MT 29

67.7K 2.3K 381
                                    

#MT29

"Tumigil ka na, Josh!"

Nagtatawanan sila Carly habang naghaharutan sa sofa, Josh was tickling her. After our graduation earlier, we decided to go to Josh' unit. Bago lang ito, kabibigay nga lang ng susi ng Mommy niya kanina bilang graduation gift. It was supposed to be a family lunch but Mama let me have the day with friends, sa dinner na lang siguro kami magsasalu-salo.

The place was cool, mainit kasi kanina sa venue at pawisan kami kaya sobrang nakakairitang kumilos. Ang dami pang seremonyas, halos ilang oras ang tinagal pero sa huli ay bigayan din naman ng diploma ang mangyayari.

"Mag pizza party na lang tayo ngayon, nagbilin ako kila Lydia. Mapera naman si Aliyah!" halakhak ni Nikka.

"Siraulo, pinerahan mo pa."

"E, parati naman siyang gumagastos dahil malaki raw ang utang na loob kay Lydia. Nakapasa ba naman sa lahat ng subject, magaling talagang magtutor si Lydia."

"Oo, peste lang minsan."

Napataas ang kilay ko. That's totally right! Matalino si Lydia, talagang may problema lang sa mga taong may kapintasan. We used to be friends, I just don't really like her mouth. May mga kaibigan naman talaga tayong hindi nakakasundo pero nasa isang grupo pa rin.

"Ayos lang ba?" Erwin asked and glanced at me. "Twillain? Lydia at Aliyah sa isang lugar?"

I don't really know what's been happening behind my back for the past week before this day, nitong nakaraang linggo lang ulit ako nakabalik sa pagsama sa kanila nang magsimula ang rehearsal para sa graduation pero nakakausap ko sila sa group chat. Madalas si Carly ang kausap ko at nababanggit niya naman ang ibang nangyayari.

Kumunot ang noo ko. "Bakit naman hindi? I don't have a problem with them."

Carly smiled.

"Oo nga, sila lang naman ang may nasasabi kay Twillain. Besides, Twillain is an old member of us. Kung may problema sila, sila ang umalis."

"Yes, girl!" Nikka exclaimed. "Mabait naman si Aliyah, nadedemonyo lang ni Lydia. 'Tsaka magkakilala na sila ni Twillain dati, siya kaya ang unang tutor!"

Nasabi na nila kaninang susunod sila Lydia rito at Colton, hindi ko na kilala pa ang ibang dumagdag sa aming grupo. I'm still welcome, hindi naman kami nawawalan ng koneksyon noon at hindi iyon tumagal ng ilang taon para magkalimutan.

Iyon ang pinag-usapan nila, tumatango na lamang ako sa para sumang-ayon kasi wala naman talaga akong issue kung kasama sila. Iyong alitan namin ni Lydia, wala na sa akin ngayon. Ang hindi ko lang sigurado ay ang pagpansin sa akin ni Aliyah, I know how much she cried for Horace when he broke up with her then but it wasn't my fault. Hindi rin naman ako ang dahilan ng break up nila noon.

Binalik ko ang tingin sa cellphone.

Horace: Congrats, babe! Send me a pic!

Horace: I didn't mean nude, okay? Don't overreact!

I chuckled.

It's been ten days since he left, I'm missing him already but I can do this. Ayos lang ito, anim na buwan lang at mabilis naman ang mga araw na tumatakbo.

I yawned while replying.

Ako: I'll never send you a nude, baka pag nagbreak tayo bigla mong ilabas sa internet.

Ako: Thanks, by the way. Nandito pala kami sa condo ni Josh ngayon.

"Twillain, you can use the other room if you're sleepy," Josh suggested. "Tatawag lang ako ng delivery. Hanggang hapon tayo rito."

Villareal #6: Mundane TwilightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon