MT 37

85.1K 2.8K 806
                                    

#MT37

I spent the night with Horace, tinanghali ng gising kinabukasan. Mabuti na lang at wala akong pasok, he drove me back to the unit after lunch. We talked a lot. Naitanong ko rin sa kanya iyong tungkol sa trabaho kanina at kung bakit biglaang napauwi, iyon naman ang naging guilt ko sa buong araw dahil ako ang rason kung bakit siya umuwi at ayaw bumalik hangga't hindi kami naaayos na dalawa. He has a substitute captain in charge, of course. Pero baka nasa bingit na ng bangin ang kanyang posisyon ngayon dahil sa biglaang pag-uwi.

"Bye..." I waved my hand as I opened the glass door while walking inside the lobby.

Naiwanan siya sa labas, nakapamulsa sa kanyang sweatpants at tumango sa akin.

"I'll call you," pahabol niya.

Nagmuwestra ako ng mga palad na magkadikit upang ipahiwatig na ako'y matutulog ulit. Kulang talaga ako sa tulog kahit tanghali na ang gising, antukin kasi ako at pagod pa sa nagdaang linggo. Ngayon lang ang pahinga ulit.

"Please." He mouthed outside the glass door.

Ngumiti ako at nagkibit balikat na lamang, muli ko siyang kinawayan doon. Some walking guests were glancing at him and then me—where he's eyes on, biglang nagbubulungan at umiirap sa gawi ko at iyong iba, mukhang nagtataka pa.

Seriously? Ganoon ba ako kapangit? No, I'm not ugly but I'm not the type of woman who fits Horace's taste. Well, for them? I think. Siguro ganoon ang tingin nila kay Horace, sa itsura naman kasi talaga niya ay hindi mo aakalaing hindi siya mapili sa babae!

Sa isang buwan naming hiwalay, may mga nakita na akong ex flings niya habang nag s-stalk at masasabi kong lahat iyon ay magaganda. Aliyah Soriano, Suelly Vargaz, Xamarah and Yasmin? I'm not sure about the names pero iyon ang mga tanda kong nakalandian niya, base sa mga tagged photos sa Instagram niya. Nabigyan niya pa ng mga bouquet at regalo!

Pinindot ko ang button ng elevator at naghintay sa pagbukas, hindi ko na makita si Horace mula sa labas dahil nakapasok na ako sa hallway pero siguradong umalis na iyon.

I smiled and typed a text.

Ako: Be careful driving.

Horace: Uh-huh.

I sighed while biting my bottom lip and put my phone back in my bag. Ang pangit magreply ni Horace! Samantalang nakita ko naman ang mga sagot niya sa dating flings tuwing sinasabihan siyang ingat! May pa, "I will, for you." siya! At sa akin ganito? Uh-huh?

Mukha niya, uh-huh!

My body almost jumped when I felt firm arms wrapping around my waist from behind, followed by soundly kisses on my nape that sent me shivers all over. Napakislot ako sa kiliti.

Uminit ang mukha ko at napasinghap nang makilala ang amoy agad. "Horace!"

"Hatid kita hanggang sa taas," aniya habang pinanggigigilan ngayon ang paghalik-halik sa aking pisngi.

Damn it! He's pulling attention around!

Tumango ako at kinalas ang kanyang mga braso sa baywang ko pero hindi niya iyon hinayaan, he just snaked it again as he crouched down to reach the level of my lips.

"What the hell, this is too PDA," I hissed.

Ngumuso siya at nagkibit balikat, muli niyang dinampian ng halik ang labi ko pero napaiwas na ako nang magbukas ang elevator kaya sa panga ko siya napahalik. A gasp slipped out my lips when I saw Lydia and Aliyah there, palabas na sana ngunit nang makita kami ni Horace ay napahinto sa kinatatayuan. Lydia glared at us as she pulled Aliyah out, maluha-luha iyon habang nakatingin kay Horace.

Villareal #6: Mundane TwilightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon