Part 24

17.9K 436 9
                                    


LATER, kinain din nila ang cake kahit na hindi tapos ang pagkakalagay ng icing doon pagkatapos nilang mag-shower. Masarap naman at sinabi niya iyon kay Derek na umiling-iling. "Hindi ko na uulitin. Hindi ako sanay na kung ano ang sukat ng sangkap ay iyon lang dapat. Mas masaya ako sa pagluluto ng main dish kaysa sa dessert. Isa pa, baka may maisipan ka na namang kapilyahan eh."

"Bakit, nagustuhan mo rin naman ah?" ngisi ni Jella.

Tumawa ang binata. "Hindi ko naman sinabi na hindi ko nagustuhan." Natawa na rin siya. Maya-maya ay nagtanong ito, "Wala ka ba talagang plano ngayong araw?"

"Meron pero kaya ko naman gawin dito sa bahay. Magaayos lang ako ng portfolio. May internship kasi na gusto kong pasahan ng application form. It's a huge step for my career if I get accepted," imporma niya.

May sumilay na proud na ngiti sa mga labi ni Derek. "Matatanggap ka. You always get the things you set your eyes on. I will support you all the way."

Ngumiti si Jella. Dumukwang siya at mabilis itong hinalikan sa pisngi. "Thank you," sinserong wika niya. Mainit na ngiti ang naging sagot ng binata. She loves that smile. Lalo at lumilitaw ang biloy sa pisngi nito sa tuwing ngumingiti ito. Hindi nakatiis na malambing niyang tinusok ng daliri ang isang biloy ng binata bago bumalik sa maayos na pagkakaupo. "At ikaw? May plano ka bang gawin sa araw na ito?"

"I'm planning to think of new recipes. Hindi para sa Yellow Ribbon kung hindi para sa restaurant na itatayo ko. Magluluto ako dito sa kusina kaya pwede ba kita maistorbo paminsan-minsan para tikman ang luto ko?"

"Oo naman," mabilis na sagot ni Jella.

Naging masuyo ang ngiti ni Derek. Inabot nito ang kamay niya at hinalikan iyon. "Ang sarap ng ganito."

Napangiti siya. "Ganito na ano?"

"Ganito na kasama kita. That we get to spend time together. Na nasusuportahan natin ang isa't isa."

Tumango si Jella at napabuntong hininga nang muli nitong halikan ang kamay niya. Tama si Derek. Masarap ang pakiramdam na may significant other na nagmamahal at sumosoporta sa kaniya. It feels good that she makes him feel like this too.

"Mangako tayo sa isa't isa. Hindi tayo maghihiwalay at tutuparin natin ang mga pangarap natin na magkasama," seryosong sabi ni Derek.

Sumikdo ang puso ni Jella at muntik na manginig ang ngiti sa kanyang mga labi. May kumudlit na guilt sa dibdib niya. Dahil hindi niya nasabi rito na ang internship na gusto niyang makuha ay sa New York. Dapat ay sabihin niya. Sa ibang pagkakataon ay walang pagdadalawang isip na iyon ang gagawin niya. Pero habang nakatitig siya sa mukha ni Derek na puno ng pagsuyo at pagmamahal ay may bumikig sa lalamunan niya. Kaya pilit na pinanatili niya ang ngiti sa kanyang mga labi at tumango. "Pangako," anas niya.

"Pangako," sang-ayon ng binata.

Dumilat si Jella at tumitig sa kisame. May kirot sa kanyang puso dahil sa mga alaala. Alam naman niya noon pa at mas lalong batid niya ngayon. Derek is one in a million. Ito ang klase ng lalaki na kapag iniwan mo, mahirap na balikan kahit pa gustuhin mo. Dahil kapag umalis ka, maraming babae ang tiyak na nakahandang palitan ka sa puwesto mo. Dahil lahat ng babae ay naghihintay para sa isang lalaki na katulad ni Derek. He's every woman's Mr. Right.

Subalit pinakawalan niya ito anim na taon ang nakararaan.

Hanggang doon na lamang ba talaga ang lahat? Mali ba na hinayaan niyang magkalapit pa sila ulit ngayon? Kasi ngayong nagkaroon na siya ulit ng pagkakataong makasama at makausap si Derek, nagdududa na siya kung talagang naka-move on na ba siya sa naging relasyon nila.

Siya ang agrabyado kung sakali. Dahil kung si Jella ay may pagdududa, si Derek ay talagang naka-move on na. He told her so. Kaya ba ng pride niya iyon?

Bumalik sa isip niya ang mukha ng binata kaninang bago umalis ng condo niya. Ang hinanakit sa mga mata nito. Ang frustration sa tinig. Nakagat niya ang ibabang labi. Parang pinipiga ang dibdib niya. Ayaw niyang makita ulit sa mukha ni Derek ang nakita niya kanina. Hindi niya kayang ang mukhang iyon ang huli niyang makikita kung magmamatigas siya dahil lang sa pride. Anim na taon siyang nabuhay na ang nakikitang huling imahe ng binata ay ang sakit at pagkadismaya na na nasa mukha nito nang huling beses na nag-usap sila bago siya tumulak papuntang New York. Hindi na niya nais maulit pa ang torture na iyon.

Tumayo si Jella. Naging determinado. Pupuntahan niya si Derek. Noon, sa tuwing hindi sila nagkakaunawaan ay palaging nauuna ang binata na suyuin siya. Pagkakataon na para siya naman ang humingi ng tawad at manuyo rito.

Bachelor's Pad series book 9: THE IDEAL MAN (Derek Manalili)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon