MATAMIS na amoy ng niluluto ang bumungad kay Jella nang maalipungatan siya mula sa pagkakatulog. Magkakahalong amoy ng vanilla, icing at binebake na kung ano. Humahalo sa pamilyar na amoy ng brewed coffee. Malayo sa madalas niyang makamulatan na amoy ng ginigisa.
Pumihit siya patagilid sa kama at yakap pa rin ang unan na kaamoy ng paborito niyang tao sa mundo ay unti-unti siyang nagmulat ng mga mata. Napangiti siya at napabuntong hininga nang makita ang nakatalikod na bulto ni Derek. Nakaharap ito sa kitchen counter, abala sa pagluluto ng kung ano habang mahinang humuhuni ng awiting napakinggan lang nila kagabi. Hindi alam ng marami pero matindi tamaan ng last song syndrome ang binata. Huhunihin nito iyon hanggang mamayang gabi. Maliban na lamang kapag may narinig itong ibang awit.
Wala itong suot na pang-itaas at tanging boxer's shorts lamang ang pang-ibaba kaya kitang kita niya ang malapad at matikas nitong likod. Nakayapak din ito. Magulo ang buhok, halatang galing sa pagtulog. Kumilos ito para tingnan ang nakasalang sa oven kaya nakita ni Jella ang profile nito. Muli siyang napabuntong hininga. He really is gorgeous. Mapalad siya na ang senaryo na iyon ang palagi niyang nakikita sa tuwing gumigising siya sa umaga.
Mukhang narinig ni Derek ang buntong hininga niya dahil napatingin ito sa kaniya. Huminto ito sa paghuni at mainit na ngumiti. "Good morning."
"'Morning," paos na sagot niya at patamad na bumangon paupo sa kama. Nag-inat siya at naghikab. "Hindi ka makakapag-asawa kapag kumakanta ka habang nagluluto." At least iyon ang sabi ng kusinera nila sa bahay.
Umangat ang mga kilay ni Derek pero nakangiti pa ring lumapit sa kaniya. "Hindi iyon totoo." Yumuko ito at tumingala naman siya para sa isang mabilis na halik sa mga labi.
"Anong niluluto mo?"
"I'm baking something. Hindi ba paborito mo ang carrot cake sa Yellow Ribbon? Itinuro sa akin ni Jessie. Hindi ko lang alam kung makukuha ko sa unang subok. Tumayo ka na at mag kape." Hinawakan nito ang kanyang mga kamay at marahang hinigit pabangon sa kama. Pagkatapos ay magkahawak kamay pa rin silang lumapit sa dining table na pandalawahan. Like Derek, Jella is also underdressed. T-shirt nito ang kanyang suot at sa ilalim niyon ay boyleg shorts lamang ang panloob na suot niya. Kumuha siya ng mug para sa kape habang naging abala naman ang binata sa oven dahil tumunog na iyon.
Sa loob ng isang buwan nilang pagsasama sa apartment na iyon ay nagkaroon na sila ng routine. Maaga nagigising si Derek dahil pupunta ito ng restaurant kaya gumigising din siya para sabay silang kakain ng agahan. Kapag umalis ito ay babalik siya sa pagtulog at gigising ulit kapag siya naman ang papasok sa trabaho.
Subalit espesyal ang araw na iyon. Nagkataon kasi na sabay silang walang trabaho. Maaari nilang gawin ang kahit ano na hindi nagmamadali. Kaya yata nag-bake ang binata na unang beses nitong ginawa. "Wow. It smells good!" gulat na bulalas ni Jella nang ipatong nito sa lamesa ang inihango nito sa oven.
"Whew. I'm glad," sagot ni Derek na kahit nakangisi ay halata ang relief. Mukhang hindi ito nadalian sa baking. "Lalagyan na lang ng icing at pwede na kainin."
Hindi niya mapigilan ang mapangisi habang naglalagay ng icing sa cake. Tutok na tutok kasi ito at seryoso ang ekspresyon. May pakiramdam pa nga siya na nawala na siya sa isip nito. Hindi tuloy niya napigilan ang kapilyahan. Mabilis niyang isinawsaw ang daliri sa icing at tinikman iyon. Nagulo ang ginagawa nito.
"Hey!" reklamo ni Derek na napahinto sa ginagawa at napatingin sa kaniya.
Muli niyang isinawsaw ang daliri sa icing at dumukwang hanggang maipahid niya iyon sa pisngi nito. Manghang nahigit nito ang paghinga. Natawa siya at muling tinangkang lagyan ng icing ang mukha nito pero nakaiwas ang binata kaya sa leeg nito napunta.
BINABASA MO ANG
Bachelor's Pad series book 9: THE IDEAL MAN (Derek Manalili)
RomanceJella gave up everything to become a successful fashion designer in New York. Malapit na niyang maabot ang tagumpay nang isang eskandalo ang sumira sa kanyang career. Wala siyang choice kundi ang bumalik sa Pilipinas, kahit nangangahulugang kailanga...