Chapter Fourty💋

479 5 0
                                    

#HPS

Kuku's Pov

Nagising ako na may humahagod sa mukha ko. Napapangiti ako sa bawat haplos niya sa akin. Nakikiliti kasi ako. Hindi na masakit ang ulo ko. Dala siguro ng pag inom ko ng gamot. Napapangiti ako ng madama kong may dumampi sa labi ko. Napamulat ako. Hinahalikan ako ni Luke. Agad akong lumayo sa kanya. Kaya naman nalaglag ako sa kama.

"Shit! Aray." bigkas ko napahawak sa balakang ko.

"Kuku. Im sorry." sabi niya. Tinignan ko lang siya ng masama. Akmang aakayin niya ako ng pero nagpumiglas ako pero pinangko niya pa rin ako at inihiga sa kama.

"Masakit ba?" tanong niya

"Malamang.."inis kong sabi. Natawa siya at pinatalikod ako. Itinaas niya ang blouse ko.

"Ano b-a? Anong gaga-win mo?" nag aalalang tanong ko. Kinakabahan kasi ako sa mga kilos niya at galaw. Feeling ko ano mang oras ay bibigay na ako. At ayokong mangyari yun.

"Stay still." sabi niya. Napasinghap ako ng maramdaman ang kamay niya sa bewang ko. Dahan dahan niyang hinaplos ang balakang ko. Hinilot niya iyon. Napaungol ako sa sarap. Sarap na nanunuot sa bawat katawan ko.

"Hmm.. Oh.." ungol ko. "Diyan.  Banda diyan.. Ohh..." sambit ko.

Tinuloy niya ang paghilot sa balakang ko. Sarap na sarap ako sa bawat kilos ng kamay niya. Nawawala ang sakit na kanina ay nararamdaman ko. Nang matapos siya ay dahan dahan niya ako pinaharap sa kanya. Nakahiga na ako sa kama. Tiningnan niya ako sa mga mata.

"Hindi ako nagsosorry na hinalikan kita. Nagsosorry ako kasi ginulat kita." sabi niya na sincere. Nakaramdam ako ng tibok sa puso ko na hindi maipaliwanag. Dahan dahang dumikit ang bibig niya sa noo ko at hinalikan niya iyon. Namula ako. Nakaramdam ng sobrang init sa katawan ko.

Damn simpleng halik lang iyon nag iinit na ako.

"You need to rest." sabi niya sabay tayo sa kama ko.

"Saan ka pupunta?" hindi ko napigilang tanong.

"Sa baba. Magluluto ng dinner mo." sabi niya.

"S-Stay.." sambit ko. "Pleas-e?"

Nagulat siya ngunit maya maya ay napalitan iyon ng ngiti.

"Okay.. I will." sabi niya.

Bumalik siya sa kama at inayos ang kumot ko. Nakatingin lang siya sakin.

"Bakit ka nakatingin?" tanong ko.

"I just miss you. I miss this." sabi niya.

Namula ako. Bat ba lagi na lang ako namumula sa kanya. Tinakpan ko ng kumot ang mukha ko para matago ang pamumula ko.

"Hey.. Huwag ka ng magtago babe." sabi niya

"Don't babe babe me..." sabi ko habang nakatalukbong pa rin ng kumot. Naramdaman kong bumuntong hininga siya.

"Okay.." sabi niya. "Pero magpakita ka na sakin please? Wag ka ng magtago sa ilalim ng kumot." sabi niya. Dahan dahan kong iniangat ang ulo ko. Tinignan ko siya. Nakangiti siya sakin.

"Take a rest." sambit niya. Inayos niya ang kumot at tinignan ako.

"Thankyou. Thankyou for taking care of me." sabi ko na nahihiya

Ngumiti lang siya sakin. Pumikit ako. Gusto kong nasa tabi ko siya. Gusto kong kasama siya. Kampante ako na nasa tabi ko lang siya. Sa pagpikit ko tanging siya lang ang nasa isip ko. Hindi ko namalayan nakatulog na ko kakaisip sa kanya.

HINDI alam ni Kuku kung paanong pagtitimpi ang ginagawa ni Luke para hindi siya angkinin. Labis na init ang dala ni Kuku sa kanya. Napabuntong hininga siya ng maalala ang paghalik niya dito kanina. Hindi niya intensyon na gulatin to pero labi niyang namimiss ang mga labi nito. Halos ilang oras niya pinag isipan kung hahalikan niya ang dalaga. Gusto niyang malasap ang labi nito. Gusto niyang mahalin siya nito ulit. Gusto niyang maging sila ulit at lahat gagawin niya para mapasakanya si Kuku. Sa pagkakataong ito hindi siya susuko.

Tinignan niya ang mukha ng himbing na dalaga.

"I will have you again my wife. Again." bigkas niya bago tumayo at nagluto ng makakain nito.

-
Hala. Mukang dumadamoves si Papa Luke. Hahaha. Abangan pa ang mga susunod na mangyayari. Salamat.

#Again
#HerPassionateSurrender

Her Passionate Surrender (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon