MT 39

77.2K 2.6K 648
                                    

Comments

#MT39

I spent the day with Carly in the unit, we watched three movies in a row because of boredom. Hindi rin kasi ako makatulog dahil sa kakaisip kay Horace at sa mood niya kanina nang maghiwalay kami at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagtetext, I don't wanna be clingy much. Hindi pa naman umabot ng ilang araw ang hindi niya pagt-text sa akin. Nakausap ko na rin sila Mama sa video call pagtapos kong maligo, nangumusta lang ako sa kanila at sinabihang papasyal ako bukas para bisitahin si Ate at Tyra. Iyong baby niya.

Nagbuntong-hininga ako habang nakatingin sa laptop, wala akong maitipa sa pointers na gagawin ko. Ilang oras na akong nakatunganga! I feel so occupied today, wala naman akong pasok bukas kaya puwedeng ipagpaliban muna ngayon para mas maganda ang magawa ko kapag maayos na ang isip. Nagpasya akong sikupin na ang mga gamit, sa kawalan ko ng magagawa ay nanood na lang ako ng mga prank sa Youtube. When I got bored, I decided to send him a text.

Ako: I thought you'd text me. Where are you? Ganyan katagal ang meeting na pinuntahan mo?

Madalim na ang kalangitan sa labas, e! Mag a-alas nuwebe na! Wala pa rin talaga siyang text!

My phone beeped, mabilis kong sinend ang text at binasa ang chat ni Nikka sa akin.

Nikka: Girl, break na ba kayo ni Horace?

Kumunot ang noo ko.

Ako: Hindi, bakit?

Gusto kong matawa, bakit naman niya naisip iyon? We don't usually get out together with friends but I didn't anything about break up, nagkakausap naman kami sa groupchat araw-araw.

Nikka sent me a photo, my heart skipped when it was Horace with Aliyah on the U-shaped sofa. They were alone in that area, kumalabog ang dibdib ko. Ang sumunod na picture ay nakayakap na si Aliyah sa kanyang leeg at halos maghalikan na sa sobrang lapit, my heart reacted painfully in an instant.

Nikka: Shots at the moment here. Parang seryosong nag-uusap ang dalawa, akala ko hiwalay na kayo kaya bumalik kay Aliyah.

Nikka: Sampalin ko na ba 'to? Isang like sign lang, susugurin ko. Ano?

My heart drubbed painfully, nanginginig ang kamay kong nagtipa ng reply. Patuloy siyang nagsend ng mga litrato ng dalawa, uminit ang mga mata ko sa huli dahil magkalapat na ang labi nilang dalawa. Pigil ang mga luha kong kumawala, huminga't buga ako ng hangin para ikalma ang emosyon dahil walang mangyayari kung iiyak ako.

I asked the bar they're in tonight.

Kumalma ka, Lovi, walang kalinawan iyon. Ni hindi mo pa napapakinggan ang rason sa likuran noon, pero kung naghalikan na? Dapat ko pa rin bang isipin iyon? Fuck. Shouldn't I consider that a cheating because I'm blinded by the fact that I love him and he wouldn't cheat behind my back? Why the hell would he kiss her? I need to know, I want to hear. Hindi ko alam kung bakit ang sakit noon lalo habang umaandar ang minuto.

After getting the address from Nikka, I decided to fix myself to get there but she suddenly informed me that the two went out. Sabi raw ni Lydia ay mag-uusap lamang saglit para ayusin ang kanilang relasyon, doon ako nagngitngit sa galit. Pabida rin 'tong si Lydia, makaconclude lang talaga kahit tunog tanga ayos lang tutal iyon naman siya buong pagkatao. Masyadong pinangatawanan.

Hindi ko inaksaya ang oras kasi habang tumatagal na wala akong naririnig mula kay Horace ay mas lalo akong nasasaktan sa naiisip. Kung ako ito noon, malamang ay diretsong pakikipaghiwalay na ako at walang tatanggaping paliwanag dahil mababaw pero habang lumalalim pala ang pagmamahal at pagsasama ay siya ring paghigpit ng kapit dahil sa tiwalang nabuo ninyo sa isa't isa. I could precisely hear him talking about how much he loves me, mahal ko man siya ay ramdam kong mas baliw siya sa akin.

Villareal #6: Mundane TwilightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon