Chapter Thirty Six💋

469 3 0
                                    

#HPS

Kuku's Pov

Hindi maipinta ang saya ko sa natayaamsa kong blessing. Halos araw araw may taping na ako at kasama pa ako sa isang sikat na Movie. May teleserye ako sa gabi at nagmomodel naman sa umaga. Matindi ang mga binabayad nila sa akin. Nagsimula an akong pagawan ng bahay sila annay sa amnila. Natubos ko na din ang lupa namin sa probinsya. Lahat ng ito ay ipinapasalamat ko kay Kleid. Siya ang nging katuwang ko sa lahat. At lahat ng ito ay dahil sa pag ibig niya sakin. Isang umaga hbaang papasok kami sa trabaho ya may sinabi siya.

"Kuku... Do you think its the time?" tanong niya

"For what?" sabi ko

"To court you again." sabi niya. Namula ako at baahgyang kinilig. Bakit nga naman hindi? 5 buwan na akong nasa manika kasama niya. Wala ding Luke na nagpaparamdam sa akin. Ang balita ay ikinasal na raw ito sa ibang bansa. Nabasa ko sa isang article tungkol kay Queen na binigyan raw ng singsing ni Luke. Sobrang pighati ang naramdaman ko.

"Sigurado ka ba? Kasal ako Kleid." sabi ko

"Okay lang sakin yun Kuku. Just give me a chance. At ska aasikasuhin na natin ang annulment nyo ni Luke." sabi niya. Nakaramdam ako ng sakit. Parang di ko kayang mahiwalay kay Luke. Mahal ko pa rin siy. At unfair kay Kleid yun. Hinawakan ko ang kamay niya.

"Saka mo nalang ako ligawan pag malaya na ako Kleid. Hayaan mo munang humilom to." sabi ko sabay tutok sa puso niya.

Bumuntong hininga siya at ngumiti.

"Okay Kuku. I will wait." sabi niya. Inalalayan niya ako papuntang kotse. Sumakay na kami papuntang modelling agency.

Luke's Pov

"What's this?" Tanong ko kay Queen sabay abot sa kanya ng article na nabasa ko. Nakalagay doon na kasal n kami at binigyan ko siya ng singsing. Hindi totoo iyon. Inabot ko lang ang nahulog niyang alahas ng nasa isa kaming pag titipon noong nakaraang linggo. May kumuha ata ng litrato at ginawna ng artikulo. Kumulo ang dugo ko. Paano nalang kung mabasa iyon ni Kuku? Siguradong magagalit iyon sa akin.

"Hindi ko alam to Luke." sabi niya. Halata sa kanya na nagsisinungling siya.

"Really huh?" sabi ko.

"Sorry. Hindi ko talaga alam. Kahapon ko lang nalman. Kinontact ko na ang magazine na yan. Tatanggalin na daw nila. Pasensya na. " sabi niya. Bumuntong hininga ako at limabas ng condo niya. I hate this life. Miss na miss ko na si Kuku.

Pumunta ako sa kalapit na abr at uminom. Nakakailang beer na ako ng mapansin ko ang artista sa tv. Philippine channel ang naturang palabas. Isang teleserye. Nagulat ako ng makita si Kuku doon. Lasing na ba ako? Ang asawa ko ba yun? Tanong ko. Baka dala lng ng alak kaya ganito ako. Nang maramdaman kong sobra na kong lasing ay umuwi na ko. How i wish na kasama ko ang asawa ko ngayon. Kayakap kahalikan at kaniig. Miss na miss ko na ang pag niniig naming dalawa. Kung hindi lang sana namatay ang anak namin. Edi sana masaya kami ngayon. Manganganak na sana siya next month. Napaluha ako. Naging miserable ang buhay ko. Hindi ko manlang makasama ang asawa ko. Limang buwan na simula ng magakahiwalay kami. Kamusta na kaya siya?

Hanggang kailan ako Magtitiis. Nakatulog ako ng ganoon ang nasa isip.

-5 years Later-

"Welcome to the Philippines sir." bati sakin ng stewardess sa Ninoy Aquino International Airport. Kababa ko palang ng eroplano. Nakakamiss ang pilipinas. Halos mag aanim na taon na mula ng makauwi ako. Sumunod sakin si Queen na bitbit bitbit ang apat na taong gulang niyang anak na si Caleb. Anak niya ito sa ex niya na taga Canada na hindi siya pinanagutan kaya namna kao ang tumatayong ama sa bata. Napakacute nito. Umiyak ito at nagpakarga sa akin.

"Bakit baby? Gutom ka na?" tanong

"Dada buhat." sabi nito. Agad ko siyang kinuha ky Queen. Artista pa rin si Queen pero hindi ns siy full time artist. May negosyo na siyang real state na magkasosyo kami at jewelry store na may ibat ibang branch na sa maraming bansa.

Pag pasok namin sa Airport ay napansin ko ang litrato ni Kuku sa isang store doon. Branded na damit ang tinda. Modelo siya doon. Ang ganda ng suot niyang swimsuit na brown sa malaking tarpauline. Nag init ang katawan ko. Namimiss ko na siya. Balita ko ay sikat na siyang artista sa Pilipinas. Marami na siyang movies na nagawa at teleserye. Ang mga ilan doon ay sinubaybayan ko pa. She had it all. The talent, beauty, charisma and body. Lahat ng lalaki ay mabibighani sa kanya. Inisip ko yung panahong magkasama kami. Napatawad na kaya niya ako?

Naputol ang pag iisip ko ng tapikin ako ni Queen.

"Luke lets go. Nagugutom na si Caleb." sabi niya. Umiiyak na nga ang bata na karga ko. Pinatahan ko siya.

"Shh Caleb. Tahan na." sabi ko. Tumigil naman ng bata sa pag iyak at yumakap sakin. Clingy talaga si Caleb sakin. Ama ang tingin niya sa akin. Nakakatuwa na kahit na nawala ang anak ko ay may pumalit naman.

Pumunta na kami sa isang resto at kumain. Ano kayang mangyayari pag nagkita kami ni Kuku? May mababago kaya?

-
A/N: Lah. Ano kayang mangyayari?😉 Abangan. Salamat sa lahat ng walang sawa nagbabasa ng mga stories ko at ang avid commentors at readers ko. Yhankyou so much. Kinikilig ako sa comments nyo. Love you all.

#5Years❤
#HerPassionateSurrender

Her Passionate Surrender (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon