Chapter Fourteen💋

678 8 0
                                    

#HPS<3

Chapter Fourteen

Kuku's Pov

Araw ng Lunes ngayon. Maaga akong nagising para maglinis ng bahay. Patayo na ko sa higaan ng bigla akong nahilo. Dali dali akong tumakbo papunta sa banyo. At nag suka sa lababo, pero kahit pakiramdam ko ay nasusuka ako ay wala namang lumalabas sa lalamunan ko. Nahihilo ako at nasandal sa pinto. May sakit ba ko? Ano bang nangyayari sakin. Bumalik ako sa kama at nahiga. Inaantok pa siguro ako kaya ganto ang nararadaman ko.

Nakapikit ako at naalala ang mga sandali namin ni Luke sa Zambales. Sobra naming saya noon. Nakatulugan ko  ang pag iisip sa bagay na yun.

Luke's Pov

Nasa School ako ng umagang iyon ng biglang tumawag si Zy sakin. May importante daw syang sasabihin magkiya daw kami sa mall. Matapos ang klase ko ay pumunta ako ng mall. Nakita ko sya na naghihintay sakin sa Starbucks. Lumapit ako sa kanya. Halatang stress sya at puyat. Kitang kita sa eye bags nya. Umupo ako sa katapat nyang upuan at nagtanong.

"Bakit Zy? You looked depressed." bungad ko sa kanya.

Biglang tumulo ang luha nya at nagsalita.

"Lu i need your help." sabi nya na umiiyak

"Whats the matter Zy?" tanong ko na nag aalala

"Lu im preg-nant." sabi nya

"Ha? Paanong?" pagtataka ko

"Zack and i had sex. Pero Lu iniwan nya ko. Ayaw nyang panagutan ang dinadala ko. Kahapon ko lng naconfirm na buntis ako Lu. Papatayin ako nila papa pag nalaman nilang buntis ako at hindi pinanindigan ni Zack." lumuluhang sabi nya

"Wag kang mag alala Zy. Andito ako para sayo. Tutulungan kita na hanapin si Zack. Habang wala pa sya ako muna ang bahala sa inyo ng baby mo." sabi ko

Marahan syang ngumiti at tumingin sakin.

"Salamat Lu. Bestfriend nga kita." sabi nya

"Wala yun. Lahat gagawin ko para matulungan ka. Kaibigan kita e." sabi ko

"San kaya natin hahanapin si Zack? Paano pag nalaman nila mama to?" tanong nya sakin

"tell them that i am the father. And im willing to marry you. Pero fake lng." sabi ko

"Talaga? E paano si Kuku?" tanong nya

"Maiiintindihan ni Kuku to. Alam kong malawak ang pang unawa nya." sabi ko

"Salamat Lu. Hayaan mo tutulungan kitang magpaliwanag sa kanya." sabi nya

Napag usapan namin ang plano kung paano hahanapin si Zack Trivs David. Isang Half American na first love ni Zy. Nakilala ko na ito sa isang gathering sa america. Mayaman ito. May kompanya kasi ito ng alak.

Noong una para silang asot pusa ni Zy. Not compatible. Pero nagulat nlng ako ng malaman magksaintahan na sila. 3 years na ang relasyon nila ngayon pero bigla na lng nangyari ito. Kailangan kong tulungan si Zy. Ako lng ang matatakbuhan nya.

Kuku's Pov

Nagising ako bandang alas nuwebe na ng umaga. Lumabas ako para magkape. Nandoon si Sophia at abala sa paglilinis ng kusina.

"Tinanghali ka ata bes. Ayan may niluto akong itlog. Kainin muna yan." binuksan ko ang takip sa pinggan. Mabaho ang amoy. Nasuka ako at nagduduwal duwal.

"Bes bat ang baho ng amoy?" tanong ko

"Nang alin ba? Ano bang nangyayari sayo?" tanong nya

"yung itlog. Mabaho." sabi ko
Pumunta sya malapit sa lamesa at inamoy ang itlog.

"Hindi naman ah." sabi nya at tinikman nya pa iyon. Pero hindi ko talaga matiis ang amoy. Pumasok ulit ako sa kwarto at naligo. Medyo gumaan naman ang pakiramdam ko.

Matapos magbihis ay kumain na ako. Oatmeal lng at gatas ang kinain ko. Matapos nun ay nagwalis na ko sa sala. Naabutan ko si Ella na nagcocomputer sa sala. Abala sya sa project nya. Lumapit ako sa kanya at tinignan ang ginagawa nya.

"Ano yan Ella?" tanong ko

"Project ate. Kailngan ko nga ng model e .  Hays." Sabi nya

"Para san ba yan? Tanong ko ulit.

"Sa fashion modelling. Masscom kasi ang course na kukunin ko. Kailangan naming ipresent kung ano nga bang gusto namin sa buhay." sabi nya

"Ay ganoon. Galingan mo Ella." sabi ko

Itinuloy ko ang paglilinis ng bigla nya akong tawagin.

"ate Kuku tara nga sa taas may ipapagawa ako sayo." sabi na

Tumigil ako sa pag wawalis at sumama sa kanya sa taas. May hinanap syang damit at pinasuot sakin. Isa tong mini dress with lace  fabric. Hanggang tuhod ito at kulay Violet.

"Bakit mo pinasuot sakin to Ella?" Tanong ko

"Ikaw kasi ang gagawin kong model ate. Maganda ka kasi." sabi nya

"Hala. Hindi ah." sabi ko naman

Natawa lng sya at hinatak ako sa harap ng salamin at inayusan. Wala na kong magawa kundi hayaan syang gawin ang gusto nya. Matapos akong ayusan ay bumaba kami sa swimming pool area at pinagpose ako dun. Umupo ako sa bench at ngumiti. Kinukuhanan naman nya ko ng picture. Matapos nun ay pinatayo nya na ko at Pinagpost ulit. Gandang ganda sya sa mga larawan ko. Ako naman ay nahihiya.

"You look gorgeous ate Kuku. Pwede kang maging model." sabi nya.

"Salamat Ella. Magpapalit na ko." sabi ko na nahihiya.

Pumasok na ko at paakyat na sa hagdan ng bigla akong tawagin ni Senyora.

"Kuku maghanda kayo ni Sophia ng pagkain. May bisita mamaya. Pamilya nila Zy." sabi nya

"Osige po." sabi ko

"At saka allergic sa hipon si Zy. Masamang makakain sya nun baka maapektuhan ang apo ko sa kanya." sabi nya

"Apo nyo po? Buntis sya?" tanong ko

"Yeah iha. Si Luke ang ama. Nakakatuwa diba?" tanong niya.

Bigla akong napatulala. Napatigalgal. Ha? Akala ko ba ako ang mahal ni Luke? Akala ko ba ako lang? Umalis na sya sa harapan ko. Hindi ko na napigilan ang luhang nagbabadya sa mata ko.

--
A/N: Hala. Paano na yan? Luke over na ba? Ano kayang mangyayari? Abangan :D

Ps. Reply box Policy . Salamat :*

#Zy'sPregnancy
#HerPassionateSurrender^^

Her Passionate Surrender (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon