Napahinto ito sa paglalakad at marahas na nilingon siya. "Tiningnan mo?" nanlalaki ang mga matang bulalas nito.
"Mahirap na hindi tingnan kung nakakalat sa lamesa," katwiran ni Derek.
Natigilan ang dalaga. Saka hinablot ang mga papel na hawak niya. "Fine. You have a point. But they are not good enough. Kaya hindi ko na talaga kailangan ang mga ito."
"Bakit? Dahil lang sinabi ng isang tao na hindi maganda ay ganoon na lang iyon?"
Napatitig ito sa mukha niya. "Ang isang taong iyon lang naman ang kasalukuyang isa sa mga haligi ng fashion industry sa Asya. Her opinion is the only thing that matters."
"Trying to impress her must be tough."
Mapait na umangat ang gilid ng mga labi nito. "Sinabi mo pa." Pero agad ding nawala ang mapait nitong ngiti, dumeretso ng tayo at itinaas ang noo. "Pero hindi ako susuko. Soon she will recognize me and my works."
Napatitig si Derek sa mukha ng dalaga. Ngayon ay hindi na ito mukhang manika. May emosyon na sa mukha nito. May tapang. May determinasyon. May passion. Binigyan ng karakter ang maganda na nitong mukha.
Muli siyang binalingan ng tingin ng babae. Nangunot ang noo nito. "Who are you anyway?"
Himbis na ma-offend sa ginamit nitong tono ay napangisi pa siya. Inilahad niya ang kanyang kamay. "Derek Manalili. Ako ang head chef ng Yellow Ribbon."
Umangat ang kilay nito pero tinanggap naman ang pakikipagkamay niya. "I'm Jella. So ano ang ginagawa ng head chef ng isang restaurant sa labas at humahabol ng isang estranghera?"
Natawa siya. "Day off ng head chef at pinalayas siya sa kusina ng may-ari."
Napangiti na rin si Jella. "Huhulaan ko. Nagtatrabaho ka kahit day off mo."
"Well, I don't have anything else to do," sagot ni Derek.
Naging ngisi ang ngiti nito. "So, wala kang magawa kaya mo ako binigyan ng free drinks at hinabol pa pagkatapos?"
Gumanti siya ng ngisi. "Parang ganoon na nga. At wala rin akong gagawin maghapon."
Kuminang ang mga mata nito sa katuwaan habang nakatingin sa kaniya. "Ah. So you have time to drink coffee with me? Or something like that."
Nahimigan niya ang pagbibiro sa tinig nito at hindi naiwasan ni Derek ang mamangha. She might look expressionless like a doll a while ago but she can be playful and charming too. Lalo tuloy lumawak ang kanyang ngiti. "Oo. Pero huwag sa restaurant namin." Umangat ang kilay ni Jella kaya mabilis niyang dinugtungan ang sinasabi, "The male staff adores you."
"So? Are they going to bully their head chef because of a woman?"
"Oo."
Natawa ang dalaga. Napangiti siya. "I'm glad you look fine now," malumanay na sabi niya. "Mukha ka nang iiyak kanina. You're a strong woman, aren't you?"
Nahinto ito sa pagtawa. Napatitig sa mukha niya. "Thank you for trying to make me feel better. Though I can perfectly do that by myself," sagot nito sa tono na para bang hindi talaga alam kung ano ang dapat sabihin sa sitwasyong iyon pero nagkukunwaring walang anuman dito ang kanyang sinabi.
"So, how about that coffee?" nakangiting pag-iiba niya sa usapan
Kumislap ang mga mata nito, hindi nakaligtas sa pakiramdam na sinadya niyang ibahin ang usapan para maibalik ang kontrol nito sa sitwasyon. Dumeretso ito ng tayo at itinaas ang noo. "Well then, let's go," sabi nito na balewalang isinuksok lang sa shoulder bag ang mga papel ng designs at naglakad pabalik sa pinanggalingan nila.
Natigilan si Derek. "Saan tayo magkakape?"
Nilingon siya ni Jella. "Sa Yellow Ribbon. Gusto kong makita kung paano ka i-bully ng mga male staff niyo," nakangising sagot nito.
Napailing siya pero sumunod naman sa dalaga.
Pagpasok pa lamang nila sa glass door ay napatingin na ang mga tao sa kanila. Hindi na siya nagtaka sapagkat nasaksihan naman ng karamihan sa mga customer doon ang nangyari kanina. Napasulyap siya kay Jella at napansin niyang wala na ang ngiti at kapilyahan sa mukha nito. She looks casual and indifferent now. Pero napansin niyang nakataas ang mga balikat nito na para bang hinahanda ang sarili sa kung ano. Iginala niya ang tingin sa paligid bago huminto ang tingin at nagsimulang maglakad – palapit sa bakanteng lamesa na puwesto rin nito kanina.
Pabuntong hiningang napangiti si Derek. Mukhang ma-pride ang dalaga. She knew she was the center of attention because of what happened. At himbis na mapahiya at umiwas ay sinuong nito ng taas noo ang alaala ng nangyaring pamamahiya rito ng kasama nito kanina. Ngayon ay kaswal na itong nakaupo sa isang silya kung saan agad itong nilapitan ng isang waiter nila na alam niyang matindi ang pagkahumaling kay Jella. Himbis na buksan ang menu na inabot rito ay nilingon siya nito at bahagyang tinaasan ng kilay bilang pagsenyas na lumapit siya.
Namulsa siya at kaswal na naglakad palapit. Napatingin sa kaniya ang waiter at nginitian niya ito. "Coffee for two." Umupo siya sa katapat na silya ni Jella. "Anong gusto mong kainin kasabay ng kape?"
"Anong irerekomenda mo?"
"Mahilig ka sa cake?"
"Are you crazy? Sinong babae ang hindi mahilig sa cake?" manghang balik-tanong ni Jella.
Natawa siya. Pagkatapos ay tiningala ni Derek ang waiter na manghang pinagpapalit-palit ang tingin sa kanila. "And two slices of Jessie's special pastry."
Nang makabawi ang waiter ay may sumilay nang mapanudyong ngiti sa mukha nito. "Ikaw, chef ha. Ayaw mo pang sumilip kunwari sa labas kapag nandito si ma'am. Sabi mo hindi ka interesadong tingnan siya dahil sanay kang nakakakita ng maganda at siguradong katulad din siya ng iba?"
"Oh really?" taas ang kilay na tanong ni Jella.
Tiningnan niya ito, nagkunwang inosente. "Hindi pa kita nakikita 'non"
Umangat ang gilid ng mga labi ng dalaga. "At ngayon? Ano ang opinyon mo?"
Ngumiti si Derek. "Mali ako. I'm sorry. Hindi ka katulad ng iba."
Kumislap ang mga mata nito. "Huwag kang magsalita ng tapos. Hindi mo pa ako kilala. I might end up just like any woman you've met."
Itinukod niya ang mga siko sa lamesa at bahagyang lumiyad palapit sa dalaga. "Or you might end up as the woman like no other. Isang babae na isang beses lang dumarating sa buhay ng isang lalaki."
Nagkatitigan sila. Ngumiti si Jella. Itinukod din ang mga siko sa lamesa at lumiyad hanggang sa lumiit pang lalo ang distansiya ng kanilang mga mukha. "Well, you will soon find out."
BINABASA MO ANG
Bachelor's Pad series book 9: THE IDEAL MAN (Derek Manalili)
RomanceJella gave up everything to become a successful fashion designer in New York. Malapit na niyang maabot ang tagumpay nang isang eskandalo ang sumira sa kanyang career. Wala siyang choice kundi ang bumalik sa Pilipinas, kahit nangangahulugang kailanga...