Chapter Thirty Five💋

467 3 0
                                    

#HPS

Kuku's Pov

Unang araw ko sa trabaho bilang Personal assistant ni Kleid. Sa bahay niya ako nakatira. Libre lahat. Unang schedule namin ay shootimg niya ng commercial sa Manila. Kaya maaga palang ay naghanda na ako ng almusal niya.

"Good morning Kleid." sabi ko ng makita siya. Bihis na siya. Kulay asul na polo at pantalong ang suot niya.

"Good morning Kuku. Kamusta tulog mo?" tanong niya.

"Okay lang naman. Hindi naman ako namahay. Kumain ka na. Nagluto ako ng almusal." sabi ko

"Salamat." agad siyng sumubo. Sinanduknan ko siya ng sinangang at hotdog. May ham at tocino din.

Ngumiti siya sa akin. Hinatak niya ako at pinaupo sa tabi niya.

"Kumain ka na rin Kuku. Gusto ko sabayan mo ako." Napangiti ako at umupo sa tabi noya. Sumandok na din ako ng pagkain. Matapos kumain ay naligo na ako. Hinihintay niya ako sa sala habang nag fafacebook siya.

Matapos magbihis ay lumabas na ako. Simpleng short at t shirt ang sinuot ko. Sumakay na kami sa kotse at minaneho niya iton papuntang studio. Pagdating namin doon ay marami ng tao. Lahat sila ay busy sa magaganap na shooting. Isa yung commercial ng Sabon. Pampagandang sabon.

Inayusan ko na si Kleid. Konting foundation at liptint. Pinagpalit ko ein siya ng damit. Kulay puting damit partner sa asul na khaki short.

"Magtatake na tayo Sir Kleid."sabi ng isang staff.

"galingan mo ha." sabi ko sa kanya. Ngumiti siy sakin at pumunta na doon.

Nagtake na sila kaso may problema. Hindi pa dumadating ang partner niya. Kaya naman galit na galit ang direktor nila.

"Maghanap kayo ng magiging partner niya." sigaw nito. Lahat ay aligaga. Naghahanap ng makakaplit ng babae. May siang bakla na tinuro ako.

"Siya na lang direk. Maputi naman siya at maganda ang kutis." sabi nito. Tumingin naman sa akin ang direktor. Kita sa mukha nita ba nagagandahan siya sakin. Ngumiti ito at nilapitan ako.

"I like your skin. Maputi at mamula mula. Ikaw nalang ang bagong model. Bihisan siya Liya." sabi niya sa make up artist na nasa tabi niya. Agad akong hinatak ng babae at pinasok sa wardrobe. Wala na akong nagawa ng pagsuotin ako ng sexy. Short at white t shirt

Minake up-an rin ako at inayos ang buhok. Makalipas ang ilang minuto ay nasa shoiting na kami. Kinakabahan ako. Pero abdyan lang si Kleid oara tulungan ako. Ang role ko ay ang modelo ng sabon. Maglalakad ako sa harapan ni Kleid at mabibighani ito sa akin. Saka ko sasabihin ang linya kong.

"Kutis pa lang panalo na. What are you waiting for? Use Brilliant White papaya soap."

Kabisado ko na ang sasabihin ko kaya naman nag take na kami. Noong una nagkakamali ako at naiinis na ang direktor pero nung huli ay nagawa ko rin ng perpekto ang commercial. Matapos nun ay nilapitan ako ng direktor.

"Your beautiful Miss Kuku. If you want to be an artist. Try to contact me ir my agency. Ipapasok kita. Pwede ka ring maging modelo." sabi nito. Ngumiti lang ako at nagpasalamat. Di pa kasi pumapasok sa isip ko na artista na ako. Pagkatapos nun ay may inabot siya. Isang sobre na puno ng lilibohin. Ngayon lang ako nakahawak ng ganito.

"Kuku you did great." sabi ni Kleid na niyakap ako. Nabigla ako. Pero gumaan ang pakiramdam ko sa yakap niya.

"Ang dami nito." sabi ko

"You deserve it." sabi niya at ngumiti. "Tara treat mo ko."

Ngumiti ako at nagsalita.

"Tara." hinawakan niya ako at isinakay sa kotse. Ayun parin ang suot ko at ganoon rin siya. Aa isang sikat kaming restaurant nagpunta. Medyo nailang ako kasi ang mamahal ng pagkain.

"Dito ba talaga?" tanong ko. Ngumiti siya at tumango.

"Don't worry. Ako ang magbabayad ngayon. First salary mo yan kaya dapat sa pamilya mo yan." sabi niya.

"Thank you." sabi ko sabay hawak sa kamay niya.

"Your welcome Kuku. Always." sabi niya. Hinalikan niya pa ang mga kamay ko. Bahagya akong nagitla. Buti nlng dumating ang waitress.

Umorder siya ng maraming pagkain na ang sasarap.
Sinimulan na naming kumain. Habang kumakain ay tingin siya ng tingin.

"Bakit?" tanong ko

"Wala. You're so beautuful." sabi niya. Nagblush ako. Nahihiya ako kaya umiiwas ako ng tingin sa kanya.

I felt like im so beautiful above all women in the resto. Nakaka concious.

"Ano ba Kleid." inis kong sabi sa kanya. Tumawa siya. Naasar ako kaya pinalo ko ang dibdib niya. Napapangiti siyang sinalo ang kamay ko.

"Tutulungan kitang maging artista Kuku. Para makatulong ka sa pamilya mo." sabi niya.

Nag isip ako. Magandang Opportunity iyon para sakin. Pero natatakot ako. Magulo ang showbiz.

"Don't worry. Nandito ako. Poprotektahan kita." sabi niya. Napanatag ako dahil nandiyan siya.

"Salamat... Salamat Kleid sa panibagong simula." sabi ko. Tumangi lang siya at ngumiti.

Ito na ang bagong simula ko. Gagalingan ko. Ito na ang buhay ko. Hindi na ako isang katulong na nilalait. Babangon ako at ipapakita ko kay Luke kung sino ang iniwan niya.

-
A/N: Omg. Artista na ko. Este si Kuku😂 may paRevenge mode si ateng. Ano kayang mangyayari?😂 Abangan ang mga susunod na kabanata. Pasensya ngayon lang nk ud. Napagod sa Night swimming. Paki intindi. Minsan lang yun.
            -Maxxine❤

#Artista💋
#HerPassionateSurrender💕
  

Her Passionate Surrender (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon