MT 18

75K 2.9K 805
                                    

#MT18

Horace didn't lie about going to church, we really did go and prayed privately for ourselves. I prayed for my future to be well and of course my family, I prayed for Mama and Papa 'cause I know they aren't getting younger. Matatanda na sila at alam kong may sumasakit na sa katawan nila, habang nasa simbahan kanina ay nagtungo ang isip ko sa maraming reyalisasyon na tila kay linaw nang mga oras na iyon. I've decided to just work and take masters after saving so that I could also help my family financially while saving.

"Where do you wanna go?" he asked while driving, we just had our lunch after church.

"Kahit saan. Pahiram muna ako ng cellphone," I said and held out my hand.

He took his iPhone out from his pocket and gave it to me without a word, pansin ko agad ang maraming mensahe roon mula sa hindi kilalang numero at iba pang babae na may pangalan sa industriya. I inhaled and avoided it, mabilis akong nagtipa ng text kay mama para iimporma ang pag-alis ko. She replied, her number was unexpectedly registered in Horace' contacts.

Nanay Luisa: Saan ka? Kasama mo si Colton?

Ako: Hindi po, ma. Uuwi rin ako mamaya.

Nanay Luisa: Papunta ako kila Ma'am Chandria ngayon para sa duty. Uuwi ang papa mo mamaya kaya sana makauwi ka rin sa hapunan. Ilang linggo ka nang hindi nakakasabay, minsan na nga lang makumpleto sa hapag.

My heart wrenched.

Ako: Uuwi ako ng maaga, Ma. Ingat!

Nanay Luisa: Okay. Ingat ka.

Binalik ko ang cellphone kay Horace pagtapos burahin ang conversation namin ni Mama roon, kunot ang noo niyang sumulyap sa akin.

"Any problem?"

Umiling ako at ngumiti.

"Saan tayo?" tanong ko habang ginagala ang tingin, we're now in a basement parking area. Kahit may ilaw ay madilim at parang kuweba.

His lips cornered. "I thought we could go anywhere?"

"Oo nga, nagtatanong lang naman ako."

He sighed while maneuvering the steering wheel to the right where he'll park. "My unit."

Namilog ang mga mata ko, awtomatikong tumingin siya sa akin at nakangisi na.

"Don't panic, I won't do anything you don't want."

"I'm not panicking!" tanggi ko. "I'm just... a bit surprised that you brought me here."

Nagtaas siya ng kilay at huminto na ang sasakyan sa parking. "Hmm, what's surprising there?"

"Na ngayon mo lang ako dinala sa unit mo. Kasi sa tingin ko, sa sobrang landi mo dinadala mo ang babae mo rito sa unang meeting o date n'yo pa lang. Tama?"

Malandi si Horace pero hindi ko pa rin mapigilang ma-bitter sa kaalamang iyon, sa dami niyang babae baka magulat na lang akong may sumabunot sa akin mula sa likuran at sasabihin may anak sila. Que horror!

His eyes broadened startlingly as he removed his seatbelt.

"Harsh and very wrong, Lovi." He shook his head and gasped. "Ikaw pa lang ang una rito. This is a new unit, anyway."

Okay, seriously. Fuck it. Ang yaman pala niya at siguro bumibili siya ng unit bawat may babae o kaya ay gaya noon kay Aliyah na siya mismo ang nakikitulog sa condo ng mga babae. He's so sinful!

"Nakakainis ka!" I spat out and went out of the car. Inayos ko ang blouse, bumaba rin siya habang tumatawa.

"Bakit ka naiinis? Bawal ka mainis!" aniya sabay hila sa aking kamay patungo sa elevator, he clicked his key fob and the car locked.

Villareal #6: Mundane TwilightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon