#HPS
Kuku's Pov
Siyam na buwan na rin ang lumipas mula ng malagpasan nila ang oagsubok nilang mag asawa. Sa ngayon ay naipakulong na si Queen at pinaghihirapan na nito ang kasalanan sa loob ng kukungan. Ang balita niya ay nasa ibang bansa na si Caleb. Nasa ama na nito iyon. Si Mara naman ay masaya na bilang isang artista at balita ko ay may boyfriend na itong amerikano. Masaya ako sa kanya dahil kahit paano ay nabuhay na ito sa gusto nito at nakamove on na sa dilim na nakaraang pinagmulan nito. Si Kleid naman at si Megan ay napapabalitang nagdadate na. Masaya ako sa dalawa kong kaibigan. Mukhang nahanap nila ang pag ibig sa isat isa. Si Shania naman ay malapit ng mag kinder. Matataas ang marka nito kaya naman tuwang tuwa kaming mag asawa. Mukhang maayos ang pag papalaki namin sa bata.
Kabuwanan ko na ngayon at medyo hirap na akong kumilos. Ang laki kasi ng tiyan ko. Hindi pa rin namin alama ng gender pero kambal ang dinadala ko. Nakakatuwang nawalan man ako ng isa ay doble doble naman ang ibinigay na kapalit ng diyos. Nasa Zambales pa rin kaming pamilya. Paminsan minsan ay dinadalaw ako ni Sophia. Kasama niya ang asawa at mga anak na si Sky at si Summer.
Kumpleto na ang buhay ko. Masaya ako sa asawa at sa anak. Maswerte ako sa kaibigan at kamag anak. Wala na kong mahihiling pa.
Kasalukuyan kaming nag bobonding pamilya sa dagat. Enjoy na enjiy sa paglangoy ang mag ama ko. Samantalang ako ay masayang nakaupo sa buhanginan habang kumakain ng sampalok na walang buto. Iyon ang craving ko lagi. Tumatawang lumapit sakin ang mag ama ko. Hinalikan ako sa labi ng asawa ko samantalang sa pisngi naman humalik si Shania.
"Mommyy.. I want juice." sabi nito. Tumayo siya at Maingat niyang kinuha ang baso at kumuha ng juice sa lamesang malapit sa kanya. Nang pabalik na siya sa kinauupuan ng anak niya ay nakaramdam siya ng kirot sa bandang tiyan. Akala niya sumipa lang ang baby niya pero hindi nawala ang kirot. Lalong sumasakit.
"Lukeee!!!" tawag niya sa asawa. "M'nga..m'angan..ganak na ata ako " sigaw niya. Agad lumapit sa kanya si Luke at pinangko siya. Dinala siya nito sa sasakyan. Habang si Shania naman ay pumasok ng bahay at kinuha ang nakahandang gamit ng mga kapatid nito na isisilang niya.
Namimilipit siya sa sakit ng maramdaman niya ang pag usad ng sasakyan. Nasa tabi niya lang si Shania na hawak hawak ang kamay niya.
"Mommyyy." nangingiyak nitong sabi. Mukhang ayaw nitong nakikita siya sa sakit. Pilit siyang ngumiti sa anak at nagsalita.
"Don't wor..ry baby.. Mommyss okay." sabi niya. Niyakap lang siya ng anak. Samantalang si Luke ay nagmamaneho lang na paminsan minsan ay tinitignan siya. Ilang minuto rin bago sila makarating sa Hospital.
Dali dali lumabas ang mga nurse para ihiga siya sa higaang may gulong at dalin sa ER. Habang papunta siay doon ay nakahawak sa kamay niya ang asawa at anak niya.
"Mommyy. .." iyak ni Shania.
"Babe. Kaya mo yan.. I love you." sabi ng asawa niya. Hindi niya na kayang gantihan ito dahil sobrang sakit na ang nararamdaman niya. Ipinasok na siya sa ER samantalang naiwan ang mag ama niya sa labas. Habang nasa loob siya ay abala ang lahat sa pag asikaso sa kanya. Lahat ng aparatus ay ikinabit sa kanya. Katulad ng oxygen at kung ano ano pa. Matapos niyon ay nagsalita ang docror.
"Mrs. Villaroman we need your cooperation. Kailangan mong umire para mailabas mo ang mga anak mo. Maasahan ka ba namin?" tanong nito sa kanya. Tumango lang ako habang namimilipit sa sakin.
"In the count if three umire ka misis." sabi ng doctor. "1..2..3.. Ire misis."
"Arhhhghhhh. Ahhhh." ire niya. Pinagpapawisan siya sa sobrang hirap umire.
"Ire pa misis. 1..2..3.. Push" sabi nito
"Arghhhhh.. Ahhhhhhhhhhhh" ire niya. Halos maputol ang litid niya kakairi.
BINABASA MO ANG
Her Passionate Surrender (Unedited)
RomansaHER PASSIONATE SURRENDER Maxxinajin13 Simula pa noong bata si Kuku Rich Ahn Versoza ay minahal nya na ang binatang si Luke Ash Villaroman. Inaalagaan ito ng Lola nya. At tuwing summer ay isinasama sya. Bata pa lang ay may ugnayan na sila ngunit sina...