MT 5

90.4K 3.4K 1.4K
                                    

#MT5

The whole week got me so stressed. Tumulala ako sa harapan ng libro, I know this is too rude. The book is open to let me learn more from it but here I am just staring blankly. Walang pumapasok sa isip ko kundi ang imahe ng madilim na silid at liwanag ng buwan mula sa labas ng bintana habang tinititigan ng lalaking hindi ko kilala.

I sighed sluggishly and took my face down on the table. Yes, napanaginipan ko na naman iyon at narito na naman ako sa sentro ng frustration at inis. Bukod sa mainit ang araw ngayon ay naiinis pa ako dahil sa pagkakaalala kay Horace sa buong linggong ginawa ng Dios, wala siyang ibang ginawa kundi ang asarin ang bawat araw ko kila Chandria Villareal tuwing umaga kaya sa eskwelahan pagpasok hanggang sa matapos ang araw ay wala ako sa hulog at gigil sa gagong 'yon.

"Huy! Balita ko going well kayo ni Colton, ah?" mapanuksong saad ni Carly habang umiinom ng soft drinks sa supot.

Nagpamulsa ako sa bulsa ng aking blouse at umangat ng tingin sa kanya, umirap ako sa ngising aso niya at paglalaro ng kilay pataas-baba na tila magu-good mood ako noon, pero hindi. Sumunod na umupo si Nikka sa tabi niya, kumakain naman ng hopia at may soft drinks din sa supot.

"Tigilan n'yo ang panunukso sa amin ni Colton, hindi na nakakatuwa." masungit na saway ko sa kanila, inagaw ko ang soft drinks ni Carly.

Pumarte ang labi niya pero hinayaan ako sa pag agaw at pag-inom ng soft drinks niya. Pinahiran ko ang pawis sa noo habang uhaw na sinipsip ang straw para makainom.

"Ang sungit mo, red days?" tawa ni Carly.

"Oo," sabi ko. Totoo naman, mayroon ako ngayon kaya nga hindi ako pumunta kila Fifth dahil baka masungitan ko ang mga bata lalo pa't naroon si Horace na naman, panigurado.

Humagalpak silang dalawa sa tawa, inagaw ko rin ang hopia ni Nikka. Wala siyang nagawa kundi ang magpaubaya habang tumatawa.

"Okay, gets."

"Siya nga pala, napakacute noong tinuturuan mo!" ani Nikka. "Fifth nga ba iyong pangalan?"

"Ay, oo. Ang guwapong bata!"

"Saan niyo nakita?" kunot noong tanong ko.

"Pinakita ni Colton sa akin sa picture, sa susunod sana mag groupfie kayong tatlo. Kinikilig na ako!" hagikgik niya. "Wala pa ba kayong picture na dalawa ni Colton? Diba, nagdate na kayo kahapon?"

I scowled. "Hindi naman namin kailangan magpalitrato, sobrang conry n'yo. Nagdate lang kami, hindi ibig sabihin noon ay relationship goals na agad para kumuha-kuha pa ng mga ganoong bagay!"

It was just a friendly date! He offered a ride, hinatid niya ako at nagyaya siyang magdinner along the way. Wala namang masama na magdinner kami, hindi rin ibig sabihin noon ay romantic date na agad porque kaming dalawa lang. Masyado talagang issue sila Carly.

"Naku, bawal ba na magpapicture? Maganda nga iyon, remembrance ng first date niyo. Kung magiging kayo na, may makikita kang picture na nagdate kayo habang nagliligawan pa lang."

"Carly, hindi naman kami nagliligawan. Friendly dinner lang iyong kagabi, hinatid niya kasi ako kaya sabay na rin kaming nagdinner. Gawa-gawa issue ka masyado, nakakahiya kay Colton."

"Gustong-gusto kamo ni Colton 'yon!" tawa ni Nikka.

Umirap ako. "Kakabreak lang niya sa ex niya, huwag nating pangunahan agad ang mga bagay na ganyan."

"Pero may balak ka ba? Halimbawa na magsabi siya na manliligaw? Anong sagot mo?"

Suminghap ako, I shook my head in disbelief.

Villareal #6: Mundane TwilightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon