Part 35

24.6K 520 33
                                    

HINDI NAKAPAGSALITA si Dina. Naging mabait ang ngiti ni Jella. "Alam ko na naiintindihan mo ako. Dahil kahit naiinis ka sa akin ay marami tayong magkakapareho. You are also a strong-willed, independent and career-oriented lady. Hindi mo lang ako matanggap dahil ayaw mo ibigay sa akin ang kuya mo. I might prioritize my work but I will not stop loving and caring for him, Dina."

Humigpit ang hawak ni Derek sa kamay niya. "Hindi ko siya gustong magbago. I fell in love with her because she's passionate and goal-oriented. Hindi niya ako kailangan maging first priority ngayon. Masaya na ako na makita siyang masaya na ginagawa niya ang career na passionate talaga siya. Marami na siyang pinagdaanan para marating kung nasaan siya ngayon. I don't want her to stop because of me. And I don't want her to continue alone, either."

Napatingala si Jella sa binata at uminit ang kanyang mga mata nang makitang nakatitig ito sa kaniya at puno ng pagmamahal ang ekspresyon. Labis na kontrol ang kinailangan niya upang huwag dakmain ang batok nito at higit para halikan sa mga labi. Humigpit pang lalo ang hawak nito sa kamay niya na para bang maging ito ay nagpipigil ding halikan siya.

"Mas gusto ko pa rin na siya ang prayoridad mo," biglang sabad ng ama ni Derek. Nakagat ni Jella ang ibabang labi at napalingon sa matandang lalaki. "Hindi na bumabata si Derek. Kailangan niyang lumagay sa tahimik. Kailangan niya ng asawa at mga anak. Kailangan niya ng magpapaligaya at magpapakumpleto sa buhay niya. Hindi niya nais ng labis na kayamanan. Ang gusto lang niya ay isang masaya at simpleng pamilya. Pero kung hindi mo maibibigay sa kaniya ang mga iyon, ano ang silbi ng pagmamahal mo?"

"Tatay, sapat na sa akin na mahal niya ako," nakikiusap na sagot ni Derek.

Halatang hindi bilib ang matandang lalaki sa sinabi ng anak nito. Huminga ng malalim si Jella. "Two years," sagot niya. "I just need two more years. May goal ako na mula pagkabata ay gusto ko na tuparin. Ayokong basta na lamang kalimutan iyon. If I do, it's like forgetting who I am. Pagkatapos ng dalawang taon at marating ko na ang goal ko, pangako ko na mananatili na ako dito."

"Dalawang taon? Trenta'y singko na si Derek 'non!" manghang bulalas ng ina ng binata. "Inaasahan mong paghintayin siya ng ganoon katagal? Gusto na namin siyang magkapamilya."

Nakagat ni Jella ang ibabang labi at nanikip ang kanyang dibdib. "Alam ko ho na ang unfair ko. Pero hindi ko ho kayang bitawan ang pangarap ko. Mas lalong hindi ko kayang bitawan si Derek. I did it once and the past years had been very difficult for me. Hindi ko na kayang mawala siya sa buhay ko. Narealize ko na kapag nakilala mo na ang taong para sa iyo ay hindi na dapat pinapakawalan. Dahil hindi lang ikaw ang naghihintay ng Mr. Right. Marami ang nakahandang palitan ka sa puwesto mo sa puso at buhay ng taong iyon." Tiningala niya ang binata na titig na titig sa mukha niya. Buong pagmamahal siyang ngumiti at hindi nakatiis na iniangat ang kamay para haplusin ang pisngi nito. "You are the man I've been praying for since I was a little girl. Hindi ko na uulitin ang pagkakamali ko noon. Hindi na kita sasaktan sa abot ng makakaya ko, Derek. Sasabihin ko na sa iyo kapag kailangan kong umalis. Tatawagan na kita kapag nasa malayo ako. At maglalaan ako ng oras para makita ka."

Umangat ang kamay ng binata at ipinatong sa kamay niyang nasa pisngi nito. Masuyo itong ngumiti. "It's fine. I swear it's okay Jella. Naghintay ako ng anim na taon. Walang kaso sa akin ang hintaying maging handa ka para sa panibagong yugto ng buhay natin. I will never get tired of waiting for you because you are worth it, babe."

Uminit ang mga mata ni Jella. "Thank you, Derek."

Nagtagpo ang kanilang mga paningin at bigla ay nasiguro niya na hahalikan siya nito. Yumuko na ang binata para tawirin ang pagitan ng kanilang mga labi...

Bachelor's Pad series book 9: THE IDEAL MAN (Derek Manalili)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon