Chapter Fifty Three💋

585 6 0
                                    

#HPS

Kuku's Pov

Pagkauwi namin sa bahay ay agad kong nikinisan si Shania. Yun ang tinay niyang pangalan. Enjoy na enjoy ito sa pagbabad sa bath tub ng tawagin na ang bata.

"Baby, tara na bibihisan ka na ni mommy." sabi niya. Tumakbo palapit sa kanya ang bata at niyakap siya.

"mommy ang sarap maligo." sabi nito. Napangiti siya habang pinupunasan ang katawan nito. Sinuotan niya na ng damit. Mommy na ang tawag nito sa kanya gaya ng sabi niya. Noong una ay nahibiya ito pero makalipas lang ang ilang sandali ay parang sanay na sanay na ito.

Matapos niyang bihisan ito ay inakay niya na ito papunta ng hapag kainan.
Iniupo niya ito sa tabi niya ahbang si Luke ay nasa sentro ng hapag.

"Mommy.. Sarap." sabi nito habang kumakain. Kitang kuta na gutom na gurom ito. Lalo tuloy siyang naawa.

"Baby. . Dahan dahan..." sabi ko sa kanya. Ngumiti siya at tumango.

"Sorry Mommy. Ilang araw na kasi akong hindi kumakain." sabi niya. Natahimik ako at napatingin sa kanya. Napaka inosente nito para mangyari sa kanya iyon. Hinawakan ko ang kamay niya.

"Promise hindi ka na magugutom baby. Tandaan no yan ha. Mahal na mahal ka namin ni daddy mo." sabi niya sa bata. Yumakap ito sa kanya. Niyakap niya din ito. Pati si Luke ay yumakap rin sa amin. Matapos nun ay tinuloy namin ang pagkain.

Nagliligpit na ko ng lamesa ng lumapit sakin si Shania at tinulunga ako. Ngumiti ako sa kanya at pinaupo siya sa upuan. Habang nag huhugas ay kumakanta siya.

"Baby mahilig kang kumanta?" tanong niya sa baya. Tumango ito at ngumiti. "San ka natuto baby?" tanong niya ulit.

"Kay mama ko po. Bago siya namatay lagi niya akong kinakantahan." sabi nito na bahagyang lumungkot.

"ah ganoon ba? May kapatid ka ba?" tanong niya dito.

"Wala mommy. Pero gusto ko kaso iniwan kami ni papa noon. Sumama siya sa iba. Nagkasakit si mama tapos isang araw hindi na siya nagising." sabi nito na lalong nalungkot at maluha luha.

"Don't worry baby. Kung nasan man si mama mo ay masaya na siya kasama ng little angel ko dun." sabi niya. Tumingin sa kanya ang bata. Sa edad nito hindi pa nito naiintindihan ang sinasabi niya. "At saka dapat maging masaya ka kasi matutupad na ang wish mo. Magkaakroon ka na ng kapatid. Nandito siya sa tummy ni Mommy." sabi niya. Agad na tumayo ito at lumapit sa kanya.

"Talaga mommy?" tanong nito. Naoangiti siyang tumango.

"Yehey ate na ko." sabi nito na niyakap siya. Natatawa niyang sabi.

"Sige na baby. Hinatayin mo na lang ako diyan ha. Tapusin ko lang ito." sabi niya. Nang matapos siyang maghugas ay pinainom niya ng gatas ang bata at inakay niya ito sa kwarto nila ni Luke. Doon muna to habang inaayos pa ang magiging kwarto nito.

"Daddy!" tawag nito kay Luke at yunakap. Kinarga nito ang bata at inihiga sa kama.

"Baby matulog ka na ha." sabi nito.

"Okay daddy." sabi nito. Pumikit na ito. Samantalang sila ni Luke ay nagtinginan sa isat isa at ngumiti. Humiga na rin ako sa kama kasabay ni Luke. Niyakap ko ang bata at ganoon rin siya.

Bumulong ako ng i love you sa kanya at thankyou.

Dumukwang lang siya at hinalikan ako sa labi tapos si Shania naman ay sa noo. Sobrang saya namin dahil may Shania kami. Ituturin namin siyang tunay na anak at lahat ay ibibigay namin sa kanya.

NAGISING AKO kinabukasan na wala sa tabi ang mag ama ko. Pupungas pungas akong bumangon. Pababa na ako ng marinig ang tawag ni Shania.
Mukhang nasa kusina ang dalawa. Pagbaba ko ay agad na lumapit sakin si Shania at yumakap.

"Mommyy.. Nagluluto si daddy pancake." sabi nito. Ngumiti ako at hinalikan ko siya sa pisngi.

Niyaya niya akong umupo. Hinakikan ako sa labi ni Luke.

"Good morning babe." sabi nito sa kanya.

"Good morning din babe." sabi niya. Inihanda nito ang almusal nila. Sarap na sarap ang anak niyang si Shania.

"Babe.. Pupunta ako sa lugar kung san natin nakita si Shania. Itatanong ko kung sino ang parents niya para maasikaso ang adoption papers niya. Dito lang kayo ha." sabi ni Luke.

"Okay babe. Ingat ka ha." sabi ko sa kanya.

"Oo naman babe. Kayo wag magpapasok at saka kung may nagtangka man sa inyo ay tumawag ka ka agad." sabi nito.

"Sige babe." sabi niya sa asawa. Nang matapos mag almusal ay nanood kami ng cartoons ni Shania sa Sala. Tuwang tuwa ito sa barbie. Matapos magbihis ni Luke ay nagpaalam na ito sa kanya. Hinalikan niya ito sa labi. Nang makaalis ito ay tumabi siya sa anak.

"Mommy. Boy o girl si baby?" tanong nito.

"Hindi pa alam e. Pero soon malalaman din natin baby." sabi niya. Magsasalita pa sana ito ng biglang may kumatok. Bigla akong kinabahan. Baka mamaya si Queen na naman iyon. Dahan dahan akong tumayo at lumapit sa pinto. Hawak hawak ko si Shania. Pagbukas ko ng pinto ay ang mukha ni Mara. Ang PA ni Queen. Anong ginagawa niya dito.

"Bakit?" tanong niya. Tumingin ito sa kanya at lumuhod.

"Patawarin mo ko Kuku... Napilitan lang naman akong gawin yun dahil ginipit ako ni Queen. Patawarin mo ko." sabi nitong umiiyak. Sa totoo lang galit ako sa kanya. Galit na galit pero alam ko naman si Queen ang may kakagawan noon. Pero hindi mawawala ang sakit.

"Alam mo Mara tumayo ka diyan. Hindi naman na mababawi ng sorry mo ang pagkawala ng anak ko kaya tumayo ka diyan." sabi niya.

"Hindi ako tatayo Kuku. Patawarin mo ko. Alam kong mahirap para sayo pero matagal ko ng pinagsisihan ang ginawa ko." sabi nito. Umiiyak ito at nagsusumamo. Naawa siya rito. Biktima lang din naman ito. Buti nga ay hindi siya tinuluyan nito.

"Pinapatawad na kita Mara. Sige na please." sabi niya. Sak lang to tumayo. Lumapit siya dito para bigyan ng tubig.

"Salamat Kuku. Ang totoo niyan ay ginipit ako ni Queen noon. Sinabi niyang ilalabas niya ang scandal ko.." sabi nito.

"Scandal?" tanong niya.

"Ah.. Oo may scandal kasi ako. I was rape and Queen video tape it." sabi niya na naluluha.

"You mean. Ginawa niya yun sayo? Ang sama talaga ng babaeng yun." sabi niya an nagtatagis ang bagang.

"Oo.. Bago ako maging PA ng demonyong iyon ay nagahasa ako. Hindi ko kilala ang lalaking humalay sakin at nalaman kong si Queen pala ang may pakana nun. Galit siya sakin dahil half sister niya ako. Pinarape niya ako. Yun ang ginagamit niyang pang blackmail sakin. Noong una ayaw ko talagang gawin pero tinakot niya ko kaya naman napilitan akong gawin iyon." sabi niya. Nahabag siyang niyakap ang babae.

"Shhh.. Tahan na Mara. Alam ko naman na hindi mo intensyon iyon. Salamat at ngayon naliwanagan na ako." sabi niya.

"Salamat din at dahil sayo nakulong na si ate. Hindi na ko matatakot sa kanya." sabi ni Mara. Ngumiti ito sa kanya.

"Wala iyon. Dapat mabulok siya sa kulungan kaya tulungan mo ako Mara. Sabihin mo nag nalalaman no at saka yung ginawa niya sayo pwede din nating ikaso iyon sa kanya." sabi niya. Tumango si Mara. Makalipas ang ilang minutong pag uusap ay nagpaalam na ito. Gumaan ang loob naming dalawa at nagkapatawaran. Nagako rin itong tutulungan siya sa kaso.

Ngayon masasabi niya na malakas na ang laban niya. Ipapakulong niya si Queen. Pag babayaram nito ang pagpatay sa anak niya.

-
Shocking Revealed. Ang sama talaga ni Queen. Sariling kapatid, pinagahasa. Hays. 😒

Salamat sa mga nagbabasa. Malapit na po itong magwakas. Konting kembot pa. 😍 salamat sa mga nagbabasa at nagcocomment. Kinikilig ako sa inyo. Haha. Mahal ko kayoo. Sarangheyo.

#Forgiveness
#ShockingReveal
#HerPassionateSurrender❤

Her Passionate Surrender (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon