Chapter Thirty💋

456 5 0
                                    

#HPS

Luke's Pov

Galit si Kuku. Hindi niya ako kinikibo o kinakausap. Lalo tuloy akong naguguilty na ako nga ang may kasalanan sa nangyari sa baby namin. Napakalungkot ko. Sobrang sakit ng nangyayari sakin ngayon.

"Babe... Please talk to me." sabi ko. Hindi siya kumibo sa akin. Nakatulala lang siya habang umiiyak. Lalo akong nahihirapan at nasasaktan. Mas doble ang sakit na nararamdaman ko.

"Babe. Kumain ka na." sabi ko. Tinabig niya ang pagkain.

"Ayokong kumain." sabi niya

"Babe." sabi ko

"Ayoko ngang kumain. Mahirap bang intindihin yun?" tanong niya

"Pero babe wala kang lakas. Pano ang kalusugan mo."sabi ko

"Ano naman. Wala na ang baby ko. Mamatay na din ako. Kasalanan mo to. Manloloko ka!" sabi niya na naiiyak.

Napigil ako sa pagsasalita. Oo nga kasalanan ko.

"Aalis muna ako." paalam ko.

Lumabs ako ng kwarto niya at doon umiyak ng umiyak.

Kuku's Pov

Hindi ko mapigilan ang sarili kong magalit. Tuwing makikita ko siya ay naalala ko ang nangyari sa akin. Ang pagkawaal ng baby ko. Sobrang dalamhati. Tumingin ako sa kawalan. Tumulo ang luha ko. Sana hindi na lang ako sumasa sa party na iyon. Edi sana buhay pa ang anak ko.

Humikbi ako at hinimas ang tiyan ko. Wala na ang anak ko. Wala na ang anghel ko.

Pumikit ako. Iyak lng ako ng iyak. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Luke's Pov

Nasa labaa ako ng kwarto ng dumating si Sophia kasama si Kuya Kyle. Alam na nila ang balita. Agad pumasok si Sophia sa kwarto ni Kuku pero tulog ang asawa ko.

"kamusta na siya?" tanong ni Sophia.

"Okay na siya. Kaso. . Galit siya sakin Sophia." sabi ko

Bumuntong hininga siya.

"Hindi ko siya masisi Luke. Nasaktan siya sa pagkawala ng baby nyo. Hayaan mo munang maghilom ang sugat niya." sabi ni Sophia.

Tumango ako. Lumabas muna ako para magpahanginn. Sinamahan ako ng kuya kong si Kyle. Tinapik niya ang balikat mo.

"Kaya mo yan Luke.." sabi niya

Bumuntong hininga ako at pumikit. Kung sana madali lang. Madali lang mawala lahat ng sakit.

Kuku's Pov

Nagising ako dahil masakit ang paa ko. Pagmulat ko ay nandoon si Sophia. Agad siyang yumakap sakin. Umiyak ako.

"Bes. Wala na ang baby ko ..."sabi ko na naluluha.

"Shh kaya mo yan Bes." sabi niya

"Hindi ko na kaya Sophia. Ayoko ng mabuhay." sabi ko. Niyakap niya ako at pinakalma.

"Shhh. Wag kang ganyan Kuku. Nandito lng kami para sayo.

Tumango lng ako. Masakit oa rin ng loob ko.

"Kumain ka na Kuku." sabi niya

"Ayoko.." sabi ko naman

"Please. Isipin mo si Luke. Isipin ml ang sarili mo." sabi niya.

Tumungin lang ako sa kawalan.
Hinawakan niya ang kamay ko.

"Kuku.. Please." sabi niya

Tumingin ako sa kanya at sinimulang isubo ang pagkain. Siguro kailangan kong lumaban hindi para sa kanila kundi para sakin.

#Hatered💔
#HerPassionateSurrender❤

Her Passionate Surrender (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon