maiisip na umiiyak dahil sa akin.

I looked at my side and saw a familiar man, he was looking up at the cereals. His hair was in a man bun, it's Hennessy. Kapansin-pansin siya sa bulto at mataas na height, kung hindi ko lang pinakatitigan ay baka inakala ko nang natunton ako ni Horace dito. Kumpara kay Horace, mas madilim ang kanyang features lalo pa't medyo moreno ang kutis. He's wearing a white sweatshirt and black skinny jeans, his firm thighs defined more.

Villareal #6: Mundane TwilightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon