HPS
♥Chapter Three
Kuku's Pov
Nagising ako na wala na sa tabi ko si Luke. Dali dali akong bumangon at pumunta sa kusina para magluto na. Nandoon na si Sophie. Naghahanda na ng almusal.
"Good Morning Bes. Tinanghali ka ata ngayon" sabi nya na nagtataka. Never kasi ako tinatanghali ng gising.
"Napasarap tulog ko bes. Di agad ako nakabangon."sabi nya
"Ah ganoon ba? Dalian mo na dyan. Papasok na si sir Luke." sabi nya
"Okay." sabi ko at nagluto na. Pagkatapos kong iluto ang bacon at egg omellete ay bumaba na sila Ella at ash. Kasama din si Luke. Samantalang si Kyle ay tinawag pa ni Sophia sa taas.
"Eto na po ang pagkain nyo mam sir." sabi ko
"Thank you Kuku." sabi ni Ella
Kumain lng si Ash. Samantalang si Luke ay nakatitig lang sakin.
Nailang ako at nag iwas ng tingin. Inasikaso ko ang hugasin ko.
"Kuku pengeng kape." sabi ni Luke.
"Wait lang po sir. Andyan na. " sabi ko at nagtimpla ng kape.
Black coffee with sugar ang gustong timpla ni Luke ng kape. Matapos magtimpla ay inabot ko sa kanya yun. Kinuha nya ang tasa at tinikman yun.
Napangiti siya. Ewan ko ba sa lalaking to. Tuwing matitikman nya ang kape ko ay ngumingiti siya. Umalis na ko sa harap nya at tinuloy ko ang ginagawa ko.
Matapos kumain nila Ash at Ella ay umakyat na sila para mag ayos papasok ng school. Naiwan si Luke na prenteng nakaupo.
Nagliligpit na ko ng pinagkainan. Nagsalita sya.
"i like your coffee babe." sabi nya
"Babe mo mukha mo." sabi ko naman
Natawa sya at hinatak ako. Pinisil nya ang ilong ko at ngumiti.
"Ang sungit mo talaga babe. Kaya mahal na mahal kita e. Pakiss nga." sabi nya na akmang halikan ako. Binatukan ko sya
"Aray naman." sabi nya sabay himas sa ulo nyang binatukan ko.
"Tigilan mo nga ako Luke. Busy ako. Umalis ka na. Baka malate ka pa." sabi ko na pataray. Kumalas din ako sa kanya pero mas lalo nya lang hinigpitan ang yakap nya sakin.
"Kahit magsungit ka araw araw, ayos lng. Hindi hindi kita titigilan. Mahal na mahal kasi kita e. "sabi nya na nakayakap sakin.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis sa pinagsasabi nya.
"Edi sana naisip mo an bago mo ko lokohin." hindi ko napigilang bulalas. Napatakip ako ng bibig. Bat ba sinabi ko pa yun.
Bumitaw sya ng yakap at tumayo. Paakyat na sya na kwarto ng magsalita.
"6 years. 6 fucking years ko ng pinagdusahan yun pero hanggang ngayon hindi mo pa rin ako mapatawad. Ano pa kaya ang dapat kong gawin?" sabi nya sabay akyat ng hagdan. Naiwan lng ako na nakatigalgal. Oo 6 years nga syang nagdusa. Sinuyo nya ko. Lahat ginawa nya pero hindi ko sya pinakinggan.
-FLASHBACK-
6 Years ago
Habang nasa labas ako ng bahay ay abala ako sa pagwawalis. Lumapit si Luke para tulungan ako pero tumanggi ako.
"Wag mo na kong tulungan. Kaya ko na to." sabi ko sabay iwas sa kanya pero ang kulit kulit nya.
"Ano ba? Hindi ka ba titigil?" naiiritang Tanong ko.
"Hindi ako titigil hanggant hindi mo ko pinapatawad babe." sabi nya
Hindi ko sya pinansin at lumayo ako sa kanya. Pero sumunod pa rin sya.
"Please patawarin mo na ko babe." sabi nya
"Patawarin ? Para namang ang daling gawin nun? Niloko mo ko Luke. Niloko mo lang ako. Sorry? Sorry at lumandi ako? Ganoon ba? Paano kung ginawa ko sayo yun? Papatwarin mo kaya ako agad? Ang hirap sayo akala mo okay lng na magsorry pag nakagawa ka ng kasalanan. Alam mo yung masakit? Kahit anong sorry mo hindi mawala yung katotohanang niloko mo ko. Naghanap ka ng iba. Bakit? Dahil ba mayaman sya? Maganda sya? At ako ay maid lng ? Sana Luke hayaan mo na ko. Pag lalo kitang nakikta lalo lng ako naggalit sayo" sabi ko na umiiyak. Yumakap sya sakin ng mahigpit. Umiiyak na din sya at maya maya ay lumuhod sya.
"Babe sorry na. Hindi ko na uulitin. Patawarin mo lng ako. Mahal na mahal kita" sabi nya na bakaluhod habng umiiyak
Kinuha ko ang pekeng sing sing na ibibigay nya at ibinalik ko sa kanya.
"Hindi ko na kailangan to. Simula ngayon kakalimutan ko na nangako ka sakin. Na hindi na tayo. At simula ngayon titigil na kong mahalin ka." sabi ko sabay alis sa harap nya. Pumunta ako sa kwarto at umiyak ng umiyak.
Sana madali lng mawala yung sakit. Sana hindi nya na lng ako niloko.-PRESENT-
Hindi ko napansin na may tumulo na palang luha sa pisngi ko. Sa baeat masasakit na alaala parang kahapon lng ito nangyayari, dahil sobrang sakit pa din.
Pinahid ko ang luha ko at itinuloy ang gingawa ko.
Luke's Pov
Napabunga ako ng hangin habang tinitignan ang pekeng singsing na itinabi ko. Sing sing nmin ni Kuku yun nung nangako kami sa isat isa. Hanggang nagyon ay itinatago ko pa yun dahil mhal na amahal ko si Kuku. Hindi ko mapigilang malungkot. Kahit ata anong gawin ko ay di nya ko mapapatwad. Simula nubg maghiwalay kami noon ay wala na kong sineryosong babae. Hanggang ngayon sya pa rin ang mahal ko. Napasabunot ako aa buhok ko. Naiinis ako. Hindi ko mabawi ang babaeng minahal ko.
(Kung sana akin na lng sya. Akin na lng ulit ang pagmanahal nya. Paano ko kaya ulit mapapaibig si Kuku. )Sabi ko sa isip ko. Nasa ganoon ako pag iisip ng tumunog ang cp ko. Si Mattew. Kaibigan ko ar kaklase.
Sinagot ko ang tawag.
"Hello." sabi ko
"Bro asan ka na? Malate ka nyan." sabi nya na nag papaalala
9am ang pasok namin. 8 palang. May isang oras pa ko para nakagayak
"Papunta ba wait lng." sabi ko
"Sige dalian ml ha." sabi nya at pinatay ang phone nya.
Tumayo na ako para naligo. Inilapag ko lng sa taas ng kama ang mga sing sing. At pumunta na sa banyo para maligo.
--
A/N: Good Evening. Kain lang ako guys. Yan na last ud ngayon. On going kasi to. Gagawin ko muna next chapters.Paano yan wa epek lahat ng effort ni Luke. Babalik kaya sa piling nya si Kuku? Abangan. :)
-M

BINABASA MO ANG
Her Passionate Surrender (Unedited)
Lãng mạnHER PASSIONATE SURRENDER Maxxinajin13 Simula pa noong bata si Kuku Rich Ahn Versoza ay minahal nya na ang binatang si Luke Ash Villaroman. Inaalagaan ito ng Lola nya. At tuwing summer ay isinasama sya. Bata pa lang ay may ugnayan na sila ngunit sina...