Chapter Fourty Six💋

516 5 0
                                    

#HPS

Kuku's Pov

Mula ng mangyari iyon ay iniwasan ko na si Luke. Hindi ako sumasabay sa pagkain sa kanya kahit tinatawag niya ako. Madalas nagdadahilan na lang ako ng kung ano ano. Siguro napagod na rin siya kakapilit sakin kaya naman tumigil na siya sa panghikayat. Madalas wala din ito sa bahay kaya naman naiiwan lang ako sa bahay mag isa. Hindi naman ako nabobored kasi nagiging busy ako kakaayos ng hardin. Marami na akong bulaklak na natanim.

Isang hapon habang nagdidilig ako ng halaman ay may bisita akong hindi inaasahan. Si Kleid. May dala itong pizza at maiinom. Agad akong lumapit sa kanya. Namiss ko siya. Ito lang ang nakakaalam na pumayag siya sa kasunduan nila ni Luke. Noong una ay ayaw nitong pumayag pero bandang huli ay nakumbinsi niya itong pumayag.

"Kamusta ka dito?" sabi niya. "I miss you." May iniabot din itong bulaklak. Tinanggap ko iyon at ngumiti.

"Okay naman. Ako din namiss kita. Ikaw kamusta? Si Megan?" tanong niya.

"Okay naman siya. Tanong ng tanong kung san ka raw nagbakasyon." sabi nito. Nilapag niya sa lamesa sa harapan.

"Namimiss ko na siya." sabi ko na malungkot.

"Don't worry, sasabihin ko sa kanya yan." sabi niya na ngumiti. "Kumain na tayo. Lalamig ang pizza."

"Sige. Namiss ko rin ang pizza."sabi niya na masaya

"Kailan ka ba uuwi? Nasan si Luke?" tanong nito

"Hindi ko alam e. Madalas siyang wala dito." sabi niya.

"Mabuti yun. Hindi ka niya nilalapitan." sabi nito. Hindi niya n alang pinansin ang sinabi nito at kumain ng pizza. Mukhang hindi na siya maghahapunan dahil ang laki laki ng slice ng pagkain. Kasabay ang softdrinks ay masaya nilang naubos ni Kleid ang pagkain.

HAPON NA ng makauwi ako galing sa hospital. Nadengue si Caleb kaya naman tumutulong ako sa pagbantay sa bata. Ilang araw na din akong iniiwasan ni Kuku. Ramdam ko ang paglayo niya. Nakakainis dahil alam kong unti unti ng lumalambot ang puso niya pero parang biglang nagbago ihip ng hangin. Isang linggo na rin mahigit silang magkasama. Malapit na siya sa bahay ng madaanan niya ang isang fast food restaurant. Bibilhan niya ng pasalubong si Kuku. Umorder siya ng burger, fries, sundae, at coke float. Nakangiti siya. Siguradong magugustuhan ito ng dalaga.

Nasa tapat na siya ng gate ng bahay nila ng makita niya si Kleid na mukhang paalis na sa bahay nila. Hawak nito ang kamay ng nakangiting si Kuku. Mukhang ang saya ng asawa ko sa lalaking ito. Nakaramdam ako ng selos. Nagtagis ang bagang ko. Nang nasa kotse na sila ay niyakap ni Kleid si Kuku. Lalo akong nag ngitngit. Ibig kong paulanan ng suntok ng lalaki. Pababa na ako ng sasakyan ng makita kong halikan niya ang asawa ko sa pisngi. Ngumiti lang si Kuku. Talaga bang masaya siya? Masaya siya sa piling ng lalaking yun? Sa inis ko ay pumasok ako sa sasakyan at pinagsasapak ang manibela para may maalabasan ako ng galit. Galit ako. Galit na galit. Pinaandar ko ang makina at pumunta sa luagr kung san baka sakali makalimot ako. Tinapon ko ang pagkain na binili ko. Nagsayang lang ako ng pera. Bakit ba kasi pinipilit ko pa siyang balikan ako?

SINUNDAN KO ng tingin ang papalayong sasakyan ni Kleid. Ang saya naming dalawa. Kahit papaano ay gumaan ang loob ko at nakalimutan ko ang problema ko kay Luke. Kumaway pa ako ng sumilip siya sa side mirror ng sasakyan nito. Unalis lang ako ng tuluyan na itong nakalabas ng gate. Nakangiti akong bumalik sa bahay. Nasa sala lang ako at nanonuod ng pelikula. Maganda ang pelikula. Tungkol sa dalawang tao na nagmamahalan. Nakakainggit kasi sa dulo ng kwento alam naman nating magkakatuluyan sila. Nakakaiyak kasi sila magiging perfect ang pagsasama. Samantalang ako kahit mahal ko, hindi ko maipaglaban.

Tinapos ko lang ang pelikula at pumunta na ko sa kwarto ko. Natapos magpalit ng manipis na pantulog ay nahiga na ako sa kama. Busog na ako kaya hindi na ako naghapunan. Hindi ko alam kung ilang oras ako nalatulog ng marinig ko si Luke na tinatawag ako at kinakatok ang pintuan ng kwarto ko.

"Kuku. .." sigaw nito.

Napatingin ako sa orasan sa gilid ng kama ko. Alas dose na pala. Bakit nambubulabog siya? Tinakpan ko ng roba ang pantulog ko at binuksan ang pinto. Nakayuko siya sa labas ng pinto ko. Nangngamoy alak din ang katawan niya. Mukhang lasing ito. Tumingin siya sakin. Walang ekspresyon ang mata niya.

"Anong kailangan mo?" tanong ko sa kanya. Hindi siya kumibo at lumapit sakin. Hinapit niya ang bewang ko.
"Luke bitawan mo ko!" galit kong sigaw. Hindi niya ako pinansin at bigla niys akong hinalikan.

Napasinghap ako. Nagpumiglas ako sa kanya. At ng makawala ako ay sinampal ko siya.

"Ano bang problema mo?! Lumayo ka sakin." sigaw ko.

Galit siyang tumingin sa akin. Pero nagbago ang ekspresyon ng mukha. Bigla itong lumungkot.

"Bakit pag si Kleid pumapayag kang magpahalik?! Bakit ako na asawa mo hindi?" galit nitong sigaw.

"Ano bang sina-sabi mo?" tanong ko.

"Damn it Kuku. Wag mo kong gawing tanga! Ayaw mo na ba sakin?" tanobg niya.

Gusto kong isigaw na OO para matapos na ang deal namin pero hindi ko kayang magsinungaling sa kanya. Mahal na mahal ko siya. Hindi ko napigilan ang luha ko at napaiyak ako..

Kitang kita ang galit sa mata niya.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo Luke. Lumayas ka sa kwarto ko." sabi ko pero hindi siya umalis. Umupo siya sa kama.

"I'm sorry. Kung napipilitan ka sakin. Sobrang mahal kasi kita. Mahal na mahal kaya selos na selos ako kay Kleid. Gusto ko lang naman na mahalin mo din ako e." sabi nito na umiiyak. Nahabag ako. Umiiyak akong lumapit sa kanya st umupo sa tabi niya. Hinawakan ko ang mukha niya at pinahid ang luha niya. Ngumiti ako sa kanya.

"Mahal na mahal din kita. Hindi nawala ang pag ibig ko sayo." sabi ko sa kanya. Halata sa mukha niya ang gulat. Hinawakan niya ako.

"Totoo ba yung sinasabi mo?" tanong niya. Tumango ako at ngumiti. Tinitigan ko siya. Kitang kita ang saya sa mata niya. Dahan dahang lumapit ang mukha niya sa mukha ko. Napapikit ako ng maramdamang lumapat ang labi niya sa labi ko.

Napaungol ako sa init na nararamdaman ko sa katawan ko. Humahaplos din ang mga kamay niya sa katawan ko.

"I want you babe. I love you." sambit niya sa pagitan ng paghinga.

"I want you too." sabi ko sabay halik sa labi niya. At nang ihiga niya ako sa kama ay hinayaan ko siyang sambahin ang katawan ko. Sa ngayon wala akong pakielam sa mangyayari basta gusto kong lunodin ang sarili ko sa pag ibig niya.
-
Haluuuu... Salamat sa mgs hindi tinitigilang basahin ang HPS. Nakakakilig comment niyo kahit NEXT lang. Hahaha. Enjoy reading guys. Malapit ng natapos to. Hanggang saan kaya aabot ang pagpapakipot ni Kuku? Abangan.

Ps: Next chapter ay BS. Patnubay at gabay ng mga nakakatanda sa mga inosenteng bata na katulad ko. 😂 Skip nyo na lng yung next chapter. Balik na lang kayo pag 18+ na kayo. Yun lang. Loveyah😘

#IloveyouComeback
#HerPassionateSurrender.

Her Passionate Surrender (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon