MT 36

80.2K 2.8K 382
                                    

Walang update noong nakaraang araw dahil busy ako, hindi lang wattpad at pagsusulat ang buhay ko. Salamat.

#MT36

"It's really fucking sad, I swear, baby," parang batang kuwento ni Horace habang naglalakad kami sa hallway patungo sa kanyang unit.

Lihim ang pagbungisngis ko, kanina pa siya nagkukwento tungkol sa nagdaang buwan niya na wala kaming kahit anong kumunikasyon. Natutuwa ako, hindi ko alam kung bakit pero masakit din isipin na ganito pala ang nararamdaman niya.

"I know it's creepy but I stalked you for a week but then I realized that I shouldn't because you need your time to think, kaso natatakot din ako na baka..." he scoffed, sininok siya at nagsalita ulit. "Baka magkaroon ka ng iba, there's a lot of possibilities to leave me behind. I'm an ass."

My heart hurt.

Nakayakap lamang ang dalawang braso niya sa baywang ko habang nakasiksik ang mukha sa gilid ng leeg ko. Nasa harapan na kami ng pinto, mabilis kong tinipa ang kanyang code doon at hindi naman nagbago kaya nakapasok kami agad. Inalalayan ko siyang maglakad dahil lalo yata siyang tinablan ng hilo sa elevator at paglalakad. Kusang nagbukas ang dim lights sa paligid ng unit niya, sinara ko ang pinto at nagpatuloy na hanggang sa sala.

"You even said that you don't want me anymore," he huffed as I supported him to sit down. "I was damn shredded and scared, I told myself that it's not you I'm talking, it was your anger. I get it because I'm an ass, I'm a liar like what you said but I can't believe you could say that right in my face without getting hurt for me. You're a bad girlfriend."

My lips separated while watching him on the sofa, nakasandal na siya roon at tila makakatulog na sa anumang oras pero hindi natitigil sa pagsasalita kahit bulol na.

"That's painful but it's you, I will gladly accept everything." He chuckled sleepily.

Huminga ako ng malalim, ramdam ko ang pagkirot ng puso ko sa lahat ng naririnig. Marahan kong tinanggal ang sneakers niya.

"Sorry..." I said in a whisper guiltily.

Ewan ko bakit ako guilty gayong siya naman ang may mali sa aming relasyon, pinaniwala niya ako sa kasinungalingan pero hindi ko pa rin maiwasang maguilty dahil sa abiso ni King. It really helps me to think clearly. That's right, what happened in the past won't make me less as what I am now, I'm still a woman who deserves respect and love despite of my flaws and mistakes. Maybe, I should take it as a lesson.

Agad siyang napamura na tila inis sa sarili. Pikit matang tumayo siya at naghubad ng shirt niya mula sa neckline, nagulat ako roon. Mabigat ang mga matang nagmulat siya para tingnan ako, halatang antok na antok na sa pamumula ng mga mata. His nose is a bit red, too. That hurt my heart, he's almost crying.

"Damn, I can't believe you're here. I need a shower to sober up, I'm sorry." Iling niya sabay bagsak ng mga balikat, his eyes were sad and emotional. Ilang saglit pa siyang tumitig sa akin bago tumalikod para pumasok sa silid niya, he didn't close the door.

Seriously? Did he really think that he wad just dreaming about my presence with him?

I exhaled massively, marahan akong naupo sa sofa at sinandal ang likuran. I stretched my arms for minutes, medyo nangalay ako sa kakaalalay sa kanya at mabigat pa siya. Malungkot akong napangiti, naisipan kong magtimpla ng kape pero naalala ko ring hindi pala siya nagkakape. I just prepared a milk and water for him while waiting, baka kasi maiyak lang ako kung tatambay sa sala habang naghihintay. Ang dami-daming pumapasok sa isip ko, masasakit sa pakiramdam.

"Lovi!" he called loudly from nowhere, narinig ko ang pagbukas ng pinto.

Dinala ko ang tray palabas ng dining area, nakita ko siyang nakahawak sa door handle at handang lumabas. He's now wearing a black checkered pajamas and topless, tumutulo ang butil ng tubig mula sa basang buhok. Nang marinig ang yapak ko ay lumingon agad siya, I looked at him weirdly.

Villareal #6: Mundane TwilightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon