MT 21

75.5K 2.5K 437
                                    

#MT21

Horace removed his hand around my waist as we went in, tagong napangisi ako dahil doon pero hindi pa rin nawawala ang kaba ko sa nangyari. Nakakainis si Colton! Magkakagulo pa dahil sa pagmumura niya!

Sumulyap ako sa kanya, he sighed and shrugged simply.

"Can't be gummy around you here, I'll miss it," he said in a whisper.

"OA mo." Umirap ako. He's really a clingy person but I think there's nothing wrong with it since we're together, right? Pero tama rin na huwag ngayon dahil nandito kami at heto ang unang araw na ipapakilala siya.

He sighed. "I'm still pissed, you know. That cotton bud just took mom's name in vain."

I sighed and smiled apologetically, I held on his arm and caressed it. Alam ko namang ayaw niya na nadadamay sa masamang salita ang mama niya, sino ba naman ang papayag doon. Hindi ko rin inaasahan na ganoon ang galit ni Colton.

"Sorry, mukhang nagalit talaga si Colton. Noong huling pag-uusap kasi namin, hindi pa naman kita boyfriend at sabi niya 'di siya mawawalan ng pag-asa."

Kinabahan talaga ako kanina dahil halatang inis si Horace, mabuti na lang at may tulong pala 'yong pagtawag ko ng "baby" sa kanya. Sa awa ng Maykapal ay napakalma siya mula sa pagsugod.

"Tss, suntukin ko bunganga noon. He should thank you for calling me baby." His lips scaled up into a smile easily like he heard it again. "Huwag kang papahawak ulit doon, pag nakita ko... hindi na ako magpapadala sa "baby" mo."

Uminit ang mukha ko at kinurot siya sa tagiliran, humagikgik siya at pasimpleng humalik sa aking sentido. My heart drubbed, I like it when he's doing that in a simple move like it was a normal thing for him.

"Ehem!" Kuya Tyron's clearing throat resounded on the side, near the stairs.

Mas lalong nagningas ang mga pisngi ko, bahagya akong humakbang sa gilid para sa konting distansya.

"Kumain na ba kayo, Twillain?" Mama asked, dumungaw siya mula sa kusina.

Hindi ako makangiti dahil sa hiya, tumango ako. "Opo, Mama. Bago umuwi."

Lumabas siya roon at naupo sa sofa, hinawakan ko si Horace sa braso para igiya rin sa sala at mapaupo. We both settled on the long couch while Mama took one single couch, si Kuya Tyron naman ay nakatayo lang malapit sa hagdanan para makinig. Mabuti at wala ang tsismosang si Sam, o baka nasa itaas at nakikinig lang din patago. Our house isn't really big, konting sigawan lang ay nagkakarinigan na rin.

Kabado ako habang nakaupo pero nasa isip ko nang nandito si Horace sa amin para maipakilala ang sarili bilang boyfriend ko, walang masama roon kaysa nga naman magtago pa kami.

Mama clears throat. "Puwede mo nang linawin ang lahat, Twillain. Makikinig ako."

My lips separated.

"Opo, M-Mama." I licked my lips and glanced at Horace, wala man lang kaba sa itsura at pormal lamang! Sana lahat! "Uhm-"

"Paano kayo nagsimula? Bakit parang hindi ko ito nahalata sa ilang buwan? Kailan pa kayo nagkaigihan?"

"Niligawan ka ba, Twillain?" si Kuya.

Gulat pa ako roon, hindi ko alam na bati pala kami ni Kuya? Tsismoso!

I inhaled. "Three months ago po, pero last week lang po naging kami. Hindi ko nasabi kasi nahihiya ako."

"Bakit ka mahihiya? Hindi ba't mas mainam iyong pinaalam mo sa amin ang tungkol dito?"

My heart contorted. May plano naman ako, hindi pa lang talaga ako handa. Pero ngayon nasabi ko na, sana maintindihan nila ako.

"Ma, nahihiya ako kasi hindi pa ako tapos mag-aral at nagboyfriend na," sambit ko.

Villareal #6: Mundane TwilightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon