#HPS
EPILOGUE
"Lucas! Bumalik ka ditong bata ka." sigaw ni Kuku sa isa sa kambal. Gigil na gigil siya sa anak. Sampung taon na ito pero napakatamad pa ring mag aral. Napabuntong hininga siyang tumingin kay Shania at Luisa Reign. Masayang nag uusap ang magkapatid habang ginagawa ang home work ng mga ito. Buti pa ang kanyang mga anak na babae ay masipag na nag aaral.
"Mommyy. Hayaan mo na si kuya. Ganyan talaga yan." sabi ni Luisa sa kanya. Kahit sa nauna ito ng ilang minuto kuya pa rin ang tawag nito sa kambal. Gusto raw kasi nitong maranasan na may kuya.
"Pero hindi pwede yan. Paano pag nagtrabaho na siya. Hindi siya pwedeng maging tamad." sabi ko.
"Mommy. Mamaya naman gagawin ni Lucas yan e. Tinatamad lag siya ngayon kasi binasted siya." natatawang sabi ni Shania. Fifteen years old na ito at Grade 9 na ito. Habang ang kambal naman ay Grade 4 palang.
Magsasalita pa sana siya ng biglang may nagsalita. Si Lucas.
"Sinong basted ate?" natatawang sabi ni Lucas.
"Haha. Ikaw?" tawang tanong ng kapatid nito.
"Haha si Kuya binasted." asar ng kakambal nito.
Naiiling na lang akong napapangiti. Kahit bata pa ang kanyang anak na lalaki hindi maikakaila na napakagwapo nito. Namana nito ang kagwapuhang taglay ng kanyang asawa. Lumapit siya anak at piningot ito.
"Ikaw bata ka, sinabi ko naman sayo na mag aral ka muna. Puro ka ligaw. Hay sumasakit ang ulo ko sayo." sabi niya. Hintak niya ito paupo sa upuan kung saan nandoon ang dalawang kapatid nitong babae at pinaupo roon.
"Mommy.. Aray naman." sabi nito.
"Mag aaral ka anak." sabi niya. Ngumiti lang ang anak niya at hinalikan siya sa pisngi.
"Opo mommy eto na." sabi nito. Natuwa siyang pinugpog ng halik ang anak. Kahit minsan tamad ito ay lagi naman siya nitong sinusunod.
Pumunta siya sa kusina at pinaghanda ang mga anak ng meryenda. Naghanda siya ng sandwich at juice. Pagkatapos ay ihanda ay pumunta na siya sa mga anak niya. Naghaharutan ang mga ito ng makalapit siya.
"Kumain muna kayo mga anak. Mamaya darating na si Jr at ang Daddy niyo." sabi niya.
Si Jr. Ay ang bunso nilang anak. Si Luke Ash Villaroman Jr. Seven years old na ito at napakakulit. Madalas itong sumasama sa ama nito sa opisina pag wala itong pasok. Dahil sabado ay kasama ito ngayon ng kanyang asawa. Ipinanganak niya ito makalipas ang 3 taon ng ipanganak niya ang kambal. Sa lahat ng anak niya si Jr ang masasabi niyang clingy sa kanila. Napakasweet nito at lambing. Palaging gusto nito na nakalapit sa kanila.
Sampung taon na silang nagsasama mag asawa. At sa bawat araw na lumilipas palaging pinadadama sa kanya ng kanyang asawa na mahal
na mahal siya nito. Sobrang pag aalaga at pagiging mabubuting asawa ang pinapadama nito sa kanya. Hindi lang siya mabuting asawa kundi mabuti ring ama.Simula ng ipanganak niya ang mga anak nito mas lalong tumindi ang pag ibig nito sa kanya. Naging masipag ito sa pagtatrabaho para maibigay ang pangangailangan nilang pamilya. Kaya swerte siya sa asawa.
Habang sinasalinan ng juice ang anak niya. Bumukas ang pinto at tumakbo palapit sa kanya ang kanyang bunsong anak.
"Mommmyyy!!" sigaw nito sabay yakap sa kanya.
"Hello baby. How's work?" tanong niya sa anak. Feeling kasi nito ay boss daw siya sa kompanya ng ama kaya naman lagi nila itong tinatanong sa trabaho.
"It's good mommy.. I'm tired." sabi nito. Natawa lang siya at binuhat ang anak. Pinaupo sa tabi ng kanyang kuya Lucas at binigyan ng pagkain. Habang pinapakain ang bunso niya ay naramdaman niya ang yakap mula sa likod niya.
BINABASA MO ANG
Her Passionate Surrender (Unedited)
RomanceHER PASSIONATE SURRENDER Maxxinajin13 Simula pa noong bata si Kuku Rich Ahn Versoza ay minahal nya na ang binatang si Luke Ash Villaroman. Inaalagaan ito ng Lola nya. At tuwing summer ay isinasama sya. Bata pa lang ay may ugnayan na sila ngunit sina...