Chapter Thirty Four💋

451 3 1
                                    

#HPS

Luke's Pov
Ilang araw na rin ako sa Canada pero hindi pa rin nawawala ang lungkot ko. Miss na miss ko na si Kuku. Hindi ko siya kinocontact. Text, chat o tawag. Ayokong baliin ang pangako ko sa kanya. Nasa office ako ng kompanya namin sa canada. Nakaupo at nakatulala ng pumasok si Queen.

"Hey Luke." sabi niya sabay beso sa pisngi ko.

"Bakit ka nandito?" tanong ko.

"Gusto ko sanang yayain kang lumabas para malibang ka naman. Tara na." sabi niya

"Wala ako sa gana Queen. Ikaw na lang." sabi ko

Pero makulit siya. Pinilit pilit niya ako.

"Sige na Luke. May bagong bukas an resto sa tapat. Tara. Balita ko masarap ang nachos dun." sabi niya.

"Ayoko. Marami pa kong gagawin." sabi ko

"Please?" sabi niya. Bumuntong hininga ako. Ang kulit talaga ni Queen.

"Sige na nga." sabi ko. Ngumiti siya.

"Yehey." sabi niya. Agad niya kong hinatak at dinala sa kalapit na Restaurant.

Kuku's Pov

Ilang araw na mula ng umalis si Luke. Galit na galit ako sa kanya. Paano niya nagawa sakin to? May pasulat sulat pa siya. Hays.

Nasa trabaho ako ngayon sa probinsiya namin. Nagrerepak ako ng tuyo. Hindi na ako bumalik sa Manila. Ayoko na doon. Matapos ang mahabang araw ay umuwi na ko sa bahay. Nadatnan ko si Kleid sa bahay namin. Naghihintay sa akin.

Agad niya akong niyakap.

"Bakit ka nandito Kleid?" tanong ko.

"Yayain sana kitang lumabas." sabi niya.

"San naman tayo pupunta?" tanong ko

"Sa bayan sana para makagala tayo. Ngayon lang kais ako nakapunta ng bayan niyo." sabi niya

"Ah ganoon ba sige. Magbibihis lang ako." sabi ko. Agad akong naligo at nagbihis. Simpleng tshirt at short na bulaklakin ang suot ko.

Pagkatapos ko magbihis ay bumaba na ko. Nasa sala siya kiankausap ng ama ko.

"Tara na." sabi ko

"Mag-iingat kayo anak." sabi ni papa

"sige pa." sabi ko.

Sumakay kami sa sasakyan niya. Tahimik lang ako buong biyahe. Mga ilang minuto lang ay nasa bayan na kami. Ang daming paninda sa bayan. Nakaktuwa ang mga ilaw at mga bilihin. Agad akong pumunta sa isang tindahan ng prutas. Sinundan ako ni Kleid.

"Gusto mo ba niyan?" tanong niya

"Oo sana kaso wala pa kong pera." sabi ko

"Ah sige bibilhan kita. Miss isang kilo nga ng mansanas, ubas, at dalandan." sabi niya

"Nakakahiya." sabi ko

"Wag kang mahiya. Hindi naman mahal yan." sabi niya

"Sa-salamat." sabi ko. Matpos mamili ay pumunta kami sa isang kainan.

"Masarap ang pansit nila dito." sabi ko na nakangiti.

"Ah ganoon ba? Excited na kong matikman."sabi niya. Maya maya ay dumating na ang order namin.

"Kamusta ka na?" tanong niya habang kumakain.

"Okay lang naman. Ikaw?" tanong ko

"Ayos lang naman. Kuku san ka nagtatrabaho?" tanong ko

"Ah sa tuyuan. Repacker ako. Bakit?" tanong ko

"I want to offer you a job." sabi niya

"Ha? Anong trabaho naman yun?" tanong ko.

"Be my PA." sabi niya na nakangiti.

"Anong PA?" tanong ko

"Personal Assistant." sabi niya

"Bakit ako?" tanong ko

"Kasi kailangan ko ng mapagkakatiwalaan. At ikaw iyon" sabi niya

Pag tinanggap ko ang trabaho ay obligado akong sumama sa kanya sa Manila. At ayoko ng mapunta doon.

"Ayoko. Ayokong pumunta sa Manila." sabi ko

"But Kuku." sabi niya

"Please Kleid?" tanong ko

"Okay. Pero kung magbago man ang isip mo nandito lng ako." sabi niya

Ngumiti ako at nagsalita.

"salamat ha." sabi ko. Hinawakan niya ang kamay ko. Ngumiti siya. Hinalikan ang kamay ko. Nakaramdam ako ng kiliti. Naalala ko ang ginagawa ni Luke. Bigla akong natakot at kinuha ang kamay ko

Yumuko ako. Namimiss ko na si Luke at mahal na mahal ko siya pero iniwan niya pa rin ako.

Pagkatapos naming kumain ay umuwi na ako. Hinatid niya ko aa bahay at nag paalam na ko sa kanya. Paakyat na sana ako sa bahay ng marinig ko ang pag uusap nila papa at mama.

"Wala na tayong pera Mahal. Yung kabuhayan natin ay nalulugi na." sabi ni mama

"Hindi rin maganda ang pangingisda namin ngayon mahal pasensya na." sabi ni Papa.

"Kung sana lang sapat ng kinikita ko sa pananahi kaso hindi." sabi ni mama.

Nahabag ako sa magulang ko. Mahirap nga lang pala kami. Kulang rin ang kikitain ko sa tuyuan.

Kumatok ako sa pinto.

Binuksan ni Mama ang pinto.

"Nak nandiyan ka na pala. Pumasok ka." sabi ni Mama. Niyakap ko aiya at umiyak.

"Patawarin niyo ko mama. Hayaan niyo makakabawi rin tayo. Bukas na bukas ay luluwas ako ng manila at maghahanap ng trabaho. Babalik ako sa pagiging katulong." sabi ko.

"Salamat anak. Hayaan mo pag nakabawi kami ni papa mo. Hindi mo na kailangang magtrabaho." sabi ni papa.

Yumakap rin ako sa kanya. Kailangan kong lumaban para sa pamilya ko.

Bago ako matulog ay tinawagan ko si Kleid.

"Hello? Bakit Kuku" sabi niya

"Tinatanggap ko na ang trabaho Kleid. Payg nkong maging PA mo." sabi ko.

"Talaga Kuku?" tanong niya na masaya.

"Oo." sabi ko

"Sige. Bukas na bukas din susunduin na kita." sabi niya

"Sige. Goodnight." sabi ko

Pinatay ko na ang tawag at natulog na. Bukas mababago na ang lahat. Bukas bagong simula. Bukas sana mawala na sa puso ko si Luke.

-
A/N: Hi guys. Miss you all. Hala. Ano na kayang mangyayari? Babalik pa kya si Luke. Anong mangyayari kay Kuku sa Manila. Abangan.

#PersonalAssistant
#HerPassionateSurrender❤

Her Passionate Surrender (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon