MT 15

76.4K 2.6K 426
                                    

#MT15

Naging madalas ang pagsasama namin ni Horace simula nang linggong iyon, madalas niya akong sunduin sa school kaysa ang ihatid dahil sa umaga ay abala siya sa sariling gawain. He has a work somewhere aside from being a ship captain, sabi niya'y naglalayag ang kanilang barko sa loob ng walong buwang diretso at apat na buwan lamang ang bakasyon. And now, he's been a substitute in their company for his sister. Nagbakasyon kasi.

"Where are you planning to take master's?" he asked while eating a pizza.

I shrugged. "I won't take."

"Why?"

"Magtatrabaho na muna ako, saka na ako kukuha ng master's."

Gusto ko nang makaramdam ng perang galing sa sariling pagtatrabaho at hindi sa mga magulang, makakapag-take naman ako ng master's kahit kailan. Ang plano ko muna ay makapag-ipon at makatulong kila Mama.

He looked at me. "Master's take between one and three years, right?"

Tumango ako at ngumiti.

"Napapagod na akong mag-aral, ayos na iyong magtrabaho naman ako para makaluwag din sila Mama."

"But you will have more bright opportunities with master's."

"Oo, pero mas importante na ang may trabaho ngayon kaysa wala. I can take master's after saving for it."

"I can help you," he smiled.

I rolled my eyes. "Ignored."

"Awe, sad," he sighed. "I can help you find a school to work in."

Ngumuso ako. "Hmm, nice offer after my graduation. I'll try, then."

"Fucking great!" maligaya niyang suntok sa hangin. "And I'm offering myself as your daily service. Awesome idea, isn't it?"

Natawa ako. "You'll be gone for months, you can't do that."

Nakakasanay nga na palagi siyang nasa paligid sa loob ng ilang linggo, madali pa naman akong masanay sa mga taong nakakasalamuha. He's been bringing me to places, sa Tagaytay o kaya kung saan-saang food park kaya hindi na ako magtataka kung dumagdag na naman ang timbang ko. However, I continued drinking tea for losing weight.

"I can do it every three months."

"Saan bang school 'yong sinasabi mo?" kunot noong tanong ko.

"Manila." He wiggled his thick brows.

My lips separated, tumango ako. Malaking bagay iyon para sa akin! Gusto ko rin doon para malayo sa buwisit kong kapatid at asawa niya, mas gaganahan akong magtrabaho. I don't want in the near school here, lalo na kung saan ako nag i-intern ngayon dahil doon panigurado si Lydia.

"After having your license, deal?"

I smiled and nodded. "Deal."

"Really? You'll work there?"

He sounds stupid! Tinanong niya ako tapos magtatanong ng ganito?

"Why not?"

"Laguna to Manila? Or?" he asked again, sumandal siya sa monoblock na inuupuan at nagpunas ng tissue sa labi.

We usually eat somewhere open, ayaw ko rin kasi sa mamahaling restaurant tuwing nagyayaya siyang kumain. Nahihiya ako dahil hindi siya tumatanggap ng hati sa pagbabayad.

Tumawa ako. "Laguna to Manila? Hibang ka ba? Siyempre, magdodorm ako o kahit maliit na apartment. May affordable naman siguro roon."

I can live alone while working and go home every weekend in Laguna. Puwede naman iyon, mas convenient.

Villareal #6: Mundane TwilightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon