MT 3

91.5K 3.2K 1K
                                    

#MT3

Naging tahimik ang bawat klase namin ni Aliyah ng linggong iyon, sa huli ay parati pa rin siyang umiiyak tuwing paalis na ako. Kalaunan akong nasanay na bigyan siya ng oras tuwing matatapos ang klase at nakikinig ako upang maibsan ang sama ng loob kahit papaano, Aliyah's in love with Horace. Hindi naman siguro niya iiyakan iyon kung hindi. I'm just not sure if he feels the same way or if he ever felt the affection towards Aliyah, unpredictable talaga iyon.

Well, maybe it's not really unpredictable but very predictable that he looks like an arse in any angles of his presence and face. He could hurt anyone in anytime he'd want, buong pagkatao niya yata ay kayang manakit nang hindi niya pagsisisihan man lang. Nakakainis siya, hindi niya man lang mapuntahan si Aliyah pagtapos niyang lokohin! Hindi nagsorry!? Kung hindi ba naman gago ang lalaking 'yon ay nakuha pang magpakita kay Aliyah na may inaakbayan at niyayapos na ibang babae! Ang masama pa, kaibigan nito!

Lalaki nga naman, gago. Palibhasa walang nawawala sa kanila, kaya kayod lang nang kayod kung kani-kanino.

"Ang tanga naman pala ng babaeng 'yun, kagandang dalaga. Sinayang lang ang puri sa lalaking manloloko." sambit ni Carly.

"Sino? Sino?" usisa ni Lydia.

Napasapo ako sa noo ko at pasimpleng sumenyas kay Carly na huwag na iyong ipagkalat, nagdatingan na ang iba pang student teachers na kaibigan namin at naupo sa puwesto. Napagpasyahan naming kumain sa isang food park kinagabihan pagtapos ng aming mga klase, umayos ako ng upo pagkalapit ni Colton. Nagkatinginan kami ni Lydia at nanunukso agad ang tingin.

"Yie! Tabi sila!" asar ni Nikka.

Uminit ang mukha ko nang prenteng naupo si Colton sa tabi ko, tatlo lang silang lalaki sa grupo namin ngayon. Nobyo ni Carly at Nikka ang dalawa pa, si Colton ang natatanging single na lalaki at sa akin tinutukso dahil noong una pa lang namin siyang kaklase ay naguwapuhan ako sa kanya pero hindi naman ako nagkagusto agad. Nakakapikon at nakakahiya tuloy minsan kay Colton pag natutukso kami. Kakabreak lang nung tao, wala pang apat na buwan at natutukso na sa bagong pausong love team ng grupo.

"Huwag n'yo masyadong tuksuhin, parehas mahiyain 'yan baka maging bato pa." halakhak ni Josh, boyfriend ni Carly.

Nilingon ako ni Colton at tipid na ngumiti, wala naman siyang gusto sa akin kahit nga atraksyon. Ewan ko kung bakit parati pa rin kaming tinutukso ng mga 'to. I just smiled back, kinuha ko ang burger na para sa akin at umismid na lamang sa panunukso nila.

"Alam mo, Ton. Maganda 'tong si Lovi, mataba lang." buska ni Lydia. "Pagdietahin mo na lang kung model type ang tipo mo."

Paepal talaga si Lydia, parati na lang may kontra sa papuri niya.

Nagatawanan sila, puwera kay Colton na napailing.

"Huy, maganda talaga si Lovi kahit hindi magdiet! Bagay na niya ang ganyang katawan, hindi na kailangan pumayat!" tanggol ni Carly.

"Hindi naman siya mataba." si Colton ang nagpatahimik sa lamesa namin.

Uminit ang mukha ko lalo nang humiyaw ang mga lalaki.

"Tol! Sige lang!"

"Hindi siya mataba, she's just healthy. Kesa naman sa sobrang payat, parang hahanginin na." ani Erwin.

Villareal #6: Mundane TwilightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon