MT 35

76.5K 3K 2.4K
                                    

Comments.

#MT35

I feel suffocated in my emotions, it's sadness and pain. I decided to go out for a drink with King the next night, hindi ako mapakali sa unit nang maghating gabi dahil patuloy na sumisiksik ang mapait na mga mata ni Horace bawat pagpikit ko. Si Carly naman ay hindi lumalabas ng kuwarto simula nang dumating si Josh at naimporma tungkol sa pagbubuntis niya.

I don't have anyone to talk to, ako lang sana mag-isa kaso sumakto rin ang pagtawag ni King kaya heto kami sa isang paborito niyang bar.

"Why don't you get back together? He looked so still into you," King said as he put chips in his mouth.

"Hindi naman kasi madali, e." Umiling ako.

Hindi madali, hindi ko pa matanggap sa sarili ko iyon. Masyado akong umasa sa lahat, na totoong siya. Akala ko pag-asa na iyon, I wanted to keep him mine but I can't just forgive everything after hearing the truth. Buong buhay ko matapos ang bangungot na iyon, hindi ko nakalimutan ang lahat ng sakit at pagsisisi. Noong dumating si Horace at kunin ang responsibilidad, saka ko palang natanggap kasi pinanindigan niya ako. Tapos malalaman ko bigla na hindi pala totoo? Na sinalo niya lang ako, at ang masama pa ay kapatid niya pala. Looking at the sides, it's unfair to him and unforgivable for me.

"Wala namang madali, Twillain. Really, I don't know how to make you feel better or what words to say to make you feel okay, I don't know the story behind. Maybe you should at least give me a hint so I could choose a side." He arched his brow.

The boisterous music of the bar we're in suddenly went melo, it's like a whisper for me to share what I'm truly hiding to someone who will listen. The place is calming for me, for peace of mind and emotion.

Huminga ako ng malalim, dala ng bahagyang epekto ng alak ay gusto kong maglabas ng sama ng loob and while staring into King's eyes, I feel like I could pour my secrets to him. His eyes were sincere and soft that made me trust him tonight, bahagya akong nagpakawala ng bahaw na tawa at nagyuko ng ulo. Marahan kong nilaro ang mga daliri sa labi ng baso sa lamesa, kaharap namin.

"It's hard to forgive the man who lied, King."

"Depends if it's a white lie or just a lie. Magkaiba iyon," he chuckled.

Nangunot ang noo ko. "It's not different! Parehas kasinungalingan!"

Seriously? Parehas kasinungalingan iyon, anong pagkakaiba? Kulay? Bullshit, lies are lies. No colors! Lying is a choice and karma is a bitch! Iyan ang magkatambal, ngayon dapat lang sa mga nagsinungaling na makarma sila! Akala siguro, habang buhay na maitatago. I'm not cleaning myself here, I'm also a liar who can't even stand for my mistake years ago. Hindi ko rin masabi sa mga magulang ko pero may balak ako! E, si Horace? Wala.

"I don't know but for me, people lie depends on the situation they're in. Mayroong pagsisinungaling ng takot, takot na majudge o takot sa mga taong ayaw niyang masaktan at may pagsisinungaling na talagang panloloko lang. Iyong panggagago lang."

Napatitig ako sa kanya, habang sinasabi niya iyon ay mayroon siyang mga chips na ginagalaw sa lamesa para gawing props. Napalunok ako at naisip ang mga sinabi niya, bakit parang parehas iyong si Horace? Gago siya at sinungaling, gago siya noon.

Tumitig din siya at ngumisi. "So, where's his side? Ginago ka lang ba? Ako ang sasapak mismo para sayo. Ano?"

Nagbuntong-hininga ako at napailing, I started telling him the whole story but I didn't detail it much. Sa naiintindihan lang na paghahayag, hindi naalis ang titig niya sa akin habang ako'y maluha-luha na sa pagkukuwento at kaba na baka may masabi siyang ikasasama ng loob ko lalo pero hanggang sa matapos ako ng ilang minuto ay nakatitig lang siya.

Villareal #6: Mundane TwilightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon