Part 4

24K 562 15
                                    


"I AM GOING to throw you a homecoming party this weekend. Siguruhin mo na dadalo ka."

Napamaang si Jella sa sinabi ni Matilda. "M-madam?" nausal tuloy niya.

"Bakit, ayaw mo?" Kahit hindi niya nakikita ang matandang babae ay nasiguro niyang nakataas ang kilay nito na perpekto ang pagkakahugis.

Napalunok siya. Batid niya ang magiging epekto sa kaniya at sa kanyang career ng homecoming party na ioorganisa ng matandang babae. Matilda St. Clair is the most respected woman in Asia's high society. Sa edad na sisenta ay isa si Matilda sa pinakamayamang tao sa buong Asya. Taon-taong nakikipaghabulan sa unang puwesto sa listahan ng Forbes Magazine's Richest, isang investment and business genius ang babae. Halos lahat ng industriya ay mayroon itong negosyo na nag-o-operate hindi lamang sa Pilipinas kung hindi maging sa iba't ibang bansa sa Asya. Mayroon itong Oil company, Airline and Shipping company, Real Estate company, IT company, Hotel and Resorts, Entertainment and Media outfit, maging Casino at kung anu-ano pa. Ang mas nakakamangha? Nakamit ni Matilda ang kanyang yaman at tagumpay gamit ang sariling utak, kakayahan at kasipagan. Kaya marahil umabot ito sa edad na sisenta na hindi nagkaasawa. Natuon lahat ng atensiyon nito sa pagpapayaman.

Subalit higit sa lahat, isang fashion icon si Matilda St. Clair. Ang mga damit na suot nito, gusto ng ibang mga babae sa alta sosyedad ay suot din nila. Maging ang ina ni Jella ay ang matandang babae ang palaging ginagaya. Masasabi nga niya na ang pagkahumaling ng kanyang ina sa mga damit na sinusuot ni Matilda ang dahilan kaya nahilig si Jella sa fashion. She wonders how it feels like to make clothes for someone like her. That's why she took fashion design. Hindi pa niya ito personal na kilala noon.

Ang matandang babae ang dahilan kaya siya nakilala bilang isang designer. Kahit pareho silang pilipina, sa New York sila nagkakilala limang taon ang nakararaan. The old woman was the one who took a liking to her design when no one else did. At katulad noon, nang isuot ni Matilda ang isang gown na ginawa niya para sa isang party ay inulan siya ng request mula sa mga malalaking pangalan sa Hollywood at High Society. Bigla ang dati ay tinatawag na 'weird' designs niya ay naging 'fashionably eccentric'.

Mula noon ay nagkikita sila ng matandang babae minsan sa isang taon. Madalas pa rin ay nagpapagawa ito sa kaniya ng damit. Kahit ngayon na nasa putik ng kontrobersiya at eskandalo ang pangalan ni Jella ay balak pa siya nitong bigyan ng homecoming party.

"Bakit mo ako bibigyan ng party?" hindi nakatiis na tanong niya sa kabilang linya. "S-susubukan mo bang linisin ang pangalan ko? Alam nating pareho na kapag tinanggap mo ako, mawawala ang alinlangan ng mga bisita mo sa kakayahan ko bilang designer. They value your opinion."

"Oh, clever girl. Iyan nga ang plano ko," mukhang natutuwa pang sagot ni Matilda.

Huminga siya ng malalim. "Why? Bakit mo gagawin para sa akin iyan? Ako ang may kasalanan. Wala akong alibi. Talagang may ginawa akong pagkakamali."

"So? One mistake does not define a person, Jella dear. Besides, more than your designs, I kind of like you personally. Nakikita ko ang sarili ko sa iyo noong bata pa ako. You are a woman who will do her best to make her dreams come true. You are a woman who will not stop until she reaches her goals. Kaya naniniwala ako na malalampasan mo ang setback na iyan sa career mo. Kailangan mo lang ng break."

May bumikig sa lalamunan niya. "Salamat sa tiwala mo," anas niya.

"Basta magpunta ka sa party, sapat na sa akin. Alam ko na. Para siguradong pupunta ka sa party diyan ko sa Visperas Hotel gagawin. Wala kang kawala. Wear your best gown. See you."

Magsasalita pa sana si Jella subalit naputol na ang tawag. Napatitig na lamang tuloy siya sa awditibo at napabuntong hininga. Sa totoo lang ay wala siya sa mood makipag-socialize. Pero magandang pagkakataon iyon para sa kaniya. Maisasalba pa niya ang kanyang pangalan bilang isang fashion designer. Hindi pa huli ang lahat.

Wala sa loob na napatitig siya sa kanyang mga kamay. May bumikig sa lalamunan niya pero agad niyang hinamig ang sarili at nag-angat ng tingin. Hindi siya puwedeng patuloy na magmukmok na parang isang talunan. Dadalo siya sa party. Ipapakita niya na okay siya. Kahit sa panlabas lang.

PASAKAY si Derek ng elevator papunta sa third floor ng Bachelor's Pad kung nasaan ang unit niya nang pagbukas ng mga pinto niyon ay napaatras siya sa pagkabigla. Umangat ang mga kilay ni Keith na tanging sakay niyon at umibis.

"Anong nangyari sa iyo?" gulat pa ring tanong niya. Iyon ang unang pagkakataon na nakita niyang hindi balbas sarado si Keith at maayos na nakapusod ang buhok. Mas lalong iyon ang unang pagkakataon na nakita niya itong nakasuot ng formal suit. May bow tie pa.

"I have a date," sagot ni Keith. Pagkatapos ay tila may naisip ito. "Sumama ka sa akin Derek. May oras pa. Magbihis ka na at hihintayin kita sa common area."

Nangunot ang noo niya. "Akala ko ba date? Bakit mo ako isasama?"

"Actually it's a party. I'm supposed to bring someone." Sumulyap si Keith sa isa sa mga CCTV camera bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Pero ayaw niyang sumama."

"Gusto mo akong gawing substitute ni Maki?" nakaangat ang mga kilay na tanong ni Derek.

Bumalik sa kaniya ang tingin ni Keith. "Hindi. Balak talaga kitang isama kung mati-tiyempuhan kita. Sige na. Hindi ka magsisisi at magpapasalamat ka pa sa akin."

Hindi maganda ang kutob niya sa kakaibang kislap sa mga mata ng kanyang kaibigan. "Bakit ako magpapasalamat sa iyo?" dudang tanong niya.

Ngumiti si Keith. "Dahil ang pupuntahan natin ay ang homecoming party ni Jella Perez."

Natigilan si Derek at hindi nakahuma. Gusto niyang itanong kung paanong nalaman nito at nakakuha pa ng imbitasyon para sa homecoming party pero hindi na siya nagsayang pa ng laway. Posible ang maraming bagay kay Keith at minsan mas magandang huwag na lang alamin kung paano nito nagagawa ang mga iyon.

"Ano, sasama ka o hindi?" tanong ng lalaki.

Dumeretso ng tayo si Derek. "Give me twenty minutes," sagot niya at saka tuluyang sumakay ng elevator.

Bachelor's Pad series book 9: THE IDEAL MAN (Derek Manalili)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon