MT 19

71K 2.5K 507
                                    

#MT19

"You're obviously not invited, Horace," I said as we reached our gate.

He frowned. "I'm inviting myself, then."

"Baliw ka ba? 'Tsaka hindi nga alam ni Mama na nanliligaw ka sa akin—"

"Boyfriend," he corrected.

I gasped. "Na nanligaw ka sa akin at ngayon ipapakilala kitang boyfriend na? Can we give this a time for now? Ihahanda ko lang ang sasabihin ko muna, baka magulat kasi sila."

His face didn't turn anything off, he just smiled like nothing can really make him feel off today. He nodded.

"Alright, then. I was just trying it. Pero ayos lang, I want you to feel ready when you tell them about us."

I blinked. "Seriously? Ang weird mo!"

"Masaya lang, Lovi. Huwag kang KJ."

"Ewan ko sayo! Sige na!" natatawa kong taboy sa kanya at binuksan na ang pinto.

Humilig siya para muling isara ang pinto, sumulyap siya sa wristwatch niya.

"Wala pang alas siyete, baka magtaka si Nanay Luisa na nakauwi ka agad."

"Wala naman akong nabanggit na oras ng pag-uwi ko, e. Ayos lang 'yan. Sige na, umalis ka na." Binuksan ko ang pinto at madaling bumaba, kinakabahan na talaga ako ngayon dahil baka may naiisip siyang kalokohang gawin.

Mabuti na iyong agapan ko bago pa ako madala.

Ngumuso siya habang tinitingnan ako sa labas ng sasakyan niya, napangisi siya at tumango-tango.

"Scaredy-cat. 'Kay, babe..."

"I hate babe as an endearment!" inis kong protesta.

"I love all endearment when it's you I'm calling."

Shit! I could feel my cheeks heating. I glared sharply at him. Pigil ang tawa niya habang aliw ang mga matang nakatingin sa akin. Ang hirap talaga na kahit anong ipakita kong inis ay aliw pa rin siya! Anong gagawin ko para maging balanced iyong nararamdaman naming dalawa? Gusto ko pag galit ako, tahimik siya at takot! Puwede ba iyon? Mukhang hindi naman siya natatakot kahit kanino!

"Manahimik ka na nga! Sige na, umalis ka na! Bye!" binagsak ko ang pinto ng sasakyan at narinig pa ang halakhak niya roon bago tuluyang sumara.

Naiiling ako pagkapasok ng bahay, kasunod din ng tunog ng sasakyan niya paalis. Parang normal lang ang lahat sa bahay, si Mama ang nagluluto sa kusina at si Sam ang batugan na nakasalampak sa sofa habang nanonood sa TV at tumatawa pa. Tulog si Tyler sa kanyang tabi. Agad akong nakaramdam ng iritasyon lalo pa nang sumulyap siya sa akin at ngumisi.

Sarap murahin nito. Paniguradong wala pa si Papa at Kuya, umakyat ako sa silid para magbihis at bumaba ulit upang tumulong kay Mama sa gawaing kusina dahil wala talagang aasahan na tutulong sa kanya. Kakagaling lang sa trabaho at siya pa talaga ang gagawa sa bahay. Hindi man lang pagsabihan ni Kuya ang asawa niyang dumaig pa sa reyna.

"Saan ka pala galing?" si Mama.

"Nagsimba po at kumain sa labas, Ma."

"Nagsimba? Bago sa pandinig 'yan ngayong buwan, ah?" tumawa siya.

Suminghap ako. "Kahit naman hindi ako nagsisimba, palagi pa rin akong nagdadasal!"

Hiniwa ko ang patatas na isasahog niya sa lulutuin, nagpapakulo naman siya ng manok habang binabanlawan ang bigas sa pagsasaing. See? It's a simple task to do, Sam can't even do it! Hindi naman siya pinipilit gumawa rito pero nakakainis na wala man lang siyang kusa at nagrereyna-reynahan!

Villareal #6: Mundane TwilightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon