Chapter Nine💋

828 6 0
                                    

#HPS♥

Chapter Nine

Kuku's Pov

Nagising ako na nakayakap si Luke sa akin. Tinignan ko ang mukha ng aking mahal. Napakahimbing nya na natutulog.

Dahan dahan akong bumangon at hinanap ang mga damit ko.

Nakita ko ng bra at panty ko sa lapag. Isinuot ko yun pagkatapos ay isinuot ko na din ang short at blouse ko.

Bago lumabas ng kwarto nya ay Hinalikan ko sya sa labi. Hindi naman sya nagising kaya nakaalis ako ng matiwasay.

Pagbaba ko sa Kusina ay nandoon na si Kyle at Sophia. Magkayakap sila.

"Hoy sophia. Anong ginagawa nyo?" sabi ko

Nagulat silang dalawa. Halata sa kanila na may ginagawa silang milagro.

"Wala ah. Ano bang iniisip mo? Nag uusap lng kami. Nga pla san ka galing? At san ka natulog?" Tanong ni Sophia sakin

Kinabanan ako. Baka kasi malaman nya ang kahalayang ginawa namin ni Luke.

"Hmm.. Napuyat ako sa project ni Luke e. Kaya don na ko natulog. Sige una na ko sa inyo. Matutulog muna ako sa kwarto ko. Sige babye sir." sabi ko at nagmadaling pumasok sa kwarto ko.

Pagkapasok sa kwarto ko ay nilock ko yun. Tinignan ko ang katawan ko sa salamin. May mga bahid na pula galing sa paghalik ni Luke. Karamihan ay sa leeg. Dibdib at hita. Naghubad ako at pumasok ako sa banyo. Naligo ako. Habang naliligo ay di ko mapigilang maalala ang pinagsalihan naming init kagabi.

Namula ako. Unang pagkakataon sa buhay ko na nangyari sakin yun. Ang sarap pala sa ferling ng ganoon. Na ibigay mo sa taong mahal mo ang sarili mo.

Matapos maligo ay natulog na ako. Kailangan
kong bumawi ng lakas para malagawa ako sa bahay.

Luke's Pov

Alas diyes na ko ng nagising. Pagtingin ko sa tabi ko ay wala na si Kuki. Asan na kaya sya. Tumayo ako at nag inat. Namimiss ko na sya. Dali dali akong pumunta sa banyo at naligo. Pagkatapos ay bumaba ako sa Kusina. Si sophia lang ang nandoon.

"Nasan si Kuku sophie?" tanong ko

"Tulog po sir Luke. Napuyat daw sa project nyo kagabi." sabi nya

Di ko mapigilang matawa. Project? Talaga lang yun ang dinahilan nya? Anong project yun. How to make a baby? O Ang project namin ay ang paggawa ng baby.

"Bakit sir anong nakakatawa?" Tanong ni sophie na nagtataka

"ah wala lng. Yung project kasi namin e itutuloy namin mamayang gabi kaya kailangan ko dya mamayang gabi ulit. Baka dun ulit sya matulog sa kwarto ko. Pakisabi nalng sa kanya. Salamat." sabi ko at umakyat na sa itaas. Hindi mawala angg ngiti ko. Nagbihis na ko para pumasok sa school. Buong araw ko ay good mood lng ako.

Kuku's Pov

Nagising ako ng bandang alas onse ng umaga. Pumunta agad ako sa kusina para tumulong sa pagluluto ng tanghalian.

Pagpasok sa kusina ay nandoon si lola mading at sophia. Naghihiwa ng mga sangkap ng kare kare.

"Oh apo tinangali ka ata?" tanong sakin ni lola

"Opo e. Ginabi ako sa project ni Luke. Tinulungan ko sya kagabi." pag sisinungaling ko.

"Ah ganoon ba apo. O sige tulungan mo na kami dito." sabi ni Lola. Umupo ako sa tabi ni sophie.

"Saka nga pla kuku pinapasabi ni Luke na itutuloy nyo daw yung project nya mamayang gabi. Punta ka daw mamaya sa kwarto nya." sabi ni Sophia.

Hindi ko matago na namula ako. Loko loko talaga si Luke. Kung anong anong sinasabi ni Luke kay sophie. Maya maya nyan malaman ni sophia ang kagagahan ko. Sigurado yari ako sa kanila ni lola. Hahang naghihiwa ng puso ng saging ay may kumatok sa mansyon. Dali dali akong pumunta sa pinto para buksan ito.

Pagbukas ko ng pinto ay may isang magandang babae na nakatayo doon. Napakaputi nito. Nakabrace at mahaba ang buhok. Nakasuot ito ng Off shoulder red dress at nakamake up pa ito.

Ngumiti sya sakin at nagsalita.

"Hi miss nandyan ba si Luke?" tanong niya.

Nakaramdam ako ng inis at the same time ay inggit. Napakaganda kasi nito at masasabing kababaliwan ng kahit sinong lalaki. Hindi ko pinahalatang inis ako. Ngumiti ako.

"Ay wala po si Sir e. Anong kailngan nila at sino po sila?" tanong ko

"Ay ganoon ba. Sige pakisabi dumaan ako. My name is Zyrene Bernice Quangco. Girlfriend nya. Salamat miss. :)" sabi nito at ngumiti pa.

Sumakay ito sa kotse nya at kumaway. Naiwan akong nakatigalgal sa pintuan. Bigla na lng tumulo ang luha ko.

Ito na nga ba ang sinasabi ko e. Nagpauto na naman ako.

--
A/N: Good evening giys. Sensya kung ngayon lng nakag update. Busy sa trabaho. Alam nyo nam kumakayod para sa ekonomiya.

Wtf!? May Gf si Luke? Totoo ba? Paano na sila ni Kuku? Kawawa naman si Kuku . Naloko na naman. May forever kaya silang dalawa? Alamin. :)

Btw. Sa mga hindi pa nakakabasa ng 100 days to make him fall inlove. Search not na lng.  NASA works OK. 

At sa mga hindi nakakaalam na may Series 1 itong story na ito na entittled Maid For You.

Updated lahat yan. :) salamat sa support at sa walang sawang pagbabasa. Mahal ko kayong lahat. :D

-M💋

Her Passionate Surrender (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon