MT 2

94.7K 3.1K 1.2K
                                    

#MT2

Ang buong linggo ko ay inabala ko sa tutoring at pagpasok sa klase, wala akong inaaksayang panahon upang matuto at magbahagi ng kaalaman. Kailan ko ba nagustuhan ang maging guro? Hindi ko alam, isang araw na lang akong nagising sa pangarap na iyon. Well, my grandmother was a former college professor then and she taught me everything. Starting from knowing the meaning of words while she's talking to me when I was young without knowledge, wala naman akong ibang alam noon kundi ang maglaro. Hindi ko alam kung paano natutong magsalita habang lumalaki, wala na akong tanong doon dahil awtomatikong si Lola ang nagturo sa akin.

Citizen si Lola sa Australia dahil nakapangasawa siya ng Australiano roon habang nagtatrabaho para sa pamilya, kalaunan niyang kinuha ang mga anak na roon din nanirahan para guminhawa. Si Mama ang naiwan sa Pilipinas dahil nakipagtanan daw kay Papa noon, mabuti na lang at mahal ni Papa si Mama kaya pinanagutan hanggang huli. Tanggap pa rin ni Lola si Mama kahit ganoon ang nagawa, she was supporting her in every way she could do.

Iyong Australiano kong Lolo ay maagang namayapa kaya naman kinailangan ni Lola magtrabaho ulit para sa sarili at sa mga anak, good thing that she brought my other aunties and uncles in Australia and that helped them to have a better life there. Pinagbubuntis ako ni Mama noong pumunta siya ng Australia para roon ako ipanganak. And that's it, she left there with my Lola's care kaya lumaki akong maka-Lola.

Kunot ang noo ko sa sinag ng araw habang nagsasampay ng mga damit sa bakuran, walang pasok ngayon at rest day kaya gumagawa ako ng gawaing bahay. Sariling damit ko lang naman ang nilalabhan dahil kanya-kanya kami sa gawaing iyon. Minsan sinasabay ko na ang damit ni Mama at Papa pero mas nauuna si Mama na makapaglaba noon kaya madalas na sariling damit ko rin lang ang labada. Mga puti ang sinampay ko sa hanger at hinanay iyon, ang ibang de kolor na damit ay sa sampayan ko lang sinampay dahil hindi na sapat ang bilang ng mga hanger sa lahat ng nilabhan.

Sa harapan ng gate ay nakita ko ang isang makintab at itim na sasakyang pumarada, the reflection of sunray on the car made it look so shiny. Pinagpag ko ang hawak na damit bago sinampay habang nakatingin sa sasakyan, si Mama siguro iyon. Minsan kasi ay hinatid na rin siya ng sasakyan dito, sa amo niya yata iyon. Nakumpirma ko iyon nang bumaba si Mama sa likuran habang buhat ang isang batang lalaking maputi at may kahabaan ang buhok, nakauniporme pa si Mama na scrub suit at may disenyong Wolverine.

Bumaba ang isa pang babaeng batid ko'y doktora sa suot na uniform, hinalikan niya ang pisngi ng bata. Nag-usap sila ni Mama roon sandali bago muling bumalik sa sasakyan iyon at iniwanan sila Mama sa gate namin, kunot ang noo ni Mama sa pagkasilaw sa araw habang binubuksan ang gate naming maliit. Pagkasampay ko ng isa pang damit ay tumakbo na ako papunta roon para matulungan siya sa dalang bag.

"Ma!" tawag ko paglapit.

She smiled instantly at me, yumuko ako para kunin ang dala niyang bag.

"Nak," she said. "Nariyan na ba si Tyron?"

Tumango ako. "Natutulog sa itaas."

Kararating lang ni Kuya mula trabaho, pagod na pagod nga at nag away pa sila ni Sam dahil sa gastusin kanina. Dinig kong inuna ni Sam ang mga hindi importanteng bagay kaya nashort sila.

"She's nak, Nanay?" biglang tanong ng bata kay Mama.

Tumawa si Mama. "She's my daughter. I usually call her 'nak' because it's a short term for anak."

Villareal #6: Mundane TwilightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon