MT 12

76.1K 2.9K 860
                                    

#MT12

Pagkahatid niya sa akin ay medyo tumila na ang ulan kaya nasisiguro kong tuloy ang pag-alis namin ngayong gabi nila Carly. Naligo at nagbihis agad ako, medyo umayos ang mood ko kaysa kanina.

Nakabalunbon ang buhok sa tuwalya ay lumabas ako para tunguin ang kuwarto nila Mama, nakabukas lang ang pinto noon kaya nakapasok ako. I saw her drinking on the glass of water after taking a medicine tablet, nang makita niya ako ay umangat ang kilay niya.

"Ma, aalis ako ngayon kasama sila Carly." paalam ko habang tinitingnan siya, lumapit ako at kinapa ang noo niya.

She nodded. "O, sige. Basta mag-iingat, ha."

"Ang init mo, Ma!" singhap ko. "Nagpaulan ka ba?"

"Oo, naulanan lang kaninang umaga. Mahina na yata ang resistensya ko sa lamig, pero binigyan na ako ng gamot ni Ma'am Chandria. Magiging maayos din 'to." aniya.

I'm praying for her fast healing, too. Ayaw kong nakikita siyang ganito.

Bahagya niya akong tinulak sa likuran.

"Sige na, umalis ka na. Magtext ka o magdala ng susi kung sakaling abutin ka ng hating gabi."

"May magbabantay na ba kay Tyler?"

"Oo, huwag mo nang alalahin."

"Sino?" tanong ko.

"Uuwi ang Papa mo, wala siyang pasok sa talyer bukas."

I nodded and went out of her room, sa kuwarto ay tuluyan akong nagbihis ng susuotin. Wala pa akong mapili dahil iyong iba ay sumikip sa akin, abot langit ang frustration ko dahil doon. May ilang blouse ako na sumikip sa braso, tanda na ako'y nadagdagan na naman ng taba.

"Twillain!" Mama knocked on my door.

Pinagbuksan ko iyon nang hindi tinatapunan ng tingin, pinasadahan ko ng sulyap ang mga damit na kinalat ko sa kama.

"Mama! Tumaba ako!" pamaktol kong sinabi sa frustration.

"Mataba ka naman, nak. Ang importante, maganda ka pa rin." pampalubag loob ni Mama.

Binagsak ko ang mga balikat.

Heto ang pinaka ayaw ko, sobrang sumasama ang loob ko. I'm trying to lose weight but still gaining easily, I feel so down about my figure. Hindi ako makukuntento kahit anong sabihin kong dapat makuntento sa kung anong binigay na katangian. Ayaw ko pa rin, ayaw kong matawag na taba o baboy. Ayaw kong maging kapansin-pansin sa ganitong paraan.

Mama sighed massively.

"O, heto pala ang mga damit na binigay ni Ma'am Chandria para sayo raw." nilapag niya sa kama ang tatlong paper bags na may mamahaling tatak.

Nangunot ang noo ko at tiningnan si Mama.

"Noong isang araw pa iyan naibigay, nakakalimutan ko lang talaga. Tingnan mo kung magkakasya sayo."

"Huh? Bakit ako binigyan?"

"Regalo raw ni Fifth sa'yo iyan, sumama kasi sa mall noong nakaraan sa Mommy niya at may dalang ganyan pagkauwi."

Napasinghap ako. "P-Pakisabi salamat, Ma. Nakakahiya naman."

"Sila naman ang nagbigay, hindi ikaw ang nanghingi." aniya. "'Tsaka dalawin mo ang mga bata minsan, madalas kang hinahanap."

Tumango ako. Ang pangit naman kung ipapabalik ko, nakakainsulto siguro kung hindi ko tatanggapin at masasayang lamang. Nagkatinginan kami ni Mama, nakita ko ang kuryoso sa mga mata niya pero agad ding nawaglit.

Villareal #6: Mundane TwilightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon