MT 32

67.4K 2.8K 715
                                    

Huwag akong madaliin sa update. Thanks.

#MT32

Sabay kaming nakatanggap ni Carly ng email tungkol sa aming application, we are both accepted to teach in public elementary school after a week of waiting. Pasado na rin naman kami sa exam ni Carly. Ayos na ayos naman sa akin na magturo sa pampublikong paaralan dahil doon din ako nagmula at mas gusto ko kaysa sa private. Nabanggit kasi ng iba naming propesor noon na mahirap sa private school lalo na kung hindi sanay sa mga estudyanteng spoiled brat. Hindi naman nilalahat pero karamihan.

"We should start packing! This is so exciting!" she giggled loudly as we went out of Josh' car.

Kinawayan ko si Josh at dumungaw naman ang ulo niya para tanggapin ang halik ni Carly bago tumango sa akin, he glanced at his wristwatch then back at us.

"Sunduin ko kayo in thirty minutes."

"One hour, babe! Makupad kumilos si Twillain, kailangan namin ng mas mahabang oras."

Josh gasped and rolled his eyes. "Alright! Guess, I'll be with my annoying sister for hour! Make it quick!"

"Ayaw mo bang magtambay—"

Siniko ako ni Carly. Right! She wants to make Josh visit his sister today, nakalimutan ko. Hiwalay kasi ang parents ni Josh at mas madalang niyang mabisita ang ama kung saan nakatira ang batang kapatid kaysa sa mama niya na linggo-linggo niyang binibisita. I don't know much about their matter, though.

"Sige na, Josh. Alis na, give us one hour! We'll be done quick, that's the quickest!"

Josh just sighed in defeat, nagpaalam na siya at umalis habang kami ni Carly ay pumasok sa bahay para makapagsimula sa aming gagawin ngayon. I already told my parents about moving out one of these days as soon as I get work, sinabi ko na rin na sa condo ako nila Josh makikitira habang nagtatrabaho. Naintindihan naman ni Mama iyon, ayaw pang pumayag ni Papa noong una pero kalaunan ko ring naipilit sa maganda eksplanasyon.

So we did what we needed to do that morning, Carly helped me pack my things. May listahan pa ako ng mga kailangan dalhin na hindi ko dapat makalimutan, naalala ko bigla ang gawain ni Horace noon tuwing mag-grocery. Mahilig siyang maglista, he's really organized when it comes on buying his supplies. Hindi niya kasi hilig mag grocery kaya sinisigurong walang makakalimutan at babalikan pa.

My heart shattered slowly. Again. Just remembering his hobby makes me want to cry but I don't want to cry over him. Life is life, it wouldn't be called life without things could make it hard or easy because it would be lifeless without emotions and circumstances. Pain is included in life, we live here for a reason how to handle our own challenges to solve like a mission for our own selves and betterment. I know time will come around and heal me, I'll soon forget what pained me.

"Safe ba roon, nak?" Papa asked on the other line, he called me when I texted him about my move out today.

"Opo, Pa! Condominium building iyon at may security!"

"Linggo-linggo ka bang uuwi sa atin? Ano bang araw ang day-off mo?"

I chuckled. "Wala pa po kaming schedule, pupunta pa kami sa school ni Carly para kausapin ang head."

He sighed heavily. Narinig ko ang ingay sa kabilang linya, mga nagkakalampagang bakal at iba pang tunog ng kagamitan sa isang talyer. Naging madalang pa lalo ang pag-uwi ni Papa, siya kasi ang pinag-manage ng talyer habang nasa bakasyon ang may-ari. Kung noon linggo-linggo siyang nauwi, ngayon ay umaabot na ng dalawang linggo hanggang isang buwan.

"Mag-iingat kayo ni Carly roon, marami akong nababalitaan sa telebisyong tungkol sa mga biktimang kababaihan."

"Opo, Pa." Napangiti ako. "Salamat."

Villareal #6: Mundane TwilightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon