MT 38

83.4K 2.6K 1.2K
                                    

#MT38

Nagising ako sa malalambing na paghalik ni Horace sa aking leeg at balikat. Ugh, his way to wake me up will never get old! Tatak na yata niya iyon, baka nga ganoon din siya sa iba niyang babae noon.

Tsk.

I opened my eyes and saw that we're now parked inside the area of the villa and he was standing outside my door side, I covered my mouth when I yawned. Humawak ako sa kanyang balikat habang hinahalik-halikan niya ang pisngi ko, nakapagpalit na siya ng isang plain black t-shirt at nanatili ang magulong buhok.

"Horace, ang PDA mo na naman! Tigilan mo na nga!" sabay tulak ko sa kanyang mukha.

Hindi ba napapagod ang labi nito sa kakahalik? Buti hindi pa napupudpod sa kaadikan niya kasi ang labi ko parang bugbog na, e! Ang hilig pa niyang mangagat, akala mo hindi nakakasakit!

"This is Villareal's property, what's PDA?"

Tumigil siya sa kakahalik pero bago pa tuluyang kumalas ay madiin niyang hinalikan ang labi ko na may kasama pang kagat. Napasinghap ako, tinaliman ko siya ng tingin at hinawakan ang labi kong tila nasugatan.

"Paepal ka talaga kahit kailan! Akala mo hindi masakit, ha?" kinurot ko siya sa dibdib at hinampas sa kapikunan.

Humalakhak siya at hinawakan ang kamay ko para pigilan pero hinahayaan pa rin ang isa kong kamay sa pagkurot at sabunot sa kanya.

"Babe!" kunwaring seryoso niyang saway pero natatawa ang ekspresyon.

Nakakainis talaga ang pagmumukha niya, parang lahat ng pekeng akto kayang-kaya ipakita!

Padabog akong bumaba at isang beses pa siyang gigil na hinampas sa braso, nakita ko ang pamumula ng ilang parte niya dahil sa kurot ko.

"Amazona yata ang girlfriend ko." Napapailing niyang bulong habang pinapasadahan ng mga daliri ang buhok niya.

I glared at him, pa-cute siyang ngumiti sa akin at pinagsiklop na ang mga daliri namin para makapasok sa mansyon.

"Let me see your lips, babe. Nasugatan ba?" he lifted my chin while we're heading in.

"Masakit lang! Huwag ka kasing mahilig mangagat, feeling bampira ka!"

He laughed. "I like biting you on any part, it feels like a meat."

Namilog ang mga mata ko, agad naasar doon. Pinaghahampas ko ulit siya habang tawa siya nang tawa.

"Nakakainis ka talaga! Ayaw ko nga ng tinatawag akong baboy at ikaw, meat pa talaga! Badtrip ka!"

"In a good way naman, baby! Sayo meat, sa iba nga buto. Wala akong mapapak."

I gasped out, maha-highblood yata ako nang 'di oras. Ang gago ni Horace!

"Ewan ko sayo! Huwag mo akong kausapin muna, ha! Napipikon ako sayong gago ka, tingnan mo lang talaga."

Narinig ko ang pagtawa sa likuran namin, nag-init ang mukha ko sa hiya. Si Elos iyong tumawa pero kasama niya si Troilus at Arki, he was supporting Troilus' steps.

"There's a curve to the left side, Troi." Arki stepped beside Troilus. Nakaangat ang kamay niya na tila alalay pa rin kay Troi kahit takot na madikit doon. "Can you just let me hold your arm?"

"I can walk alone, Arki. Stop being too cheesy, I won't learn if you're always there to support me," tamad na sambit ni Troi. Humawak siya sa gilid ng pinto para kapain ang dadaanan at naunang pumasok doon.

Kamot ulong sumunod si Arki sa kanya, Horace and Elos are now talking. Nang masulyapan ni Elos ang paglayo ng mga bata ay tinapik niya ang balikat ni Horace sabay ngumisi sa akin.

Villareal #6: Mundane TwilightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon