MT 24

75.6K 2.8K 1.3K
                                    

#MT24

Horace just drove me home after lunch so I could take my time freely as him, hindi naman ako nagdala ng damit sa unit niya kaya wala akong masusuot kung doon mag-aayos.

I took a brisk shower, binalunbon ko ang tuwalya sa buhok upang maitaas lahat. I started doing my routine, body lotion and skin care. Dahil hindi naman ako maarte sa mukha, I was just using ACV as my toner but it really smells off though it was healthy for skin and to cover the scent, I'd use moisturize and it's done.

That's my facial skin care, sabi ni Mama mas maganda raw iyong hindi nag-iinarte at kung anu-anong sinusubukan sa mukha para hindi mairita ang balat kaya naman ganoon ang naging kaugalian namin ni Ate. We both experienced break outs and ACV helped to lessen and stop it. Hindi rin kami mapera para magpaderma pa at bumili ng mamahaling gamot para sa tigyawat, epektibo rin iyong hindi nananalamin at humahawak sa mukha upang maiwasan ang duming kumalat lalo na kung sensitibo ang balat.

Fortunately, I have clear skin even though I'm not that pretty and sexy. Naalala ko nga noon na parati akong nalalait, may lahi lang daw akong banyaga at kung wala ay wala akong kwenta at pangit. Some of my schoolmates were calling me names, madalas baboy at maasim daw kasi tamad maligo ang mga taga ibang bansa!

That was the dismaying and traumatic encounter here. I couldn't believe those judgemental people!

Horace: You done?

Nagreply lang ako na maya-maya na siya pumunta, kumatok naman si Mama sa akin at agad kong pinagbuksan. Tumalikod din ako para magsuot ng damit, she's holding my familiar clothes, bedsheets and pillow covers.

"Kinuha ko na ang mga sampay mo sa labas, tuyo na kasi. Para makapagpalit ka na rin, saan ang lakad mo ngayon?" aniya at nilapag ang mga dala sa kama ko.

Ako ang naglaba noon kasabay ng mga damit nila Mama at Papa, sa gabi ako madalas maglaba kapag nakauwi na.

Nilingon ko siya. "Hindi ka invited sa kanila, Ma? Birthday noong pinsan ni Fifth."

"Sumasakit ang ulo ko kanina kaya umuwi ako ng maaga, mayroon namang pumalit sa akin na mag-aalaga kay Fifth doon." Kinuha niya ang isang denim button down dress na nakakalat sa kama kasama ng iba pang mga damit na pinagpipilian ko. Tinapat niya iyon sa akin. "Heto ang suotin mo, mas bagay."

I gasped and chuckled. "Mama, ayaw ko magdress. Alam mo namang malaki ang mga hita ko. Baka akalain nilang may elepante roon!"

"Naku, Lovi. Tabain ang pamilya natin, hindi mo dapat ikahiya 'yan kahit kasing laki pa ng hippopotamus ang hita mo. Pinanganak kang ganyan, tanggapin mo at yakapin," sermon niya.

"Ayaw ko, Ma! Tabain nga kaya magpapapayat ako, si Ate naman nalampasan iyong stage niya. Gusto ko ring pumayat, 'tsaka ikaw... 'di ka naman mataba, e. Ako lang, dito sa bahay," my voice lowered and I sighed. "Nahihiya nga ako kapag lumalabas kami Horace, Ma. Feeling ko hindi kami bagay."

"Ano ka? Mataba ako noong ganyang edad pero iyong Papa mo, ako pa rin ang pinili kaysa roon sa nobya niyang mala modelo ang dating!"

Tumalikod ako at humarap sa salamin, pinakawalan ko sa tuwalya ang buhok para makapagsuklay. She was watching my reflection, natawa ako.

"Oo nga, Ma. Pero iba pa rin ang mga tao sa henerasyong ito, noon siguro sa inyo ni Papa ay hindi pa pansinin ang kapintasan. Pero ngayon? Imposibleng hindi ka mao-offend."

Huminga siya ng malalim.

"Kaya mo ring maging sexy sa ibang paraan, wala iyan sa ganyan. Ano man ang sukat mo, kung mahal ka, mahal ka. Just blind yourself from negativity and start embracing what you have. Mahal ka namin kahit mataba ka man o payat." Marahang tinapik niya ang pisngi ko at nilapag ang damit sa dresser. "Iyan ang isuot mo, hindi kita papayagan kapag hindi mo sinunod."

Villareal #6: Mundane TwilightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon