MT 4

94.3K 3.5K 1.6K
                                    

#MT4

I took a quick shower, sobrang init ng ulo ko kaya kailangan iligo. Nasungitan ko pa si Ate kanina pagpasok ko, nagtanong kasi kung sino raw si Horace. Mukhang kinikilig pa! Napa-yuck, Ate, na lang ako. Hindi naman masama na maguwapuhan pa siya sa ibang lalaki kahit buntis, ang masama roon ay naguwapuhan siya sa gago at manlolokong tao. Hindi na nadala, iyon ngang nakabuntis sa kanya ay hindi pa kaguwapuhan pero hindi siya pinandigan. Iyon pa kayang Horace the monkey!

"Lovice, ano ba naman 'yong pakikitungo mo kay Sir Horace? Nakakahiya." sermon ni Mama nang makapasok sa kuwarto ko.

Napatingin ako sa kanya habang umiinom ako ng herbal tea na pampayat daw sabi ni Carly, healthy pa. Napasimangot ako at nilapag ang tasa sa bedside table. Inalis ko ang salamin sa mata at nilapag din sa table sa ibabaw ng libro kong binabasa.

Seryoso ba si Mama? Papasok siya rito para sermonan ako tungkol doon? Hindi naman yata niya kilala ang ugali noon! Manloloko iyon ng babae at ngayon nagpapakitang tao siya kay Mama.

"Hindi ko lang talaga gusto ang mahanging lalaki na 'yon." simple kong sinagot.

Suminghap si Mama at sinapo ang noo.

"Teacher ka pa man din, Lovice. Aba, nakita pa ng dalawang bata na tinutulak at sinisigawan mo siya. Mabuti na lang at hindi nakakaintindi masyado ng Tagalog iyong dalawa, kundi baka magsumbong iyon na napagsasalitaan si Sir dito ng kung anu-ano. Nakakahiya sa pamilya nila. May kadaldalan pa naman si Bhaltie."

Naguilty ako roon banda, banda sa narinig ng mga bata lang pero hindi sa mga nasabi ko kay Horace. He deserved it, para naman magising siya sa panloloko niya sa babaeng minahal siya. Sinasayang niya ang pagmamahal na mahirap hanapin at makuha ngayon. Sigurado naman ako na kaya lang siya minahal ay dahil... guwapo siya? Hmm, magaling? Masarap? What the fuck?

Agad akong napasinghap sa sariling naisip na rason kaya umiling ako nang umiling, si Mama ay tila naguluhan sa aking ginawa. Napairap ako at lumunok.

"Mama, hayaan mo na. Nangyari na rin, e. Wala na akong magagawa, naibato ko na 'yong mga salita kanina. Mababawi ko pa ba? Hindi na rin naman." inis kong sinabi. "Magsosorry na lang ako sa mga bata pagpunta rito ulit."

Napakamot siya sa ulo. "Siya nga pala, iyon pala ang naalala ko..."

"Ano, Ma?"

"Sabi ni Ma'am Chandria ay hindi na makakabalik si Fifth dahil kahapon pa inuubo, alam mo naman na mausok dito dahil may katabing pabrika at hindi pa aircon kaya hindi sanay ang mga bata. E, hetong si Fifth mapilit at umiiyak sa Mommy niya. Gusto raw niya rito."

"Tapos?" tanong ko pa habang nililigpit ang mga highlighter sa kama.

"E, humingi ng pabor si Ma'am at Sir sa akin na kung puwede sumama ka na lang doon para sa mga bata. Sabi ko naman, puwede ka dahil wala ka namang tinuturuang mga bata kundi iyong dalagita lang sa umaga."

"Ha!?" pasigaw kong sambit. "Mama naman! Pumayag ka?!"

"Halata ba, Lovice? Kakasabi ko lang, 'di ba. Ano ka ba, nabingi na?" si Mama, natatawa pa sa ginawa niya.

Napasabunot ako sa buhok ko at pumadyak sa kama dahil sa iritasyon.

"Bakit ka pumayag agad, Ma? Hindi mo nga alam na marami akong gawain sa school! May mga klase ako at may tumawag na sa akin para sa tutoring kahapon, pumayag na rin ako roon. Paano ngayon 'yon? Bakit ba kasi payag ka nang payag, Ma?"

Villareal #6: Mundane TwilightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon