MT 31

65K 2.3K 438
                                    

#MT31

"Nak!" katok ni Mama sa aking kuwarto.

Nagmulat ako ng mga mata at nagbuntong-hininga.

"P-Po?"

Umabot ng isang linggo ang pagkukulong ko sa bahay, buong linggo ay wala akong ginawa kundi ang tanungin ang sarili ko tungkol sa nangyari five years ago. Iyong gabing sigurado akong si Horace ang narinig at kasama sa iisang silid sa naturang bahay, sigurado ako noon pero ngayon? Sigurado pa nga ba? Butas-butas ang lahat sa alaala ko, naisip ko tuloy na baka tama nga si Aliyah? Marumi akong babae na naikama ng dalawang lalaki sa gabing iyon.

My heart wrenched, pinikit ko ulit ang mga mata.

"Nak, si Horace nasa linya. Hindi mo raw sinasagot ang tawag. Lumabas ka nga muna riyan at kausapin siya rito. May ginagawa ako sa kusina." Muling kalampag niya sa pinto.

My eyes widened. Hindi siya tumitigil sa kakatext at katatawag, pati sa social media ay hindi siya nagmintis sa nagdaang linggo pero hindi ko inaasahan na pati kay Mama tatawag siya.

"Bilis na, Twillain! Ano bang problema n'yo? May sira ba ang cellphone mo? Ipahihiram ko muna sayo 'to."

My forehead wrinkled, namuo ang luha sa mga mata ko. Mabilis ko iyong pinalis at tumayo para pagbuksan siya, normal kong nginitian si Mama nang titigan ako.

"Nanaginip ka na naman kagabi? Mugto na naman ang mga mata mo," puna niya at suminghap.

Binigay niya ang cellphone sa akin, tumango lang ako at ngumiti. Ang hirap magpanggap na ayos lang ako kahit hindi talaga, pero ayaw ko nang madamay pa sila Mama sa problema ko. They don't even know what happened to me when I was sixteen, on that house party! Alam kong kasalanan ko ang lahat, dapat nasa bahay lang ako noon at sinunod sila sa lahat ng sinabi. Wala sana ako sa ganitong sitwasyon ngayon, wala sana akong madilim at maruning sikreto.

Marahan kong sinara ang pinto nang tumalikod na si Mama, I gasped out and leaned my back on the door. Tears started running down, pinigilan ko ang paghikbi at sinulyapan ang screen ng cellphone ni Mama. Naroon pa rin siya sa kabilang linya.

I don't know what to say. Ni hindi ko alam kung alam niya... ayaw kong marinig na alam niya dahil ayaw kong malaman na nagsinungaling siya tungkol doon. Masasaktan na naman ako, ayaw ko na. Marami pa akong iniisip, kung sasabay ang sakit na napagsinungalingan ako ng mahal ko. Baka mas lalo lang dumilim ang lahat.

Huminga ako ng malalim at tinapat na iyon sa aking tainga.

"H-Horace—"

He gasped out loudly that cut me off instantly. "Baby! Are you mad at me? Why aren't you answering anywhere? I'm worried as fuck, may problema ba?"

Kumunot lalo ang noo ko sa emosyon, tahimik na bumuhos ang luha ko. Galit at pait ang lamang sa aking pakiramdam, I wanted to punch him. I badly want to hurt him kasi kahit alam kong parte siya noon, ayaw ko pa ring maniwala. Ayaw ko siyang tanungin dahil duwag ako sa issue na iyon, ayaw kong mula sa kanya dahil lalo lang akong magiging tanga.

"Pagod lang ako, ayaw ko ng kausap," malamig kong sinabi.

"Tita Luisa said you're not even going out, Lovice. Saan ka napagod? What's the dream all about? Dahil ba roon? Hindi ka nakakatulog ng maayos?"

"Hindi, ayaw lang kitang kausap. May mga pinagkakaabalahan ako sa sariling buhay dito, ganoon na lang din ang gawin mo riyan para hindi ka na mang-abala pa sa akin."

His line went silent, I heard quiet whispers of his breath.

"Lovi, what's our damn problem really? Please, don't talk to me like that. Calm down and tell me the problem so I can patch it up."

Villareal #6: Mundane TwilightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon