MT 9

85.3K 3.3K 1.1K
                                    


Lalong tumahimik ang pagitan naming dalawa pagtapos kong ilabas ang emosyon tungkol sa pagkawala, hindi ako makapaniwala na natanggap niya iyon nang walang nasabing masama sa akin kahit ano. I expected him to throw me out of his face because of what I did to our child, I didn't expect he understood everything in just a span of time here.

Medyo lumuwag ang dala-dala kong kabigatan sa ilang taon dahil nasabi ko ang lahat ngayon sa taong may bahagi rin sa bunga. Hindi ko maintindihan kung paano nagagawa ng ibang ina na makaahon sa maikling oras dahil sa tagal kong dala iyon ay hindi ako nakaahon kahit minsan. Sa gabi, iyon pa rin ang dala ko sa isip hanggang sa maggabi ulit. Maayos man akong namuhay pagtapos ng pangyayaring iyon, alam ko kung saan ako pinupulot ng sarili ko. Sa bangin pa rin ng pagsisisi, sa kadiliman ng kahapon. Sa kasalanang hindi kailanman mapapatawad.

Horace drove me home, nang nasa harapan kami ng gate ay bumaba na ako. Wala akong masabi kundi pasasalamat, nakaluwag sa akin ang pagtanggap niya roon. Pagtapos nito, siguro wala na siyang ibang pupuntahan pa sa akin dahil nasabi ko na ang lahat.

Lumakad na ako patungo sa gate, gulat pa ako nang sumunod siya sa pagbaba ko. Kita ang kalungutan sa mga mata niya, pagsisisi ang lamang. Winala niya iyon nang magtama ang tingin namin.

"Can you go back teaching Fifth and Bhaltie, again? They're missing you..." he said.

Nang hindi ako makasagot at tumitig lang ay bumuntong hininga siya at marahang kumamot sa kanang kilay niya bago tumango.

"I'm hurting, too. It's painful to know what happened to our baby..." he said quietly and smiled softly. "Limang taon na sana siya ngayon, pero hindi kita sisisihin sa nangyari. I know you were too young to handle the situation where you felt helpless and scared for responsibility like that. You were young, Lovice. I'm actually regretting it today, not what we did but the reason I felt you were uninterested in me. I'm regretting that I chose to drop it and you're right, I was a fucking asshole to even care if you're interested or not. Sana pinilit ko pa rin, sana nawalan ako ng pakealam kung interesado ka o hindi. I can force myself to get your interest and I can wait."

"Kaso naisip ko rin na hindi pa iyon ang oras para sayo. Bata ka pa, sixteen at ako bente, wala pa ring napapatunayan dahil nag-aaral pa. Marami ka pang puwedeng gawing malaya, iyong walang iintindihing buhay pag-ibig. And I'm sorry for that, truly sorry for everything. Ngayon ko lang naisip na wala naman talagang edad ang pagmamahal o kahit hindi pa pagmamahal, walang edad ang atraksyon at apeksyon. I could've been pursuing you until you turned legal, right? That's what I should've done, not that way I turned it off because you didn't contact me. That was fucking lame."

Bahagya siyang natawa sa inis na tono at umiwas ng tingin, niyuko ang ulo at pataas na lumapat ang mga mata sa akin muli habang nakayuko ng bahagya. My heart pummeled harshly, I blinked my eyes at the sudden emotion around my system. Ramdam na ramdam ko ang pagsisisi niya, ramdam ko ang galit at pait.

"I'm sorry for the loss, kung mayroon ka lang sigurong kasama. Kung pinanindigan ko lang sana iyong ginawa k-ko..." nanginig ang boses niya sa huling salita at umiling saka suminghap. "Kung pinandigan ko lang sana iyong kinuha ko, hindi sana nangyari ang lahat. Hindi ka sana nawalan, hindi sana tayo nawalan. You can punish me, you can hate me and hurt me as much as you want to do it now. I will accept anything."

I cried silently, nagyuko ako ng ulo at hinigpitan ang hawak sa libro para pigilan ang sariling emosyong kumakawala na naman. Kanina pa siya puro sorry sa akin, doon pa lang sa library nila. Hindi ko na tuloy maintindihan, parang inaako niya ang lahat ng kasalanan at madilim na nangyari sa akin noon. Pinaparamdam niya sa aking kanya ang lahat ng kasalanan, wala akong bahagi. Ganoon lahat ng nararamdaman ko sa mga salitang binibitawan niya.

Villareal #6: Mundane TwilightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon